Hindi maiiwasang pagtakhan ng iba
lalo na ng mga HINDI KAANIB SA IGLESIA
ang ginagawang pagkakaisa ng IGLESIA NI CRISTO sa tuwing
sasapit ang HALALAN o PANAHON
NG PAGPILI NG IUUPONG KANDIDATO.
- Ang iba ay HUMAHANGA sa gawaing ito at sila man sa kanilang samahan o
relihiyon ay NAGTATANGKANG GAYAHIN ANG
PAGKAKAISANG ITO NG IGLESIA.
- Ang iba ay TUMUTUTOL at NANUNULIGSA
at sinasabing ang ginagawang ito ng Iglesia ay
LABAG SA KALAYAAN NG ISANG TAO NA MAMILI
kung sino ang gusto niyang mamuno sa isang bansa o sa isang pamayanan, ITO RAW AY MALIWANAG NA PAGSAKLAW NG
ISANG RELIHIYON SA
PERSONAL NA KARAPATAN NG MGA MAMAMAYAN.
- May nagsasabi naman na KAYA DAW INIUUTOS NG MGA MINISTRO SA
IGLESIA ang gawaing ito ay DAHIL SA
NAGPAPALAKAS LANG DAW SA PAMAHALAAN ANG IGLESIA.
Ano nga ba ang tunay na dahilan at ito’y
isinasagawa? Totoo nga kaya ang kanilang sinasabi na ang pagkakaisa na
ginagawa ng IGLESIA lalo na sa panahon ng halalan ay isang
inimbento lamang na aral ng mga MINISTRO
sa IGLESIA NI CRISTO?
TANONG: Sino ba ang may nais na magkaisa ang mga
kaanib sa Iglesia?
Juan 17:22-23
“At ang
kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; UPANG SILA'Y
MAGING ISA, na gaya naman natin na iisa; Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa
akin, UPANG SILA'Y MALUBOS SA
PAGKAKAISA; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay
nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.”
Hiniling ng Panginoong Jesu-Cristo sa Ama sa Kaniyang
panalangin na ang Kaniyang mga tupa ay “MAGING ISA” na gaya Nila ng Ama,
na ang ibig sabihin: KUNG PAANONG NAGKAKAISA SILA NG
AMA DAPAT GANON DIN ANG MGA TUPA NIYA - at ito’y magagawa lamang ng
mga tupa kung sila ay “MALUBOS SA PAGKAKAISA”. Kapag sinabing “LUBOS” ang ibig sabihin ay 100% NA PAGKAKAISA at ito ang
nais na mangyari ni Cristo sa Kaniyang mga tupa – sa mga kaanib ng Kaniyang
Iglesia.
TANONG: Ano ang dahilan kung bakit
kinakailangang magkaisa ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo?
1 Corinto 12:12 at 27
“Sapagka't
kung paanong ANG KATAWAN AY IISA, at mayroong maraming mga SANGKAP,
at ANG LAHAT NG MGA SANGKAP NG KATAWAN, BAGAMA'T MARAMI, AY IISANG KATAWAN; GAYON DIN NAMAN SI CRISTO....KAYO NGA ANG KATAWAN NI CRISTO, AT BAWA'T
ISA'Y SAMASAMANG MGA SANGKAP NIYA.”
Ang IGLESIA
ay inihahambing sa “ISANG KATAWAN” dahil
sa ito ay KATAWAN NI CRISTO, kaya dapat lamang na magkaisa ang mga SANGKAP o mga KAANIB nito.
Ang tinutukoy na “SANGKAP” ay
mga “MIYEMBRO” o “MEMBERS” sabi nga sa BIBLIANG
INGLES sa gayon ding mga
talata:
1 Corinthians 12:12 and 27 King James Version
“For as the body is one, and hath many MEMBERS, and all the MEMBERS of that one body,
being many, are one body: so also is Christ… Now ye are the body of Christ,
and MEMBERS in
particular.”
Maliwanag na ang tinutukoy na “SANGKAP” ay ang mga “MEMBERS” o MGA MIYEMBRO o KAANIB NG
NAG-IISANG KATAWAN NI CRISTO, na ang katawang ito ay ang IGLESIA.
Colosas 1:18
“At siya
ang ulo ng KATAWAN,
sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;…”
Ang KATAWAN
ay ang IGLESIA at si CRISTO ang ULO nito. Kaya napakalinaw ng dahilan kung bakit nais ni Cristo na
magkaisa ang Kaniyang Iglesia dahil sa ito ay inihalintulad sa isang “KATAWAN” na pinamumunuan ng ISANG ULO.
ISANG HALIMBAWA:
Ang ating KATAWAN ay KUMIKILOS
ayon sa IISANG LAYUNIN at GAWA. Kapag NAISIPAN natin na KUMAIN:
Mararamdaman ng ating SIKMURA na
nangangailangan tayo ng pagkain, sasabihin sa atin ng ating ISIP na tayo ay nagugutom, titingin ang
ating mga MATA kung saan nandoon ang
pagkain. Pagkatapos, hahakbang ang ating mga PAA papunta sa lamesa, gagalaw ang ating mga KAMAY para kumuha ng pagkain at susubuan ang ating BIBIG. Wala pa tayong nakitang
tao na ang isang paa ay papunta sa harapan ang isa naman ay humahakbang papunta
sa likod o di kaya ay pinipigilan ng kaliwang kamay ang kanang kamay para huwag
maisubo ang pagkain sa bibig. ANG
KATAWAN AY ISANG NAPAKATIBAY NA HALIMBAWA ng “PAGKAKAISA” dahil kailanman ay HINDI NAGKOKONTRAHAN ANG KILOS ANG ATING KATAWAN SA ANOMANG BAGAY NA
ATING NAIS GAWIN.
At dahil sa ISANG
KATAWAN din INIHAMBING ang IGLESIA
NI CRISTO ay NAIS DIN NI
CRISTO NA GANITO KUMILOS ANG MGA KAANIB NG KANIYANG IGLESIA TULAD SA ISANG
KATAWAN NA MAY LUBOS NA PAGKAKAISA SA PAGKILOS AT PAG-IISIP AT PAGGAWA.
Kaya ang IGLESIA NI CRISTO ay NAGKAKAISA HINDI LAMANG SA PANAHON NG PAGBOTO KUNDI SA LAHAT NG PANAHON
AT PAGKAKATAON.
TANONG: Bakit naman pati sa PAGBOTO
ay kailangan ding magkaisa, iniutos ba ng BIBLIA na maging sa pagboto ay
dapat magkaisa ang Iglesia?
1 Corinto 1:9-10
“Ang Dios
ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak
na si Jesucristo na Panginoon natin. Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga
kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, NA
KAYONG LAHAT AY MANGAGSALITA NG ISA LAMANG BAGAY, AT HUWAG MANGAGKAROON SA INYO NG MGA PAGKAKABAHABAHAGI;
KUNDI KAYO'Y MANGALUBOS SA
ISA LAMANG PAGIISIP AT ISA LAMANG PAGHATOL.”
Maliwanag ang pahayag ng Biblia na ang mga kaanib
sa Iglesia ay dapat na magkaisa: “NA KAYONG LAHAT AY MANGAGSALITA NG ISA
LAMANG BAGAY, AT HUWAG MANGAGKAROON SA INYO NG MGA PAGKAKABAHABAHAGI; KUNDI KAYO'Y MANGALUBOS SA ISA
LAMANG PAGIISIP AT ISA LAMANG PAGHATOL.”
Hindi ba napakalinaw na inuutusan ang Iglesia na
dapat magkaisa sa PAGSASALITA, sa PAG-IISIP,
at maging sa PAGHATOL?
NAGKAKAISA ang IGLESIA sa PAGSASALITA,
kaya nga napapansin ng marami ang pagiging isa ng “ARAL” kanino man sila makinig na MINISTRO ang ARAL na
itinuturo ay IISA LAMANG.
Nagkakaisa rin ang Iglesia sa PAG-IISIP, dahil hindi nagtataglay ang Iglesia ng iba’t-ibang
paniniwala. At bawal sa IGLESIA ang PAGKAKABAHABAHAGI o PAGKAKAMPI-KAMPI.
At higit sa lahat INUUTUSAN ang IGLESIA na MAGKAISA sa PAGHATOL o magkaroon ng “ISA
LAMANG PAGHATOL”.
TANONG: Paano ba naisasagawa ng Iglesia ang
pagkakaisa sa paghatol?
Alamin muna natin, ano ba ang ibig sabihin ng
salitang “PAGBOTO”? Sa isang ENGLISH DICTIONARY ay ganito ang
ating mababasa:
Webster’s New
International Dictionary
“VOTE – an EXPRESSION OF JUDGMENT”
Sa Pilipino:
“PAGBOTO – isang PAGPAPAHAYAG NG PAGHATOL”
Niliwanag sa atin ng DIKSIYUNARYO na
ang ibig sabihin ng salitang “VOTE” o “PAGBOTO” ay PAGPAPAHAYAG
NG PAGHATOL. Sa panahon ng HALALAN ay HINAHATULAN
natin ang mga kandidato kung sino sa kanila ang karapatdapat nating iupo o
ilagay sa puwesto.
Hindi ba at madalas
nating naririnig sa mga kandidato na sinasabi nila ang ganito: “HATULAN NINYO KAMI, KUNG SINO SA AMIN ANG
KARAPATDAPAT”.
At sa pagsasagawa ng IGLESIA NI CRISTO ng
PAGKAKAISA SA PAGBOTO o iyong
tinatawag sa Ingles na “BLOCK VOTING” ay nasusunod ng
Iglesia ang utos ng Biblia na magkaroon ng “ISA LAMANG PAGHATOL”.
Isa lamang ang SINASABI,
INIISIP, at HINAHATULAN ng IGLESIA sa
panahon ng HALALAN. Napakalinaw ng
aral na ito na sinusunod ng IGLESIA.
Kaya magaan itong naisasagawa sapagkat batid ng IGLESIA na ito ay aral na nakasulat sa BIBLIA. Ito ang susi sa matagumpay na pagkakaisa ng IGLESIA
NI CRISTO.
Sinasabi ng iba na:
- Bakit hindi na lang daw kami
gumaya sa iba na sinusunod ang gusto nila sa panahon ng halalan?
- Bakit daw kailangan pa na
magkaisa kami?
- Bakit hindi na lang daw kami MAGKANIYA-KANIYA sa pagpili?
TANONG: Ano naman ba ang magiging problema kung hindi susundin
ng Iglesia ang itinuturo ng Biblia na magkaisa?
Santiago 3:14-16
“Nguni't
KUNG KAYO'Y MAYROONG mapapait na paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI sa inyong
puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. HINDI ITO ANG KARUNUNGANG BUMABABA MULA SA
ITAAS, KUNDI ANG NAUUKOL SA LUPA, SA LAMAN, SA DIABLO. Sapagka't KUNG
SAAN MAYROONG paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI,
ay doon MAYROONG KAGULUHAN AT LAHAT NG GAWANG MASAMA.”
Hindi ba’t ang PAGKAKANIYA-KANIYA
ay kasing kahulugan ng PAGKAKABAHABAHAGI
sa ibang salita ay PAGKAKAMPIKAMPI?
Niliwanag ni APOSTOL SANTIAGO na
ang gawang PAGKAKAMPIKAMPI o HINDI PAGKAKAISA ay “HINDI
KARUNUNGANG MULA SA ITAAS KUNDI ANG NAUUKOL SA LUPA, SA LAMAN, SA DIABLO”.
At ang gawaing ito ay gawang MASAMA.
Kaya kung hindi magkakaisa ang IGLESIA
NI CRISTO, hindi na ito magiging sa Diyos kundi ito ay magiging sa
Diablo na. Kaya nga ang isa sa ikakikilala sa TUNAY na RELIHIYON o IGLESIA ay kung ang mga kaanib ay may TUNAY NA PAGKAKAISA. Kapag ang mga
kaanib ng isang relihiyon ay nagkakampikampi o hindi nagkakaisa sa lahat ng
bagay, ang relihiyong iyon ay hindi sa Diyos kundi sa Diablo.
TANONG: Kung ang pagkakampikampi, pagkakabahabahagi o hindi pagkakaisa ay sa
Diablo, ano ang sasapitin ng mga taong gumagawa ng ganito?
Galacia 5:19-21
“At hayag
ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan,
kahalayan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo,
mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga PAGKAKAMPIKAMPI, mga
PAGKAKA-BAHABAHAGI, mga hidwang pananam-palataya, Mga kapanaghilian,
mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay
na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking
pagpapaalaala nang una sa inyo, na ANG MGA NAGSISIGAWA NG GAYONG MGA BAGAY AY HINDI MAGSISIPAGMANA NG
KAHARIAN NG DIOS.”
Ang mga gumagawa ng PAGKAKAMPIKAMPI at PAGKAKABAHAGI
na mga taong sumisira sa pagkakaisa ay hindi magmamana ng kaharian ng
Diyos. Samakatuwid hindi sila maliligtas sa ARAW NG PAGHUHUKOM, kundi
sila’y parurusahan sa dagat-dagatang apoy at asupre na siyang ikalawang
kamatayan.
Apocalipsis 21:8
“Nguni't sa mga duwag, at sa mga
hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa
mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at
sa lahat na mga sinungaling, ANG
KANILANG BAHAGI AY SA DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY AT ASUPRE; NA SIYANG
IKALAWANG KAMATAYAN.”
TANONG: Paano
naman ang karapatan ng isang tao na mamili ng kaniyang iboboto, hindi ba
mahalagang masunod iyon?
Gawa 5:29
“Datapuwa't
nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, DAPAT MUNA KAMING MAGSITALIMA SA DIOS BAGO
SA MGA TAO.”
Napakalinaw na sinabi ng mga Apostol na DAPAT MASUNOD MUNA ANG DIYOS BAGO ANG MGA
TAO. Kaya nga kung ang karapatan ng isang tao ay sisira sa utos ng Diyos
gaya nga ng karapatan niya sa pagpapasiya na mamili ng kaniyang iboboto sa
halalan ang sabi ng mga Apostol, ANG
DIYOS MUNA ANG DAPAT SUNDIN. Samakatuwid, uunahing sundin ang Diyos bago
ang sarili at hindi dapat sirain ang pagkakaisang itinatag ng Diyos at ni
Cristo sa Kaniyang IGLESIA.
KUNG ANG KARAPATAN NG ISANG TAO
AY SISIRA O LALABAG SA KALOOBAN NG DIYOS AY HINDI NATIN DAPAT NA SUNDIN, DAHIL
KUNG ATING SUSUNDIN ANG SINASABI NILANG ITO, LALABAS NA SA TAO NA TAYO SUSUNOD
AT HINDI NA SA DIYOS, dapat
ang lagi nating ipinagpapaunang masunod ay ang Diyos bago ang tao.
TANONG: Paano
isinasagawa ang pagpili ng kandidato? Totoo ba ang kanilang sinasabi na yung
namumuno lang sa Iglesia ang namimili?
1 Corinto 14:40
“Datapuwa't GAWIN NINYONG MAY
KARAPATAN AT MAY KAAYUSAN ANG LAHAT NG MGA BAGAY.”
Sa PAGPILI
ang sinusunod ng Iglesia ay ang MAAYOS
NA PARAAN. May mga nakatalagang LUPON
o KINATAWAN ang Iglesia sa bawat SANGAY nito na siyang NAGSUSURI ng mga KANDIDATO sa bawat BAYAN,
LALAWIGAN o sa ISANG BANSA - pinag-aaralan ang kanilang PERSONAL NA PAGKATAO, PLATAPORMA
at NAGSASAGAWA NG PANSARILING
PAGSUSURVEY ANG IGLESIA gaya
ng ginagawa ng ating pamahalaan [gaya ng COMELEC
survey, SWS survey, etc] sa mga
kaanib man o hindi. Ang PANGUNAHING
TINITIYAK ng Iglesia ay MASIGURO
ang KALAYAANG PANGRELIHIYON ng ating
bansa.
HINDI IBINOBOTO NG IGLESIA ANG
SINOMANG KANDIDATO NA HAHADLANG SA KALAYAANG MAKAPAGSAGAWA NG MALAYANG PAGRE-RELIHIYON.
ANG MGA PANGALAN NA NAPILI sa bawat SANGAY ay ISINUSUMITE
sa TANGGAPANG PANGKALAHATAN ng Iglesia at iyon ay NILALAGDAAN ng NAMAMAHALA bilang pagpapatibay. ANG NAMAMAHALA rin ang PINAL
na nagpapasiya kung may kailangan pang baguhin o may kailangang palitang
mga pangalan dahil ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ang
may KAPANGYARIHAN AT KARAPATAN NA
MAGPASIYA SA IGLESIA.
Kumuha tayo ng isang tagpo, katulad ng isang
pangyayari noon sa Unang Iglesia:
Gawa 15:19-20
“Dahil
dito'y ANG HATOL KO,
ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios;
Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa
diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.”
Ang sabi ni APOSTOL SANTIAGO na
siyang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN noon sa Iglesia: “ANG
HATOL KO” hindi niya sinabing “ANG HATOL NAMIN”,
maliwanag na maging noong UNANG SIGLO
ay IISA LAMANG ANG PINAL NA NAGPAPASIYA sa anomang usapin sa
Iglesia, walang iba kundi ang NAMAMAHALA lamang.
- Kung ano ang kaniyang maging PINAL na pasiya ay
iyon ang pinagkakaisahan ng lahat ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na siya naming ibinoboto sa panahon ng
halalan.
- Kung sakali man na hindi nanalo ang aming napag-kaisahang
kandidato ay wala na kaming pananagutan doon, dahil hanggang sa pagkakaisa sa
pagboto lamang ang aral na itinuro sa amin ng Diyos.
TANONG: Bakit?
Hindi ba magagawa ng isang Iglesia
ni Cristo na iboto pa din ang kaniyang gusto sa panahon ng
halalan? Hindi ba’t wala namang makakakita sa kaniya, kaya mailalagay
niya sa balota kung
sino ang gusto niya?
Marcos 4:22
“Sapagka't
WALANG ANOMANG BAGAY NA NATATAGO, kundi upang mahayag; NI NALILIHIM, kundi
yao'y upang mapasa liwanag.”
Totoo na magagawa pa din ng sinomang Iglesia ni
Cristo na sundin ang kaniyang sarili sa panahon ng halalan dahil wala naman
sinomang tao ang makakaalam noon. Pero SA
DIYOS AMA AY WALANG MAITATAGO, MALALAMAN NIYA ANG ANOMANG LIHIM NG TAO.
ILIHIM MAN NG ISANG KAANIB ANG
KANIYANG GINAWA AY HINDI ITO MAKALILIGTAS SA PANINGIN NG DIYOS NA TUNAY NA
NAG-UTOS NG PAGKAKAISA SA IGLESIA, kaya nga kahit na sabihin pa ng iba na walang
makakaalam noon ay hindi sila makaliligtas sa hatol ng Diyos.
Narito ang halimbawa mula sa Biblia:
Mga Gawa 5:1-10
“Datapuwa't
isang lalake na tinatawag na ANANIAS, na kasama ng kaniyang asawang si SAFIRA,
ay NAGBILI NG ISANG PAG-AARI, At INILINGID ANG ISANG BAHAGI NG
HALAGA, NA NALALAMAN DIN ITO NG KANIYANG ASAWA, at DINALA ANG ISANG
BAHAGI, at inilagay SA MGA paanan ng mga APOSTOl. Datapuwa't SINABI
NI PEDRO, ANANIAS, BAKIT PINUSPOS NI SATANAS ANG IYONG PUSO UPANG
MAGSINUNGALING SA ESPIRITU SANTO, AT UPANG MAGLINGID NG ISANG BAHAGI NG HALAGA
NG LUPA? Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong
sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't
inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? HINDI KA NAGSINUNGALING SA MGA
TAO, KUNDI SA DIOS. AT NANG MARINIG NI ANANIAS ANG MGA SALITANG ITO AY
NAHANDUSAY AT NALAGOT ANG HININGA: at sinidlan ng malaking takot ang lahat
ng nangakarinig nito. At nagsitindig ang mga kabinataan at siya'y binalot, at
kanilang dinala siya sa labas at inilibing. AT MAY TATLONG ORAS ANG
NAKARAAN, NANG ANG KANIYANG ASAWA, NA DI NALALAMAN ANG NANGYARI, AY PUMASOK. AT
SINABI SA KANIYA NI PEDRO, SABIHIN MO SA AKIN KUNG IPINAGBILI NINYO NG GAYON
ANG LUPA. AT SINABI NIYA, OO, SA GAYON. DATAPUWA'T SINABI SA KANIYA NI PEDRO,
BAKIT KAYO'Y NAGKASUNDO UPANG TUKSUHIN ANG ESPIRITU NG PANGINOON? narito,
nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang
dadalhin ka sa labas. AT PAGDAKA'Y NAHANDUSAY SA PAANAN NIYA ANG BABAE, AT
NALAGOT ANG HININGA: at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang
patay, at siya'y KANILANG INILABAS AT INILIBING SIYA SA SIPING NG KANIYANG
ASAWA.”
- NOONG UNANG SIGLO NAGKAISA DIN
ANG IGLESIA sa pangunguna ng mga APOSTOL.
- Upang masolusyunan
ang lumalalang KAHIRAPAN,
napagkaisahan nilang lahat ng ari-arian ng mga kaanib ay kanilang ipagbibili at
ang lahat ng mapagbibilhan ay ilalagay sa paanan ng mga APOSTOL, ang mga Apostol naman ang MANGANGASIWA NG PAGHAHATI-HATI ng mapagbibilhan sa lahat ng mga
kapatid.
- Ang mag-asawang ANANIAS at SAFIRA ay NAGBENTA DIN NG
LUPA, ngunit BINAWASAN NILA ANG
KANILANG PINAGBILHAN at ANG NATIRA
LAMANG ANG KANILANG IBINIGAY sa paanan ng mga Apostol, WALA RING NAKAKAALAM SA GINAWA NILANG ITO NGUNIT SILA’Y INIHAYAG NG
ESPIRITU NG DIYOS at pinarusahan sila at NAMATAY KAAGAD sa harapan mismo ng mga Apostol.
Alam ng sinomang kaanib sa IGLESIA
NI CRISTO na sa LIHIM
MAN at sa HAYAG ay ALAM ng AMA ang kaniyang ginagawa, kaya SA ISANG MANANAMPALATAYA AY HINDI KAILANMAN NIYA TATANGKAIN NA LABAGIN
ANG PAGKAKAISANG ITINURO NG PANGINOONG JESUSCRISTO SA KANIYANG IGLESIA.
Alam ng sinomang kaanib na ang mga lumalabag sa
pagkakaisang ito, dito pa lang sa buhay na ito ay hinahatulan na ng Diyos:
- ANG IBA SA KANILA AY BIGLA NA LANG PUMAPANAW O
NAMAMATAY.
- HINDI NA SUMASAMBA PAGKATAPOS NG HALALAN.
- ANG IBA NAMA’Y NATITIWALAG SA IBA’T-IBANG
KADAHILANAN.
HINDI PAPAYAG ang SINOMANG KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO na SUMASAMPALATAYA na MASIRA ang PAGKAKAISANG ITINURO ng PANGINOONG JESUSCRISTO sa Kaniyang Iglesia, ITO ANG ISA SA AMING KATIBAYAN ng pagiging TUNAY NA RELIHIYON na
HINDING-HINDI NAMIN KAILANMAN
TATALIKURAN.