Itinatanong ng marami: KUNG BAKIT ANG MGA KAANIB SA
IGLESIA NI CRISTO AY DALAWANG BESES KUNG SUMAMBA SA ISANG LINGGO?
SAGOT: Totoong kami ay may
pagsambang kadalasan ay HUWEBES o MIYERKULES at SABADO o LINGGO depende
sa LOCATION at ORAS na naipatupad.
Ang kaugalian ng CONGREGATION o LOKAL
para sa PAGSAMBA nang DALAWANG BESES sa ISANG LINGGO ay
PINAGPAPASYAHAN sa pamamagitan ng PAMAMAHALA
ng IGLESIA NI CRISTO upang matiyak
ang pagiging MAGANDA at MABUTING halimbawa ng mga KAPATID sa PANANAMPALATAYA at upang
mabigyan ng sustansiya ang kanilang ESPIRITUWAL
NA BUHAY, sapagkat sa pang araw-araw na buhay ay may iba't-ibang
pagkakataon na maaaring makasalamuha ng mga KABIGATAN NG PASANIN at PAGSUBOK sa buhay na nagdudulot ng PANGHIHINA sa tao at ang kanilang iba pang mga
pangangailangan na may kaugnayan sa kanilang mga SERBISYONG PANGRELIHIYON.
1 Corinto 14:26
“Ano nga
ito, mga kapatid? PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT,
MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. GAWIN
NINYO ANG LAHAT NG MGA BAGAY SA IKATITIBAY.”
1 TESALONICA 5:18-19
“SA LAHAT NG MGA BAGAY AY MAGPASALAMAT KAYO; SAPAGKA'T
ITO ANG KALOOBAN NG DIOS KAY CRISTO TUNGKOL SA INYO. HUWAG NINYONG PATAYIN ANG
NINGAS NG ESPIRITU.”
Hebreo 10:23 at 25
“Na ATING INGATANG MATIBAY ANG PAGKAKILALA NG
ATING PAGASA UPANG HUWAG MAGALINLANGAN: sapagka't tapat ang nangako:…Na HUWAG NATING PABAYAAN ANG ATING
PAGKAKATIPON, na gaya ng ugali ng iba, KUNDI
MANGAGARALAN SA ISA'T ISA; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na
ang araw.”
Ang BIBLIA
ay nagsasabi at nagtuturo din sa atin na ang mga UNANG CRISTIANO ay nangag-katipon ng sama-sama sa PAGSAMBA sa UNANG ARAW NG SANGLINGGO.
Gawa 20:7 Magandang
Balita Biblia
“NANG UNANG ARAW NG SANLINGGO, KAMI'Y
NAGKAKATIPON upang ganapin ang pagpipira-piraso ng tinapay. At SI
PABLO'Y NANGARAL SA KANILA HANGGANG HATINGGABI sapagkat aalis siya
kinabukasan.”
Gayunman ang BANAL
NA KASULATAN ay nagtala din na may mga PANGYAYARI o PAGKAKATAON
na nagsagawa sila mga PAGSAMBA sa
mga IBANG ARAW SA LOOB NG ISANG LINGGO.
Maging sa ARAW-ARAW upang magbigay
ng magandang halimbawa sa kanilang sarili sa IKALULUGOD NG DIYOS.
Gawa 2:46 Magandang
Balita Biblia
“ARAW-ARAW, SILA'Y NAGKAKATIPON SA TEMPLO,
nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang tahanan, at nagsasalu-salong masaya ang kalooban.”
May ibang mga CONGREGATION o LOKAL ng IGLESIA
NI CRISTO sa IBANG DAKO o LUGAR na nagsasagawa ng IBANG ARAW NG PAGSAMBA SA LOOB NG ISANG
LINGGO na gaya ng binanggit kanina sa pamamagitan ng PINAGPASYAHAN at PINAGTIBAY
ng PAMAMAHALA SA IGLESIA.
Ukol sa KAPAKANAN
NG IGLESIA ang DISISYON ay ginagawa
ng PAMAMAHALA sa IGLESIA NI CRISTO kung saan ibinigay sa
kanila ang pagkasi mula sa Diyos upang matupad ang mga SALITA NG DIYOS.
Colosas 1:24-25
“Ngayo'y NAGAGALAK AKO SA AKING MGA HIRAP DAHIL SA
INYO, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa
aking laman DAHIL SA KANIYANG KATAWAN,
NA SIYANG IGLESIA; Na AKO'Y GINAWANG
MINISTRO NITO, AYON SA PAMAMAHALA NA MULA SA DIOS NA IBINIGAY SA AKIN PARA
SA INYO UPANG MAIPAHAYAG ANG SALITA NG DIOS.”
Ito ang aming paniniwala na ANG DESISYON NILANG NITO SA BAGAY NA NAUUKOL SA PANANAMPALATAYA
tulad ng PAGTATALAGA ng mga ARAW NG
PAGSAMBA para sa CONGREGATIONAL o
LOKAL ay kalooban na ITINALI o PINAGTIBAY din naman ng DIYOS
mula sa LANGIT.
Mateo 18:18
“Katotohanang
sinasabi ko sa inyo, na ANG LAHAT NG MGA
BAGAY NA INYONG TALIAN SA LUPA AY TATALIAN SA LANGIT: AT ANG LAHAT NG MGA BAGAY
NA INYONG KALAGAN SA LUPA AY KAKALAGAN SA LANGIT.”
Hindi ito dapat na PANGHINAYANGAN at IKASAMA
NG LOOB ng lahat ng tao sapagkat sa
pagsamba ay kaunting bilang lamang ng oras ang ating NAIBIBIGAY at NAILALAAN para
sa DIYOS kumpara sa mga oras sa
ating pang araw-araw na gawain. Sa isang linggo ay may 168 na ORAS at kung
paglalaanan natin ng ORAS ang PAGSAMBA ay nakapaglalaan lang tayo ng ISANG ORAS BAWAT PAGSAMBA. Kung gayon
sa loob ng ISANG LINGGO ay DALAWANG ORAS lamang ang ating
naibibigay sa DIYOS at may 166 na ORAS pa tayo para sa pang araw-araw na gawain.
Kaya ang PAGSAMBA
ay isang napakahalagang bahagi sa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na laging pinagtatalagahan, sapagkat ito ay UTOS NG DIOS NA HUWAG NATING PABABAYAAN.
Hebreo 10:25 Magandang
Balita Biblia
"HUWAG NATING KALILIGTAAN ANG PAGDALO SA
ATING MGA PAGTITIPON, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin
ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng
Panginoon."
Kaya LAHAT
ay aming INAANYAYAHAN na DUMALO sa aming mga PAGKAKATIPON at MAKINIG ng mga DOKTRINA.
Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala ninyong mga kapatid namin o pumunta sa
malapit naming GUSALING SAMBAHAN o KAPILYA sa inyong lugar.
No comments:
Post a Comment