Tuesday, December 22

BAKIT MAY ABULUYAN PA?



ANG PAG-AABULOY NA ISINASAGAWA SA PAGSAMBA NG IGLESIA NI CRISTO

Sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO ay may isinasagawang PAG-AABULOY ang mga kapatid. Tangi sa AWIT, ARAL at PANALANGIN.  Naiibigan ng lahat halos ang awit, aral, at panalangin sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO.  Nguni’t alin ang hindi naiibigan ng marami na kadalasan ay pinipintasan at inuusig ng iba?  Ito ang tungkol sa PAG-AABULOY na isinasagawa sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO.

Bakit marami ang UMAAYAW at NATITISOD sa PAG-AABULOY na isinasagawa sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO? 

  • Ipinalalagay nila na ito’y hindi utos ng Diyos, kundi utos lamang ng mga MINISTRO sa IGLESIA NI CRISTO. 
  • Mayroon ding nag-aakala na ang sinasabing pag-aabuloy ay SAPILITAN at isang paraan ng PANLILINLANG

Ang iba’t-ibang Iglesia ay may mga abuluyang ginagawa, subalit ang pag-aabuloy na ginaganap sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO ang higit sa lahat ay kinukutya at inuusig ng marami. Dahil dito, kailangang maunawaan ng lahat ang katotohanan at kahalagahan ng ginagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO ayon sa pagpapakilala ng Banal na Kasulatan o Biblia.

TANONG: Utos ba ng Diyos ang isinasagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?

Heb. 13:16
Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ANG PAGABULOY AY HUWAG NINYONG KALIMUTAN: sapagka't SA MGA GAYONG HAIN ANG DIOS AY TOTOONG NALULUGOD.

Sino ang nagsasalita sa talatang ito? Si Apostol Pablo. Ano ang utos ng Diyos tungkol sa pag-aabuloy? Ang sabi sa talata “ANG PAG-ABULOY AY HUWAG NINYONG KALIMUTAN.” Bakit hindi ito dapat kalimutan? Sapagkat “SA MGA GAYONG HAIN ANG DIOS AY TOTOONG NALULUGOD.”

TANONG: Mula lamang ba sa sarili ni Apostol Pablo ang kanyang sinalita na itinuro?

I Cor. 14:37
“Kung iniisip ninoman na siya’y propeta, o ayon sa espiritu, ay  kilalanin niya ANG MGA BAGAY NA SA INYO’Y ISINUSULAT KO, NA PAWANG UTOS NG PANGINOON.”

Ang mga turo na isinulat ni Apostol Pablo ay hindi mula sa kanyang sarili kundi pawang UTOS ng DIYOS.  Kung gayon, sino ang may utos sa isinasagawang pag-aabuloy sa Iglesia ni Cristo?  Ang DIYOS. Kaya, mabuti ba ang isinasagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  MABUTI.  Bakit mabuti?  Sapagka’t sumusunod ang Iglesia Ni Cristo sa utos ng Diyos at nagagawa ang TOTOONG NAKALULUGOD sa Kaniya. 

TANONG: Ikababanal ba ang pagsunod sa mga utos o mga salita ng Diyos?

Juan 17:17
“PAKABANALIN MO SILA SA KATOTOHANAN: ANG SALITA MO'Y KATOTOHANAN.”

Ikababanal. Bakit? Sapagkat ang mga SALITA o UTOS ng DIYOS ay may kapangyarihang MAKAPAGPABANAL sa tao.

TANONG: Masama ba naman ang umaayaw at natitisod sa pag-aabuloy na ginagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?

1 Juan 3:4
ANG SINOMANG GUMAGAWA NG KASALANAN AY SUMASALANGSANG DIN NAMAN SA KAUTUSAN: at ANG KASALANAN AY ANG PAGSALANGSANG SA KAUTUSAN.”

MASAMA.  Bakit masama?  Sapagka’t ito’y PAGSALANSANG SA UTOS NG DIYOS.  Kaya isang KASALANAN ang SUMALANSANG sa UTOS ng DIYOS.

TANONG: Gaano ang halagang dapat ipagkaloob sa pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo? 

II Cor. 9:7
MAGBIGAY ANG BAWA'T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't INIIBIG NG DIOS ANG NAGBIBIGAY NA MASAYA.

Ang mga ministro ba ng Iglesia ni Cristo ang nagtatakda ng halagang dapat ipagkaloob ng mga kapatid?  Hindi. Sino ang nagtatakda ng halagang dapat iabuloy o ihandog?  ANG MISMONG NAG-AABULOY.  Paano at gaano ang kanyang dapat gawin sa pagtatakda?  Ayon sa PASIYA NG KANYANG PUSO NA HINDI MAGIGING MABIGAT SA KANYANG LOOB AT NAKATUTUGON NAMAN SA PAG-UUKULAN NA KAILANGAN NG IGLESIA.  Bakit ang nag-aabuloy ang dapat magpasiya mula sa kanyang puso ng abuloy na ipagkakaloob?  Sapagka’t INIIBIG NG DIYOS ANG NAGBIBIGAY NA MASAYA.  Samakatuwid ang pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO ay HINDI SAPILITAN.  Ito’y KUSANG-LOOB ng mga sumasampalataya at ganap na nakakakilala ng kahalagahan ng pag-aabuloy sa IGLESIA NI CRISTO. 

TANONG: Ano ang ipinamamanhik ni Apostol Pablo sa mga kapatid sa Iglesia na dapat nilang gawin upang ang kanilang pag-aabuloy ay maging kusang-loob at hindi maging gaya ng sapilitan?  

2 Corinto 9:5
INIISIP KO NGANG KAILANGANG IPAMANHIK SA MGA KAPATID, na mangaunang pumariyan sa inyo, at IHANDA AGAD ANG INYONG ABULOY na ipinangako nang una, UPANG ITO'Y MAIHANDA NA GAYA NG ABULOY, AT HINDI GAYA NG SAPILITAN.”

Gaya ng ipinamamanhik ni Apostol Pablo ay INIHAHANDA NG MGA KAPATID ANG KANILANG ABULOY. 

TANONG: Paano inihahanda ng mga unang kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang kanilang abuloy o handog?

1 Corinto 16:2
“TUWING UNANG ARAW NG SANGLINGGO ANG BAWA'T ISA SA INYO AY MAGBUKOD NA MAGSIMPAN, AYON SA KANIYANG IGINIGINHAWA, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.”

IBINUBUKOD na ISINISIMPAN ng mga kapatid ang kanilang abuloy na itinakda nila na PASIYA NG KANILANG PUSO AYON SA KANILANG IGINIGINHAWA TUWING UNANG ARAW NG SANLINGGO.  Kaya hindi sapilitan ang kanilang pag-aabuloy.  HINDI SILA PINIPILIT NI NAPIPILITANG MAG-ABULOY, kundi KUSANG-LOOB na ginagawa nila ang pag-aabuloy na kinikilalang kanilang TUNGKULIN at PANANAGUTAN sa Diyos.  Talagang pinaghahandaan ng mga sumasampalataya ang pag-aabuloy ng IGLESIA NI CRISTO.  Malulugi ba naman ang lubos na tumatalaga sa pag-aabuloy?  Hindi.  Naghihirap ba ang nagkakaloob ng saganang abuloy?  Hindi rin?  Bakit?  Sapagka’t may pangakong biyaya ang Diyos na matatamo ng mga tumatalaga at hindi nagpapabaya sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia Ni Cristo.

TANONG: Ano ang biyayang matatamo na ipinangangako ng Diyos sa mga tumatalaga sa pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?

2 Corinto 9:8-10
“AT MAAARING GAWIN NG DIOS NA ANG LAHAT NG BIYAYA AY MAGSISAGANA SA INYO; UPANG KAYO, NA MAYROONG LAGING BUONG KAYA SA LAHAT AY MAGSIPANAGANA SA BAWA'T MABUTING GAWA: Gaya ng nasusulat, SIYANG NAGSABOG, SIYANG NAGBIGAY SA MGA DUKHA; ANG KANIYANG KATUWIRAN AY MANANATILI MAGPAKAILAN MAN. At ANG NAGBIBIGAY NG BINHI SA NAGHAHASIK AT NG TINAPAY NA PINAKAPAGKAIN, AY MAGBIBIGAY AT MAGPAPARAMI NG INYONG BINHI UPANG IHASIK, AT MAGDARAGDAG NG MGA BUNGA NG INYONG KATUWIRAN.”

Ano ang biyayang matatamo na ipinangangako ng Diyos sa mga tumatalaga sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  MAAARING GAWIN NG DIYOS SA KANILA NA SILA’Y PASAGANAIN SA LAHAT NG MGA BIYAYA.  Maaaring pagpalain ng Diyos ang kanilang KABUHAYAN at HANAPBUHAY.  Sila’y sasagana rin sa lahat ng gawang mabuti.  Ang mga nagsasabog ng aral o ang mga nangangaral ng mga salita ng Diyos at ang mga nagbibigay o tumutustos sa gawain sa pamamagitan ng pag-aabuloy ay mananatili ang kanilang kabanalan magpakailanman.  Hindi lamang mananatili ang kanilang kabanalan kundi MAGDARAGDAG ITO NG BUNGA NG KANILANG KABANALAN SA KANILANG PAGLILINGKOD SA DIYOS.

Natutupad ang pangakong ito ng Diyos:

  • Sa mga kapatid na sadyang tumatalaga sa PAGBUBUKOD at PAGSISIMPAN ng kanilang abuloy o handog sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo.
  • PINUPUSPOS SILA NG BIYAYA NG DIYOS SA KANILANG PAMUMUHAY AT PAGHAHANAPBUHAY
  • Ang kanilang MASIGLANG PAGLILINGKOD ay sumasagana sa mga BUNGA NG KABANALAN
  • HINDI SILA NANGHIHINA sa kanilang PANANAMPALATAYA. 
  • HINDI SILA NATITISOD kundi namamalagi sa PAGTUPAD ng mga salita ng Diyos at PAGTATAPAT sa kanilang TUNGKULIN sa Iglesia. 

Sino naman ang kusang pinagkakaitan ng mga biyaya at pagpapala ng Diyos?  Sino ang mga matitisurin?

  • MGA DI KAKITAAN NG BUNGA NG KABANALAN AT MGA GAWANG MABUTI.
  • MGA NANLULUPAYPAY SA PAGLILINGKOD.
  • HINDI MAKAPANATILI SA PAGTUPAD NG KANILANG TUNGKULIN at kadalasan ay mga NAHIHIWALAY SA PANANAMPALATAYA
  • Ang mga kapatid na AYAW MAGTALAGA SA PAG-AABULOY.  Ang mga NATITISOD at HINDI SUMASAMPALATAYA SA KAHALAGAHAN NG PAG-AABULOY NA UTOS NG DIYOS sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo.

TANONG: Bakit binibiyaya at pinagpapala ang mga tumatalagang lubos sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  Ito ba ang sukatan ng Diyos sa pagkakaloob Niya ng Kanyang mga biyaya? 

2 Corinto 9:6
“DATAPUWA'T SINASABI KO, ANG NAGHAHASIK NG BAHAGYA NA AY MAGAANI NAMANG BAHAGYA NA; AT ANG NAGHAHASIK NA SAGANA AY MAGAANI NAMANG SAGANA.”

Ano ang sukatan ng Diyos sa pagkakaloob Niya ng Kanyang mga biyaya?  ANG NAGHAHASIK NG BAHAGYA NA AY MAG-AANI NAMANG BAHAGYA NA AT ANG NAGHAHASIK NA SAGANA AY MAG-AANI NAMANG SAGANA.  Datapuwa’t masama ba naman na mag-abuloy ng malaki sa layong tumanggap naman ng malaking biyaya sa Diyos?  Hindi masama ang mag-abuloy ng malaki, kundi ANG MASAMA AY ANG MASAKIM NA LAYUNIN NA KAYA LAMANG MAGKAKALOOB NG SAGANA AY SA HANGAD NA BIYAYAIN NAMAN NG SAGANA

TANONG: Ano ang tawag sa ganitong uring paghahasik o pagkakaloob ng abuloy o handog?

Galacia 6:7-8
“HUWAG KAYONG PADAYA; ANG DIOS AY HINDI NAPABIBIRO: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya naman aanihin niya. SAPAGKA'T ANG NAGHAHASIK NG SA KANIYANG SARILING LAMAN AY SA LAMAN MAGAANI NG KASIRAAN; DATAPUWA'T ANG NAGHAHASIK NG SA ESPIRITU AY SA ESPIRITU MAGAANI NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.”

ANG PAGKAKALOOB NG SAGANANG ABULOY SA LAYUNING TUMANGGAP NAMAN NG MASAGANANG BIYAYA AY HINDI PAG-ABULOY NA AYON SA ESPIRITU O AYON SA KALOOBAN NG DIYOS.  Ang ganitong uri ng pag-aabuloy ay tinatawag na PAG-AABULOY NA AYON SA LAMAN

Anu-ano pa ang pag-aabuloy na ayon sa laman? 

  • Ang pag-aabuloy ng malaki upang mapuri ng iba.
  • Ang nag-aabuloy dahil sa nahihiya kung hindi siya magkaloob.
  • Ang nagbibigay naman alang-alang sa pagbibigay lamang sa kaninuman at iba’t-iba pang katulad nito ay mga pag-aabuloy na ayon sa laman. 

Ang ganitong uri ng pag-aabuloy ay HINDI MAGTATAMO NG BUHAY NA WALANG HANGGAN kundi MAG-AANI NG KASIRAAN SA LAMAN

TANONG: Sino ang naghandog ng abuloy na hindi ayon sa kalooban ng Diyos at nag-ani ng kasiraan sa laman o nangapahamak? 

Gawa 4:32-37
“At ANG KARAMIHAN NG MGA NAGSISAMPALATAYA AY NANGAGKAKAISA ANG PUSO AT KALULUWA: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan. At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat. Sapagka't wala sinomang nasasalat sa kanila: palibhasa'y IPINAGBILI NG LAHAT NG MAY MGA LUPA O MGA BAHAY ANG MGA ITO, AT DINALA ANG MGA HALAGA NG MGA BAGAY NA IPINAGBILI, AT ANG MGA ITO'Y INILAGAY SA MGA PAANAN NG MGA APOSTOL: AT IPINAMAMAHAGI SA BAWA'T ISA, AYON SA KINAKAILANGAN NG SINOMAN. At si Jose, na pinamagatang Bernabe ng mga apostol (na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral), isang Levita, tubo sa Chipre, Na may isang bukid, ay ipinagbili ito, at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.”

Gawa 5:1-10
“Datapuwa't isang lalake na tinatawag na ANANIAS, na kasama ng kaniyang asawang si SAFIRA, AY NAGBILI NG ISANG PAGAARI, AT INILINGID ANG ISANG BAHAGI NG HALAGA, NA NALALAMAN DIN ITO NG KANIYANG ASAWA, at dinala ang isang bahagi, at inilagay sa mga paanan ng mga apostol. Datapuwa't SINABI NI PEDRO, ANANIAS, BAKIT PINUSPOS NI SATANAS ANG IYONG PUSO UPANG MAGSINUNGALING SA ESPIRITU SANTO, AT UPANG MAGLINGID NG ISANG BAHAGI NG HALAGA NG LUPA? NANG YAO'Y NANANATILI PA, HINDI BAGA YAO'Y NANATILING IYONG SARILI? AT NANG MAIPAGBILI NA, HINDI BAGA NASA IYO RING KAPANGYARIHAN?  ANO'T INISIP MO PA ANG BAGAY NA ITO SA IYONG PUSO? HINDI KA NAGSINUNGALING SA MGA TAO, KUNDI SA DIOS. AT NANG MARINIG NI ANANIAS ANG MGA SALITANG ITO AY NAHANDUSAY AT NALAGOT ANG HININGA: at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito. At nagsitindig ang mga kabinataan at siya'y binalot, at kanilang dinala siya sa labas at inilibing. At may tatlong oras ang nakaraan, nang ANG KANIYANG ASAWA, NA DI NALALAMAN ANG NANGYARI, AY PUMASOK. AT SINABI SA KANIYA NI PEDRO, SABIHIN MO SA AKIN KUNG IPINAGBILI NINYO NG GAYON ANG LUPA.  AT SINABI NIYA, OO, SA GAYON. DATAPUWA'T SINABI SA KANIYA NI PEDRO, BAKIT KAYO'Y NAGKASUNDO UPANG TUKSUHIN ANG ESPIRITU NG PANGINOON? NARITO, NANGASA PINTUAN ANG MGA PAA NG MGA NAGSIPAGLIBING SA IYONG ASAWA, AT KANILANG DADALHIN KA SA LABAS. AT PAGDAKA'Y NAHANDUSAY SA PAANAN NIYA ANG BABAE, AT NALAGOT ANG HININGA: AT NAGSIPASOK ANG MGA KABINATAAN AT NASUMPUNGAN SIYANG PATAY, AT SIYA'Y KANILANG INILABAS AT INILIBING SIYA SA SIPING NG KANIYANG ASAWA.”

Ang mag-asawang ANANIAS at SAFIRA.  Nang panahon ng mga APOSTOL na maliit pa ANG IGLESIA NI CRISTO NAGKAISANG PUSO ANG MGA SUMASAMPALATAYA NA IPAGBILI ANG LAHAT NG KANILANG MGA TINATANGKILIK NA PAG-AARI MAGING LUPA O BAHAY MAN UPANG TUSTUSAN ANG PANGANGAILANGAN NG IGLESIA SA GAWAING PAGPAPALAGANAP nito sa madaling panahon.  Ang lahat ng halagang kanilang napagbilhan ay dapat ibigay na lahat sa mga Apostol upang pangasiwaan.  Ano ang ginawa ng mag-asawang Anaias at Safira?  Nagbili sila ng kanilang tinatangkilik subalit ISANG BAHAGI LAMANG ANG KANILANG IBINIGAY SA MGA APOSTOL AT KINUHA NILA ANG ISANG BAHAGI PARA SA KANILANG SARILI.  NAG-ABULOY SILA NG AYON SA LAMAN SAPAGKA’T SILA’Y HINDI LUBOS NA NAKIPAGKAISA AT PINAG-ALINLANGANAN ANG KATAPATAN NG MGA APOSTOL.  Ano ang nangyari sa kanila?  Sila’y napahamak at nangamatay noon din. Dahil dito DAPAT ISAGAWA ANG PAG-AABULOY AYON SA KALOOBAN NG DIYOS

TANONG: Bakit pananagutang hindi maiiwasan ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ang pag-aabuloy?    

Galacia 6:6
“DATAPUWA'T ANG TINUTURUAN SA ARAL NG DIOS AY MAKIDAMAY DOON SA NAGTUTURO SA LAHAT NG MGA BAGAY NA MABUTI.”

Sapagka’t ang mga tinuruan sa mga aral ng Diyos ay makiramay doon sa nagtuturo sa kanila ng lahat ng mga bagay na mabuti.  Paano nila dadamayan?  SA PAMAMAGITAN NG KANILANG ISINASAGAWANG PAG-AABULOY SA PAGSAMBA.  Bakit ang pagdamay sa nagtuturo ng aral ng Diyos ay sa pamamagitan ng pag-aabuloy sa pagsamba?  SAPAGKA’T IYON AY HINDI PAGDAMAY SA SARILING KAPAKANAN NG NAGTUTURO KUNDI SA PAGTULONG SA KAPAKANAN NG GAWAIN NG DIYOS NA PINAG-UUKULAN NG ABULOY.  Ang Diyos ay totoong nalulugod sa pag-aabuloy hindi sapagka’t kailangan ng Diyos sa Kanyang sarili ang abuloy.  Hindi nangangailangan ng anumang tulong ang Diyos sapagka’t mayroon Siya ng lahat ng mga bagay at ang lahat ng mga bagay ay Kanya.  Ngunit bakit ang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay totoong nakalulugod sa Diyos?  Sapagka’t ITO ANG GINAGAMIT NA KASANGKAPAN UPANG MATUSTUSAN ANG BANAL NA GAWAIN NG DIYOS SA LUPA NA PINAG-UUKULAN NG ABULOY SA IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Anu-ano ba ang banal na gawain ng Diyos sa lupa na pinag-uukulan ng pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia Ni Cristo?
    
2 Corinto 9:12-13
“SAPAGKA'T ANG PANGANGASIWA SA PAGLILINGKOD NA ITO AY HINDI LAMANG TUMATAKIP SA PANGANGAILANGAN NG MGA BANAL, KUNDI NAMAN UMAAPAW SA PAMAMAGITAN NG MARAMING PAGPAPASALAMAT SA DIOS; PALIBHASA'Y SA PAGSUBOK SA INYO SA PAMAMAGITAN NG MINISTERIONG ITO AY NILULUWALHATI NILA ANG DIOS DAHIL SA PAGTALIMA NG INYONG PAGKILALA SA EVANGELIO NI CRISTO, AT DAHIL SA KAGANDAHANG-LOOB NG INYONG AMBAG SA KANILA AT SA LAHAT.”

Ang Iglesia Ni Cristo ay may PANGANGASIWA.  Pinangangasiwaan ang paglilingkod at tinatakpan ang lahat ng pangangailangan ng Iglesia sa pamamagitan ng wastong paggamit ng abuloy ng mga kapatid.  GINUGUGULAN NG PANGANGASIWA ANG WALANG LIKAT NA PAGPAPALAGANAP NG PANGANGARAL NG EBANGHELYO SA LAHAT NG DAKO.  Ano ang nagiging bunga ng walang tigil na pagpapakilala ng Ebanghelyo ni Cristo?  Dumarami ang mga taong nakakakilala ng wastong pagsamba at pagpapasalamat sa Diyos.  Kaya sa kasalukuyan, ANG IGLESIA NI CRISTO AY LUMALAGANAP AT PATULOY SA MABILIS NA PAGLAGO.  Dahil dito, ano ngayon ang pangangailangan ng Iglesia na dapat takpan o tugunan ng pangangasiwa?  ANG PAGPAPAGAWA NG MAGAGANDA AT MALALAKING KAPILYA NA PAGDARAUSAN NG MAAYOS NA PAGSAMBA NG LIBU-LIBONG MGA KAPATID.  Kaya sa kasalukuyan, ANG IGLESIA NI CRISTO AY NAKAPAGPAGAWA NA NG MARAMING MGA MALALAKING KAPILYA NA KONGKRETO DITO SA MAYNILA AT GAYUNDIN SA IBA’T-IBANG LALAWIGAN MAGING SA IBAYONG DAGAT.  HANGGANG NGAYON AY NAGPAPATULOY PA RIN ANG PAGPAPAGAWA NG MGA MODERNONG KAPILYA NA NAGKAKAHALAGA NG MILYON-MILYON AT DAAN-DAANG LIBONG PISO.  NAKABILI NA AT PATULOY PA RING BUMIBILI NG MALALAWAK NA SUKAT NG LUPA NA PINAGTAYUAN AT PAGTATAYUAN PA NG MGA BAGONG KAPILYA.  Saan kumukuha ang Iglesia Ni Cristo ng ganitong napakalaking halaga upang gugulin sa gawain ng Diyos dito sa lupa?  Ang Iglesia Ni Cristo ay hindi naman humihingi ng tulong sa kaninuman, hindi naman nagpapabenepisyo at lalong hindi nagpapaloterya na gaya ng ginagawa ng mga iba sa kanilang pagpapakumpuni at pagpapatayo ng kanilang simbahan.  ITO’Y SARILING GUGOL NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAMAGITAN NG MGA ABULOY NG MGA KAPATID NA INIINGATAN NG PANGANGASIWA SA MATAPAT NA PAGGUGOLKAYA NAKIKITA NG MGA KAPATID SA IGLESIA NI CRISTO NA HINDI SILA DINARAYA NI NILILINLANG NG PANGANGASIWA.  NATITIYAK NILANG HINDI SILA PINAGSASAMANTALAHAN SA KANILANG PAG-AABULOY, SAPAGKA’T HAYAG NA NASASAKSIHAN NILA NA ITO’Y MATAPAT NA GINUGUGOL SA PINAG-UUKULAN NA KALUWALHATIAN NG DIYOS.  Kaya ang Diyos ay totoong nalulugod sa isinasagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia Ni Cristo.  Ngunit bakit kailangan pang magpatayo ng mga bahay-sambahan ang Iglesia Ni Cristo? Ang pagpapatayo ng mga KAPILYA o GUSALING SAMBAHAN ay mahalaga.  Bakit?  Sapagka’t may pangako ang Diyos na matatamo sa pagsamba sa Kanyang bahay. 

TANONG: Ano ang pangako ng Diyos na matatamo ng sumasamba sa bahay ng Panginoon? 

Hagai 2:7 at 9
“At aking uugain ang lahat na bansa; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at AKING PUPUNUIN ANG BAHAY NA ITO NG KALUWALHATIAN, SABI NG PANGINOON NG MGA HUKBO….Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at SA DAKONG ITO AY MAGBIBIGAY AKO NG KAPAYAPAAN, SABI NG PANGINOON NG MGA HUKBO.”

PUPUNUIN NG DIYOS NG KALUWALHATIAN ANG KANYANG BAHAY AT SA DAKONG IYON MAGBIBIGAY SIYA NG KAPAYAPAAN.

TANONG: Utos ba ng Diyos ang pagpapatayo ng gusaling sambahan at ano ang itinatalaga ng Diyos sa ayaw tumalaga sa pag-aabuloy?

Hagai 1:8
“MAGSIAHON KAYO SA BUNDOK, AT MANGAGDALA NG KAHOY, AT MANGAGTAYO KAYO NG BAHAY; AT AKING KALULUGDAN, AT AKO'Y LULUWALHATI, SABI NG PANGINOON.”
    
Utos ba ng Diyos ang pagtatayo ng bahay-sambahan?  UTOS NG DIYOS.  Sinabi ng Diyos noong una sa Bayang Israel na SILA’Y UMAHON SA BUNDOK, KUMUHA NG KAHOY AT IPAGTAYO SIYA NG BAHAY.  Alin ang bahay ng Panginoon?  Ang GUSALING SAMBAHAN o KAPILYA.  Noong panahong iyon ay wala pang tablerya, kaya pinaaahon sila sa bundok upang kumuha ng kahoy.  Sa panahong ito’y hindi na kailangan ang umahon sa bundok upang kumuha ng kahoy sapagka’t may tablerya nang pagkukunan.  May mga hardware na rin na pagkukunan ng mga bakal at iba pang kailangan sa pagpapatayo ng kongkretong kapilya gaya ng itinatayo ng Iglesia Ni Cristo.  Ngunit paano makukuha roon ang lahat ng ito?  Kailangan ang malaking halagang pambayad kaya hindi maiiwasan ang pag-aabuloy ng mga kapatid upang makapagpatayo ng kapilya. 

TANONG: Ano ang isinusumbat ng Diyos sa ayaw tumalaga sa pagtatayo ng bahay-sambahan?  

Hagai 1:2-4
Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, HINDI PA DUMARATING ANG PANAHON, ANG PANAHON NG PAGTATAYO NG BAHAY SA PANGINOON. Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi, PANAHON BAGA SA INYO NA TUMAHAN SA INYONG MGA NAKIKISAMIHANG BAHAY, SAMANTALANG ANG BAHAY NA ITO AY NAMAMALAGING WASAK?

Idinadahilan ng mga ayaw tumulong sa pagpapatayo ng bahay-sambahan na HINDI PA PANAHON NG PAGPAPATAYO NG BAHAY NG DIYOS.  Ano naman ang isinusumbat ng Diyos sa kanila?  SA INYO AY PANAHONG TUMAHAN SA INYONG MGA NAKIKISAMIHANG BAHAY SUBALI’T ANG AKING BAHAY AY PINABABAYAANG WASAK. 

TANONG: May sumpa ba na babala ang Diyos sa mga ayaw umabuloy sa pagpapatayo ng bahay-sambahan?

Hagai 1:5-6 at 10-11
Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad. KAYO'Y NANGAGHASIK NG MARAMI, AT NAGSISIANI NG KAUNTI; KAYO'Y NAGSISIKAIN, NGUNI'T HINDI KAYO NAGKAROON NG KAHUSTUHAN; KAYO'Y NAGSISIINOM, NGUNI'T HINDI KAYO NANGAPAPATIRANG-UHAW; KAYO'Y NANGANANAMIT, NGUNI'T WALANG MAINIT; AT YAONG KUMIKITA NG MGA PINAGARAWAN AY KUMIKITA NG MGA PINAGARAWAN UPANG ILAGAY SA SUPOT NA MAY MGA BUTASKaya't dahil sa inyo, pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga. At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa LAHAT NG PINAGPAGALAN NG MGA KAMAY.

Ang maraming mga sumpang ito ang ibinababala ng Diyos na darating sa buhay at pamumuhay ng mga ayaw mag-abuloy sa pagpapagawa ng GUSALING SAMBAHAN

TANONG: Ano naman ang pangako ng Diyos sa tumatalaga sa pag-aabuloy?

Hagai 1:13-14
“Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, AKO'Y SUMASAINYO, SABI NG PANGINOON. At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at SILA'Y NAGSIPAROON, AT NAGSIGAWA SA BAHAY NG PANGINOON NG MGA HUKBO, NA KANILANG DIOS.”

Hagai 2:4
“Gayon ma'y magpakalakas ka ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at kayo'y magsigawa: sapagka't AKO'Y SUMASA INYO SABI NG PANGINOON NG MGA HUKBO.”

ANG DIYOS AY SASAKANILA. HINDI SILA PABABAYAAN NG DIYOS.  PINASASAGANA NG DIYOS SA BIYAYA ANG MGA TUMATALAGA SA PAG-AABULOY SA PAGSAMBA NG IGLESIA NI CRISTO. Sapagkat sa mga ganitong hain ANG DIYOS AY TOTOONG NALULUGOD.


No comments:

Post a Comment