Friday, July 22

PAGSUSURI SA RELIHIYONG PMCC o PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH)

Ang PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH) ay isang pangkatin ng relihiyon na nagpakilala umano na sila ang TOTOO at TUNAY na RELIHIYON. Susuriin natin ngayon kung naaayon ba sa BIBLIA ang ARAL na kanilang itinataguyod

PAG-ARALAN MUNA NATIN:

Si CRISTO ay NAGTATAG ng TUNAY na IGLESIA noong UNANG SIGLO. Ito ay mababasa natin sa;

Mateo 16:18
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Ang IGLESIA na itinayo ni CRISTO na tinawag Niyang “AKING IGLESIA” ay nagsimula bilang isang MUNTING KAWAN. Kung bakit ang banggit ni CRISTO ay MUNTING KAWAN, dahil KAKAUNTI pa lamang ang bilang ng mga kaanib noon sa IGLESIA na itinayo Niya.

Lucas 12:32
“Huwag kayong mangatakot, MUNTING KAWAN; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian.”

Ang KAWAN na tinutukoy ay walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO o CHURCH OF CHRIST ayon kay APOSTOL PABLO.

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Kaya, mula noong maitatag ni CRISTO ang Kaniyang IGLESIA na nagsimula bilang MUNTING KAWAN o KAKAUNTI PA LAMANG ANG BILANG NG MGA KAANIB hanggang sa ito ay LUMAGANAP at DUMAMI ang bilang ng mga kaanib sa panahon ng pangangasiwa ng mga APOSTOL.

Subalit, dahil sa pagpasok ng mga HIDWANG PANANAMPALATAYA at MATINDING PAG-UUSIG sa UNANG IGLESIA, pagkatapos na mamatay ang mga APOSTOL ay unti-unting naitalikod sa TUNAY NA PANANAMPALATAYA ang mga kaanib at ang mga NANINDIGAN SA TUNAY NA ARAL ay WALANG AWANG PINATAY. Kaya, ang UNANG IGLESIA NI CRISTO ay NAWALA o NATALIKOD sa URI ng pagsunod sa TUNAY na ARAL ng DIYOS.

For more Info click the description below:

TANONG: Ano ang ipinagpaunang HULA ni CRISTO ukol sa muling pagkakaroon ng KAWAN o IGLESIA NI CRISTO sa HINAHARAP?

John 10:16 Easy-to-Read Version

“I HAVE OTHER SHEEP TOO. THEY ARE NOT IN THIS FLOCK HERE. I MUST LEAD THEM ALSO. THEY WILL LISTEN TO MY VOICE. IN THE FUTURE THERE WILL BE ONE FLOCK AND ONE SHEPHERD.”

Sa Filipino:

“MAYROON PA AKONG IBANG MGA TUPA. SILA AY WALA SA KAWAN NA NARITO. KAILANGAN KO DIN SILANG PANGUNAHAN. SILA AY MAKIKINIG SA AKING TINIG. SA HINAHARAP AY MAGKAKAROON NG ISANG KAWAN AT ISANG PASTOL”

Ipinagpauna ng PANGINOONG JESUCRISTO na mayroon pa Siyang IBANG MGA TUPA na gagawin Niyang ISANG KAWAN. Kung gayon gagawin Niyang IGLESIA NI CRISTO ang Kaniyang IBANG MGA TUPA NA WALA PA SA KAWAN o IGLESIA NI CRISTO noong narito pa Siya sa lupa.

Ang pagtitipon ng IBANG MGA TUPA ng PANGINOONG JESUCRISTO upang maging IGLESIA NI CRISTO ay mangyayari sa HINAHARAP o sa DARATING NA PANAHON. Kaya tinawag Niya silang Kaniyang IBANG MGA TUPA dahil  “WALA SILA SA KAWANG NARITO” na ang  tinutukoy ay ang IGLESIA NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO.

Hindi nangangahulugang DALAWANG IGLESIA ang itinayo ni Cristo. Ang IGLESIA NOONG UNANG SIGLO at ang IGLESIANG KINABIBILANGAN NG KANIYANG IBANG MGA TUPA ay IISANG IGLESIA NI CRISTO.

Kung paanong IISA ipinaliwanag iyan ni APOSTOL PABLO.

Efeso 4:4
“MAY ISANG KATAWAN, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo “

Ang ISANG KATAWAN na tinutukoy ay ang IGLESIA.

Colosas 1:18
“At siya ang ulo ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”

PUNTAHAN at  SURIIN natin ngayon  ang PMCC baka kasi angkinin nila na sila itong KAWAN na LILITAW SA HINAHARAP NA HINULAAN NI CRISTO.

TANONG: Atin ngayong suriin, kailan ba nagsimula at naitatag ang PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (PMCC)?

Source: Click the description below.

“The PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH), often shortened as the PMCC (4th Watch), is a "Christian church" based in the Philippines, FOUNDED IN 1972 BY APOSTLE ARSENIO T. FERRIOL. Its members are often called 4th Watchers.”

Ang PMCC o PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH) ay itinatag ni ARSENIO T. FERRIOL noon lamang taong 1972 sa PILIPINAS.

Arsenio Ferriol, the Founder of the 
Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC)

Subalit, dapat suriin ng lahat lalo na sa mga NADAYA sa PMCC, na sa ganitong TAON (1972) ba lilitaw ang IBANG MGA TUPA o KAWAN NI CRISTO ayon sa Kaniyang HULA?

SURIIN NATIN ANG HULA NG DIOS:

TANONG: Saan dako magmumula ang IBANG MGA TUPA NI CRISTO NA WALA PA SA KAWAN noon o hindi pa natatawag sa IGLESIA na itinayo ni CRISTO noong narito pa Siya sa lupa?

Isaiah 43:5 James Moffat Version
“From the FAR EAST will I bring your offspring, and from the far west, I will gather you.”

Salin sa Filipino:

“Mula sa MALAYONG SILANGAN dadalhin Ko ang inyong Lahi, at mula sa malayong kanluran ay titipunin ko kayo”

Ang DAKO na pagmumulan ng IBANG MGA TUPA ni Cristo ay ang FAR EAST o MALAYONG SILANGAN ayon sa HULA ng DIYOS. Ang PILIPINAS ang kinatuparan ng HULA ng DIYOS na doon magmumula ang IBANG MGA TUPA ni Cristo. Dahil ang PILIPINAS ay nasa FAR EAST.

A SHORT HISTORY OF THE FAR EAST; by Kenneth Scott Latourette, page 290

Salin sa Filipino:

“Kabilang sa tinatawag na dako ng mga Gentil ang Roma at Gresya na kapuwa nasa Europa. Ang mga ito ay wala sa Malayong Silangan. Ang FAR EAST o MALAYONG SILANGAN ay ang rehiyon sa Asya na kinaroroonan ng PILIPINAS…”

Hinulaan rin ng Diyos ang PANAHON ng paglitaw ng IBANG MGA TUPA ni CRISTO. Sa panahong iyon TATAWAGIN o DADALHIN ng Diyos ang Kaniyang MGA ANAK NA LALALAKI at BABAE na mula sa SILANGANAN, sa MALAYO.

Isaias 43:5-6 New King James Version
“Fear not, for I am with you; I will bring your descendants FROM THE EAST, And gather you from the west; I will say to the north, 'Give them up!' And to the south, 'Do not keep them back!' Bring MY SONS FROM AFAR, And MY DAUGHTERS FROM THE ENDS OF THE EARTH.”

Salin sa Filipino:

“Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; dadalhin ko ang iyong lahi MULA SA SILANGANAN, at titipunin kita mula sa kanluran; sasabihin ko sa hilaga, 'bayaan mo!' At sa timugan, 'Humag mo silang pigilan!' Dalhin mo ang aking MGA ANAK NA MULA SA MALAYO, at ang Aking MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA MGA WAKAS NG LUPA.”

Binanggit sa HULA ng DIYOS kung kalian ang PANAHON ng PAGLITAW ng mga IBANG TUPA NI CRISTO o KAWAN NI CRISTO o IGLESIA NI CRISTO. Sa panahon ng “MGA WAKAS NG LUPA.”

Ang PMCC o PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH) ba ay sa panahon ng MGA WAKAS NG LUPA lumitaw sa PILIPINAS. Natitiyak nating HINDI, sapagkat 1972 lang sila natatag at nagsimula sa Pilipinas.

Ang MGA WAKAS NG LUPA ay ang MGA PANGITAIN NA ATING MAKIKITA BAGO ANG KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.  Ito ay ang mga PALATANDAAN NG MULING PAGPARITO NI CRISTO na tinawag ng BIBLIA na “MGA PINTUAN” na ito’y MGA BAGAY NA KAILANGANG MAGANAP MUNA BAGO ANG KAWAKASAN. Bawat PINTUAN ay ISANG WAKAS, kung kaya tinawag na “MGA WAKAS” ay sapagkat MARAMI ANG MGA ITO.

Mateo 24:33 
“Gayon din naman kayo, PAGKA NANGAKITA NINYO ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA ITO, AY TALASTASIN NINYO NA SIYA'Y MALAPIT NA, NASA MGA PINTUAN NGA.”

Mateo 24:3 
“At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, SABIHIN MO SA AMIN, KAILAN MANGYAYARI ANG MGA BAGAY NA ITO? AT ANO ANG MAGIGING TANDA NG IYONG PAGPARITO, AT NG KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN?”

Kung gayon, ang MGA WAKAS NG LUPA ay ang PANAHONG MALAPIT NA ANG WAKAS NG SANLIBUTAN o ARAW NG PAGHUHUKOM.

Ang isa sa halimbawa ng MGA WAKAS NG LUPA na mga pangyayaring makikita ayon kay Cristo kung ang PANAHON ay nasa MGA WAKAS NA NG LUPA ay isang DIGMAANG AALINGAWNGAW o MAPAPABALITA SA BUONG DAIGDIG. Sapagkat ANG MGA DIGMAANG ITO ay PAMBUONG MUNDO.

Mateo 24:6-7 Magandang Balita Biblia
“MAKARIRINIG KAYO NG ALINGAWNGAW NG LABANAN at ng MGA BALITA TUNGKOL SA DIGMAAN.  Huwag kayong mababagabag.  Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. Sapagkat MAKIKIBAKA ANG BANSA LABAN SA KAPWA BANSA AT ANG KAHARIAN SA KAPWA KAHARIAN.  Magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.”

Maliwanag na ang tinutukoy ng PANGINOONG JESUSCRISTO ay ang UNANG DIGMAANG PANDAIGIDIG o kilala sa tawag na FIRST WORLD WAR na naganap halos LABING SIYAM NA SIGLO ang layo ng pagitan ng panahon ng Unang Iglesia na pinamahalaan ng mga APOSTOL.

Sa panahong ito lilitaw ang IBANG MGA TUPA ni CRISTO. Naganap ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG na siya ring PANAHON o PETSA ng paglitaw ng IBANG MGA TUPA ni CRISTO ay taong 1914.

WORLD HISTORY, by Boak , Slosson, and Anderson, pages 478-479
THE FIRST WORLD WAR was unlike any war in the past. …This was the first war in three dimensions; the first war in which cities were bombed from the air and winged warriors fought among the clouds. Of course the airplanes of 1914 were not so fast, so formidable, nor so numerous as those of today. They were really more important as scouts (a kind of aerial ‘cavalry’), photographing enemy movements from above.”

Salin Filipino:

“ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ay hindi katulad ng anomang digmaan sa nakaraan. …Ito ang unang digmaan sa tatlong larangan; ang unang digmaan na ang mga lungsod ay binomba mula sa itaas at ang mga mandirigmang may pakpak ay nakipaglaban sa mga alapaap.  Mangyari pa na ang mga eroplano noong 1914 ay hindi gaanong mabibilis, hindi gaanong matitibay, at di gaanong marami kumpara sa ngayon.  Sila ay tunay na naging mahahalagang tagapagmanman (isang uri ng ‘kabayuhang’ panghihimpapawid), na kumukuha ng larawan ng mga kilos ng kalaban mula sa itaas.”

Naganap ang EKSAKTONG PETSA ng pagsisimula ng UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG noong HULYO 27, 1914.

HISTORY OF THE WORLD, VOL VIII, by Ridpath, page 3409
“Servia’s answer was handed to the Austro-Hungarian ambassador at Belgrade on the afternoon of the 25th as it was the reply was term unsatisifactory and evasive and diplomatic relations were broken off the same evening. Preparations for war already well forward were vigorously pressed ON THE 27TH AND INVASION OF SERBIA WAS BEGUN AND SOON AFTER BELGRADE WAS BOMBARDED.”

Salin sa Filipino:

“Ang sagot ng Serbia ay ipinasa sa ambahador ng Astro-Hungario sa Belgrade sa kinahapunan ng ika 25 na ito ay sagot na tinaguriang hindi kasiya-siya at umiiwas at ang relasyong diplomatiko at nasira nung gabi ring iyon.  Ang paghahanda sa digmaan ay maayos nang naisulong at puwersahang itinulak NOONG IKA 27 ANG PAGLUSOB SA SERBIA AY NAGSIMULA PAGKATAPOS NA BOMBAHIN ANG BELGRADE.”

NOW GOD BE THANKED, by John Masters, page 112
“On JULY 27TH, 1914, after four weeks of threats, counter-threats, entreaties, offers, negotiations, denials, warnings and ultimatums, AUSTRIA DECLARED WAR ON SERBIA.”

Sa Filipino:

“Noong HULYO 27, 1914 pagkaraan ng apat na lingo ng pagbabanta, kontra-pagbabanta, mga kahilingan, mga panunuhol, mga negosasyon, mga pagkakaila, mga pagbababala at mga ultimatum, NAGDEKLARA NG DIGMAAN ANG AUSTRIA SA SERBIA.”

Ito ay malinaw na pagsisimula ng panahong MGA WAKAS NG LUPA kasabay nito ang PAGTAWAG NG DIYOS SA KANIYANG MGA ANAK na siya ring IBANG MGA TUPA ni CRISTO mula sa MALAYONG SILANGAN o FAR EAST . Bilang katuparan ng hulang ito, ang na IGLESIA NI CRISTO ay narehistro sa pamahalaan ng PILIPINAS noong HULYO 27, 1914 at hindi sa panahong 1972.

Natitiyak natin ngayon, mula sa mga patotoo ng BIBLIA kung sino ang TUNAY
na HINULAAN.

Kaya ang TANONG natin sa mga PENTECOSTAL MISSIONARY CHURCH OF CHRIST (4TH WATCH).
  • Mapapatunayan ba nila na sa taong 1972 MATUTUPAD at LILITAW ang IBANG MGA TUPA NI CRISTO o KAWAN NI CRISTO?
  • Bakit sa taong 1972 lang LUMITAW at NAITATAG ang PMCC?


Kaya sa mga NADAYA ng samahang PMCC, MAGSURI kayo sa KATOTOHANAN.

Ang KATOTOHANAN ang SUSUBOK sa inyo at hindi yaong aral na maaaring IKALILIGAW ng marami.

TANONG: Paano makikilala ang isang TUNAY NA MANGANGARAL?

Juan 7:17-18
“Kung ANG SINOMANG TAO AY NAGIIBIG GUMAWA NG KANIYANG KALOOBAN, AY MAKIKILALA NIYA ANG TURO, KUNG ITO'Y SA DIOS, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon at totoo, at SA KANIYA'Y WALANG KALIKUAN.”

Tiyakin muna ninyo kung ang TURO at ARAL na itinataguyod ng isang MANGANGARAL tulad ni  ARSENIO T. FERRIOL ay ayon ba sa BIBLIA.

Itanong ninyo sa kaniya:
KAILAN ANG TAMANG PANAHONG NG PAGLITAW SA IBANG MGA TUPA NI CRISTO SA JUAN 10:16


Wednesday, July 20

BAKIT ANG MGA KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO AY PINAGBABAWALANG MAG-ASAWA SA HINDI KAANIB NG IGLESIA?

Ang lahat ng DOKTRINA at mga ARAL na sinusunod ng mga kaanib sa  IGLESIA NI CRISTO ay nakabatay sa BIBLIA. Ang pagbabawal sa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na MAG-ASAWA sa mga HINDI KAANIB o MIYEMBRO ay maliwanag na mababasa at itinuturo ng BIBLIA.

TANONG: Ano ang utos ng Diyos ukol sa pag-aasawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo?

2 Corinto 6:14-15 New Pilipino Version
“HUWAG KAYONG MAKIPAMATOK SA MGA HINDI MANANAMPALATAYA. Hindi maaaring paghuluin ang kalikuan at ang katuwiran, kung paanong hindi mapagsasama ang liwanag at ang kadihman. Hindi maaaring magkaisa si Cristo at si Behal. At paano magkakasundo ang mananampalataya at ang di mananamplataya?”

Ang PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng mga APOSTOL ay maliwanag na PINAGBAWALAN ang mga UNANG KAANIB sa IGLESIA NI CRISTO na mag-asawa sa hindi kapanampalataya. Ayon sa talatang ating nabasa, HUWAG KAYONG MAKIPAMATOK SA MGA HINDI MANANAMPALATAYA.

TANONG: Ano ba ang kahulugan ng sinabi ni Apostol Pablo na MAKIPAMATOK?

Ipinaliwanag ng isang PARING KATOLIKO na isang dalubwika na si JUAN TRINIDAD sa FOOTNOTE ng gayon ding talata sa Bibliang kaniyang sinalin “ANG BAGONG TIPAN” ay kaniyang ipinaliwanag ang kahulugan ng “MAKIPAMATOK”.

FOOTNOTE: ANG BAGONG TIPAN NG ATING MANANAKOP AT PANGINOONG JESUCRISTO. Isinalin sa wikang pambansa mula sa Vulgata Latina ni Juan Trinidad S.J

6,14: MAKIPAMATOK: ang tinutukoy ay ang PAG-AASAWA..."

Maliwanag ayon sa isang PARING KATOLIKO na ang salitang MAKIPAMATOK ay nangangahulugan ng PAG-AASAWA. Samakatuwid IPINAGBAWAL ng DIYOS sa pamamagitan ng mga APOSTOL - ANG PAGBABAWAL SA PAG-AASAWA SA MGA HINDI KAPANANAMPALATAYA o HINDI KAANIB SA IGLESIA o HINDI SUMASAMPALATAYA sa mga aral ng IGLESIA.

Maging sa Bibliang Ingles na NEW KING JAMES VERSION ay ganito ang ating mababasa.

2 Corinthians 6:14-15 New King James Version
“DO NOT BE UNEQUALLY YOKED TOGETHER WITH UNBELIEVERS. For what fellowship has righteousness with lawlessness? And what communion has light with darkness? And what accord has Christ with Belial? Or what part has a believer with an unbeliever?”

TANONG: Ano ba ang kahulugan ng salitang YOKE?

Source: Click  the description below.

Merriam-Webster Dictionary

YOKE -  a (1) :  an oppressive agency (2) :  servitude, bondage
    b :  tie, link; especially :  MARRIAGE

Ayon sa MERRIAM WEBSTER DICTIONARY ang salitang YOKE ay tumutukoy din sa PAG-AASAWA o MARRIAGE.

Kaya sa isang salin ng Bibliang Ingles  ng isang BIBLE SCHOLAR na si GEORGE M. LAMSA sa kanyang LAMSA TRANSLATION ay ganito ang kaniyang pagkakasalin sa gayon ding talata.

2 Corinthians 6:14-15 George M. Lamsa Translation
“DO NOT UNITE IN MARRIAGE WITH UNBELIEVERS, for what fellowship has righteousness with iniquity? Or what mingling has light with darkness? Or what accord has Christ with Satan? Or what portion has a believer with an unbeliever?”

Maliwanag na UTOS NG DIYOS sa pamamagitan ng mga APOSTOL ang pagbabawal ng PAG-AASAWA sa mga TAONG HINDI SUMASAMPALATAYA SA ARAL SA LOOB NG IGLESIA.

Sa pakikipag-usap ni Apostol Pablo sa mga kaanib ng Iglesia pinayuhan niya ang mga Cristiano na “DO NOT UNITE IN MARRIAGE WITH UNBELIEVERS” o “HUWAG MAKIPAG-ISA SA PAG-AASAWA SA MGA HINDI NAGSISISAMPALATAYA”.

TANONG: Ano ang dahilan, bakit ipinagbawal ang pag-aasawa sa hindi sumasampalataya o hindi kaanib sa Iglesia?

2 Corinto 6:14-16 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. MAAARI BANG MAGSAMA ANG KATUWIRAN AT ANG KALIKUAN? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? ANO ANG KAUGNAYAN NG SUMASAMPALATAYA SA DI SUMASAMPALATAYA? O DI KAYA'Y NG TEMPLO NG DIYOS SA DIYUS-DIYOSAN? HINDI BA'T TAYO ANG TEMPLO TAYO ANG MGA TEMPLO, KAYO ANG TEMPLO. NG DIYOS NA BUHAY? Siya na rin ang maysabi, "Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko.”

Niliwanag ni Apostol Pablo ang dahilan, ayon sa kanya, “MAAARI BANG MAGSAMA ANG KATUWIRAN AT ANG KALIKUAN? O KAYA'Y ANG LIWANAG AT ANG KADILIMAN? Sinabi rin niya na, “ANO ANG KAUGNAYAN NG SUMASAMPALATAYA SA DI SUMASAMPALATAYA? O DI KAYA'Y NG TEMPLO NG DIYOS SA DIYUS-DIYOSAN? HINDI BA'T TAYO ANG TEMPLO TAYO ANG MGA TEMPLO, KAYO ANG TEMPLO. NG DIYOS NA BUHAY?”

Kaya ang pagbabawal sa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO sa PAG-AASAWA SA MGA HINDI KAPANANAMPALATAYA ay hindi utos na gawa lang ng mga MINISTRO. Ito ay UTOS NA BINIGAY NG DIYOS sa pamamagitan ng mga APOSTOL na itinuro sa mga kaanib ng Iglesia.

TANONG: Kailan pa ipinag-utos ng Diyos ang pagbabawal ng pag-aasawa sa hindi kabilang sa Kaniyang mga lingkod?

Genesis 6:1-3
“At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga ANAK NG DIOS, na magaganda ang mga ANAK NA BABAE NG MGA TAO; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.”

Ang pagbabawal ng pag-aasawa sa mga taong hindi kabilang sa ANAK NG DIYOS ay hindi isang bagong utos. Ito ay matagal ng utos ng Diyos sa panahon pa ng mga PATRIARKA o ng mga MAGULANG hanggang sa panahon ng BAYANG ISRAEL ay hindi nababago ang pagbabawal ng Diyos ukol sa pag-aasawa ng hindi kabilang sa Kaniyang bayan o lingkod.

Deuteronomio 7:2-3
“At pagka sila'y, ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; HUWAG KANG MAKIKIPAGTIPAN SA KANILA, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawan sila: NI MAGAASAWA SA KANILA; ANG IYONG ANAK NA BABAE AY HUWAG MONG PAPAG-ASAWAHIN SA KANIYANG ANAK NA LALAKE, NI ANG KANIYANG ANAK NA BABAE, AY HUWAG MONG PAPAG-ASAWAHIN SA IYONG ANAK NA LALAKE.”

Mahigpit na pinagbawalan ng Diyos ang BAYANG ISRAEL na “HUWAG KANG MAKIKIPAGTIPAN SA KANILA, NI MAGAASAWA SA KANILA". Kung napansin ninyo ang sinabi ng Diyos na sa PAKIKIPAGTIPAN pa lamang o kung tawagin sa panahon natin ngayon ay PAKIKIPAG-BOYFRIEND/GIRLFRIEND ay BAWAL na. Lalo na ang mag-asawa pa sa hindi kabilang sa bayan ng Diyos ay isang MALAKING KASALANAN.

TANONG: Bakit mahigpit na pinagbawalan ng Diyos ang Kaniyang bayan sa pag-aasawa ng mga taong hindi kabilang sa Kaniyang bayan? Gaano ba kasama na ang Kaniyang lingkod ay MAKIPAG-TIPAN at MAG-ASAWA sa taong hindi kabilang sa Kaniyang mga lingkod o Kaniyang bayan?

Deuteronomio 7:2-4
“At pagka sila'y, ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; HUWAG KANG MAKIKIPAGTIPAN SA KANILA, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawan sila: NI MAGAASAWA SA KANILA; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-asawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-asawahin sa iyong anak na lalake. Sapagka't KANIYANG IHIHIWALAY ANG IYONG ANAK na lalake SA PAGSUNOD SA AKIN, UPANG SILA'Y MAGLINGKOD SA IBANG MGA DIOS: sa gayo'y MAGAALAB ANG GALIT ANG PANGINOON laban sa iyo, AT KANIYANG LILIPULIN KANG MADALI.”

Sinabi ng Diyos na ang pag-aasawa sa mga taong hindi kabilang sa Kaniyang bayan, ay MAGHIHIWALAY SA KANILA SA PAGSUNOD SA KANIYA AT SILA AY MAGLINGKOD SA IBANG MGA DIOS. Alin ang ibang mga diyos na tinutukoy sa talata? Ito ang mga LARAWANG INANYUAN, mga REBULTO na itinuring na diyos na iba. Gaano kasama na ang Kaniyang lingkod ay MAKIPAG-TIPAN at MAG-ASAWA sa taong hindi kabilang sa Kaniyang mga lingkod o sa Kaniyang bayan? Ang mga ito ay KARUMAL-DUMAL at KARIMARIMARIM sa paningin ng Diyos. Ano ang babala ng Diyos mga taong kabilang sa Kaniyang bayan at nag-asawa ng mga taong hindi kabilang sa Kaniyang mga lingkod? Ang sabi sa talata, MAG-AALAB ANG GALIT ANG PANGINOON AT KANIYANG LILIPULIN.

TANONG: Ano ang pagtuturing ng Diyos sa mga lalabag sa Kaniyang mga utos na ang isa sa mga ito ay ang pagbabawal ng pag-aasawa sa hindi kabilang sa bayan ng Diyos o hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo?

Hebreo 10:27 Magandang Balita Biblia
“Wala nang natitira kundi ang nakapangingilabot na paghihintay sa darating: ang Paghuhukom at ang nagngangalit na apoy na tutupok sa mga KALABAN NG DIYOS!”

Sila ay ituturing ng Diyos na Kaniyang mga KALABAN dahil sa pag-aasawa nila sa mga taong hindi kabilang sa Kaniyang bayan o hindi kaanib sa Iglesia. Kaya, ang isang kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na LUMABAG SA KAUTUSANG ITO ay ITINITIWALAG sa Iglesia dahil sa kaniyang ginawang MALAKING KASAMAAN LABAN SA DIYOS.

TANONG: Sino ang isa sa halimbawa na lingkod ng Diyos na nakagawa ng MALAKING KASAMAAN LABAN SA DIYOS dahil sa PAG-AASAWA?

Nehemias 13:27 at 26
“Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na MALAKING KASAMAANG ITO, na sumalangsang laban sa ating Dios SA PAGAASAWA SA MGA BABAING TAGA IBANG LUPA? Hindi ba NAGKASALA SI SALOMON NA HARI SA ISRAEL sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa.”

Si HARING SOLOMON ay nakagawa ng MALAKING KASAMAAN laban sa Diyos dahil sa PAG-AASAWA niya ng mga BABAING TAGA IBANG LUPA o HINDI KABILANG SA BAYANG ISRAEL o HINDI KABILANG SA MGA LINGKOD NG DIYOS.

Kaya, ang pagbabawal ng Iglesia ni Cristo sa mga kaanib na mag-asawa sa mga hindi kaanib ng Iglesia ni Cristo ay kautusan na ibinigay ng Diyos mula pa noong una. ANG PAG-AASAWA SA HINDI KAPANANAMPALATAYA ay isang MALAKING KASAMAAN. Hindi ipinagbabawal ng Iglesia ni Cristo ang mag-asawa. Ang bawal ay ang pag-aasawa sa mga hindi kabilang sa Kaniyang bayan.

TANONG: Sa panahong Cristiano, sino ba ang itinuturing ng Diyos na Kaniyang bayan o Kaniyang lingkod?

1 Pedro 2:9-10 Magandang Balita Biblia
“Datapwat kayo ay isang lahing HINIRANG, mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos.  PINILI kayo ng Diyos upang maging kanya at maghayag ng mga kahanga-hangang gawa niya. Siya rin ang TUMAWAG SA INYO MULA SA KADILIMAN TUNGO SA kanyang kagila-gilalas na KALIWANAGAN. Dati-rati, kayo'y hindi bayan ng Diyos, ngunit ngayon, KAYO'Y BAYANG HINIRANG NIYA.  Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y sumasainyo ang kanyang awa.”

Malinaw na ipinahayag ni APOSTOL PEDRO na ang mga tunay na Cristiano ay may KAHALALAN mula sa Diyos. Ang sabi sa talata, sila ay HINIRANG, PINILI at TINAWAG. Itinuturing ng Diyos na Kaniyang BANSANG BANAL at BAYANG KANIYANG PAG-AARI. Ayon pa kay APOSTOL PEDRO ang mga taong kabilang sa BAYAN NG DIYOS ay TINAWAG mula sa KADILIMAN at NAILIPAT sa kagilagilalas na KALIWANAGAN.

TANONG: Aling KALIWANAGAN ang tinutukoy na kung saan nalipat ang mga taong napabilang sa bayan ng Diyos?

Colosas 1:12-14
“Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal  sa  KALIWANAGAN; Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa KAHARIAN NG ANAK ng kaniyang pagibig; Na SIYANG KINAROROONAN NG ATING KATUBUSAN, NA SIYANG KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN.”

Ang mga taong nailigtas sa KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN o nasa MALING PANANAMPALATAYA o MALING RELIHIYON ay inilipat sa BANAL NA KALIWANAGAN na ito ay ang KAHARIAN NG ANAK na KINAROROONAN NG KATUBUSAN NA SIYANG KAPATAWARAN NG KASALANAN.

TANONG: Ano ba ang tinutukoy na KAHARIAN NG ANAK NA KINAROROONAN NG KATUBUSAN na dito napapabilang ang mga tunay na Cristiano  na itinuturing ng Diyos na KANIYANG BAYAN?

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.”

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ang IGLESIA NI CRISTO ang KAHARIAN NG ANAK na TINUBOS o BINILI niya ng kaniyang dugo. Ito ang BAYAN NG DIYOS sa PANAHONG CRISTIANO.

HINDI KAILANMAN IPINAGBABAWAL SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO ANG PAG-AASAWA SA MGA KAANIB.


Ang UTOS NG DIYOS ay HUWAG “MAKIPAMATOK” o “MAG-AASAWA” sa mga HINDI KAPANANAMPALATAYA o HINDI KABILANG SA BAYAN NG DIYOS o HINDI KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO.