Ang
aklat ng APOCALYPSIS na isinulat ni APOSTOL JUAN sa pulo ng PATMOS ay itinuturing na aklat ng mga SIMBOLO at mga HULA o PROPESIYA. Sa
aklat na ito ay may isang POPULAR na
NUMERO na lumikha ng KONTROBERSIYA sa lahat ng tao sa
daigdig. Ito ay ang numerong 666. Ang isa sa mga HULA o PROPESIYA na
lalong naghayag ng NAPAKADAKILANG KARUNUNGAN ng DIYOS ay ang
sinasabi sa APOCALYPSIS 13:17-18 tungkol sa isang TAO na may
PANGALAN na may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM. Basahin
natin sa Biblia ang talatang kinalalagyan ng numerong ito.
Apocalipsis 13:17-18
“At
nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi SIYANG MAYROONG TANDA,
SA MAKATUWID AY NG PANGALAN NG HAYOP O BILANG NG KANIYANG PANGALAN. Dito'y
may karunungan. Ang may pagkaunawa ay
bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't SIYANG BILANG NG ISANG TAO: AT ANG
KANIYANG BILANG AY ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.”
Kakaiba
ang pamamaraan ng DIYOS kapag siya
ay HUMUHULA o nagbibigay nang
kaniyang PAUNANG PAHAYAG o NAGSASABI NG MGA BAGAY NA MANGYAYARI SA
HINAHARAP. Dahil ang Kaniyang mga PROPESIYA
o HULA ay hindi gaya ng
ginagawa ng iba na kung tawagin ay PREDICTIONS
o GUESSING na kadalasan ay
nagkakataon lamang at hindi naman talaga natutumbok kung alin talaga ang
kinatuparan. Ang PROPESIYA ng PANGINOONG DIYOS ay may ISPESIPIKONG KATUPARAN, ibig sabihin
kung sino lamang talaga ang PARTIKULAR na
TINUTUKOY sa HULA ay sa kaniya lamang ito maaaring matupad.
Maraming
sapantaha ang mga tao tungkol sa kung ano ang kahulugan nito at kung saan at
kanino ito tumutukoy. May nagsasabi na ang numerong 666 ay MALAS na NUMERO kaya nagkaroon sila ng sari-saring pamahiin tungkol
dito. May mga tao na makita lamang ang numerong ito kahit saan man ay
agad na nakakadama ng takot at pangamba. May nagsasabi naman na ito daw
ay tumutukoy sa mga TERORISTA gaya
nila ADOLF HITLER noon, SADDAM HUSSEIN at maging ang
presidente ng America na si RONALD REAGAN. Itinuturo
naman ng mga SAKSI NI JEHOVA na ang tinutukoy daw nito ay ang PANGSANGLIBUTANG PAMAMAHALA na sa
Ingles ay ang UNITED NATIONS. Kaniya-kaniya sila ng ispekulasyon at
pala-palagay tungkol dito. Kaya ating tukuyin ang tunay na kahulugan ng
numerong 666 at kung kanino talaga natupad ang hulang ito. Sapagkat ang
hulang ito ay may TIYAKAN at PARTIKULAR na KATUPARAN.
BILANG NG PANGALAN NG ISANG TAO
TANONG: Sa ano nga ba tumutukoy ang numerong 666? Liliwanagin iyan sa atin
ng Bibliang Ingles ating basahin:
Revelations 13:18 Good News Translation
“THIS CALLS FOR WISDOM. WHOEVER IS INTELLIGENT
CAN FIGURE OUT THE MEANING OF THE NUMBER OF THE BEAST, BECAUSE THE NUMBER
STANDS FOR THE NAME OF SOMEONE. ITS NUMBER IS 666.”
Sa
Filipino:
Apocalipsis 13:18 Good
News Translation
“NANGANGAILANGAN ITO NG KARUNUNGAN.
SINOMANG MAY KATALINUHAN AY MALALAMAN ANG KAHULUGAN NG BILANG NG HAYOP, SAPAGKAT
ANG BILANG AY KATUMBAS NG PANGALAN NG ISANG TAO. ANG KANIYANG BILANG AY 666.”
Maliwanag
na sinasabi ng Biblia na ang bilang na 666
(ANIM
NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM) ay bilang ng kaniyang PANGALAN – isang TAO na INIHALINTULAD sa
isang HAYOP. At sa pamamagitan ng KARUNUNGAN
at PAGKAUNAWA ay maaaring bilangin, na ito ay bilang ng
pangalan ng isang tao. Kaya hindi totoo ang paniniwala ng iba na ang DIABLO ang tinutukoy sa hula at hindi
rin totoo na MALAS ang numerong 666
na kahit saan natin makita ay dapat tayong matakot. Malinaw
na sinasabi ng Biblia na ang tinutukoy dito ay ISANG TAO na INIHALINTULAD
sa HAYOP na may pangalan na kung bibilangin ay katumbas ng
bilang na 666.
Sa
madaling salita ang PANGALAN ng TAONG ito kung SUSUMAHIN o BIBILANGIN ay
may katumbas na 666.
Dito
na ngayon pumasok ang mga manunuligsa sa Iglesia. Nang ituro ng IGLESIA
NI CRISTO kung kanino natupad ang hulang ito ay sumagot ang mga
kumakalaban sa Iglesia at sinabing si KAPATID
NA FELIX Y. MANALO at
maging si KAPATID NA ERAÑO G. MANALO daw ang sinasabi
sa hula.
Papaano
nila ito ipinaliwanag? Ganito:
FELIX
YSAGUN MANALO
5
6
6
Kung
ang FELIX daw ay gagamitan ng SPELLING sa tagalog ito ay
magiging PELIKS. tapos magiging ganito:
PELIKS
YSAGUN MANALO
6
6
6
=
666
At
kung ang pangalan naman daw ng Ka Erdie na ERAÑO GUZMAN MANALO ang
gagamitan ng ganun ding pamamaraan:
IRANYO
GUZMAN MANALO
6
6
6
=
666
Kaya
daw ang kinatuparan ng hula na binabanggit sa APOCALIPSIS ay ang mag-amang FELIX MANALO at ERAÑO
MANALO.
Hindi
maiwasang hindi matawa ang mga kapatid sa Iglesia nang kanilang ilabas ang
ganitong paliwanag dahil ang sabi ng Biblia ay gamitan ng KARUNUNGAN at KATALINUHAN.
- MATATAWAG bang MATALINO ang isang tao na ang TAMANG SPELLING ay IMINAMALI?
- Hindi lang iyon ang sabi ba sa Biblia ang 666 ay TATLONG 6 na MAGKAKATABI na kung ating susumahin ay 6+6+6 = 18 lang?
- Hindi TATLONG ANIM na PINAGTABI-TABI at BINIBIGKAS ng iba na “SIX-SIX-SIX” dahil ang talagang sinasabi ng BIBLIA ay SIX HUNDRED SIXTY SIX.
- Hindi ba ang banggit sa Biblia ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM?
- Kitang-kita ang ebidensiya na ang PROPESIYA o HULA ay kanilang HINUHULAAN LAMANG ang kahulugan (HULA NA HINULAAN PA).
Halatang-halata
na kulang sila ng pagkaunawa kaya hindi nila maunawaan ang tunay na kahulugan
ng talata. Kung tatanggapin natin ang kanilang pagkaunawa sa 666
lalabas na sinomang tao sa daigdig na may pangalan na may anim na letra sa FIRST
NAME, anim na letra sa MIDDLE NAME, at anim na letra sa LAST
NAME ay siyang kinatuparan ng hula. Gaya
nito:
ALEXIS ROMANA MOLINA
6
6
6
=
666
ISAIAS CARLOS GALVEZ
6
6
6
=
666
Kung
susundan natin ang kanilang pakahulugan ay lalabas na natupad din sa mga taong
iyan ang sinasabi sa hula? Halatang gusto lang humanap ng TABLA ang mga kumakalaban sa IGLESIA NI CRISTO kahit na
nakakatawa ang kanilang pamamaraan. Hindi kasi nila matanggap ang naging
kahulugan ng APOCALIPSIS 13:18.
ANG TITULONG “VICARIUS FILII DEI”
TANONG: Kanino ba ito tumutukoy? Sino nga ba ang tao na may pangalan na kung
ating susumahin o bibilangin ay may katumbas na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T
ANIM (666)?
Ang PAPA sa ROMA ay may titulo na “VICARIUS FILII DEI”, isang salitang LATIN
na ang ibig sabihin ay KAHALILI NG
ANAK NG DIYOS.
Noong
unang panahon ang “U” at “V” ay magkatumbas ganun din ang “J”
at “I”. Kaya nga VICARIUS ay katumbas ng VICARIVS.
Ang
pangalang JESUS naman ay isinusulat noon sa latin na IESVS kaya
nga ang “INRI” ay IESVS·NAZARENVS·REX·IVDÆORVM' (JESUS
NAZARENUS REX JUDAERUM – JESUS NA TAGA NAZARET ANG HARI NG MGA JUDIO)
mapapansin natin na ang “U” ay
ginamitan ng letrang “V”.
Tumututol
ang iba, ang sabi nila ang sinasabi sa hula ay PANGALAN o NAME at hindi
“TITLE” o TITULO nang taong hinuhulaan.
TANONG: Kaya ating linawin kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang “TITLE” o “TITULO”?
Webster’s
1828 Dictionary
“TITLE, n. - An inscription put over any thing as a NAME by
which it is known.”
Sa Filipino:
“TITULO, n – Isang isinusulat sa anomang bagay bilang PANGALAN
na ikakikilala dito.”
Ang
TITULO ayon sa patotoo ng Dictionary ay PANGALAN na ikakikilala sa pinatutungkulan nito. Samakatuwid ang VICARIVS
FILII DEI ay isang PANGALAN na
itinatawag sa PAPA ng IGLESIA KATOLIKA.
TANONG: Saan matatagpuan ang PANGALAN o TITULONG ito?
Sa
isang PAHAYAGANG KATOLIKO na inilathala noong April 18, 1915
na may pamagat na “OUR SUNDAY VISITOR” sa page 3 ganito ang mababasa:
ANG SABI NG
DOKUMENTONG ITO AY:
OUR
SUNDAY VISITOR, BUREAU OF INFORMATION SECTION, page 3, April 18, 1915 Issue
“WHAT ARE THE LETTERS
SUPPOSED TO BE IN THE POPE’S CROWN, AND
WHAT DO THEY SIGNIFY, IF ANYTHING? THE LETTERS INSCRIBED IN
THE POPE’S MITRE ARE THESE: VICARIUS FILII DEI, WHICH
IS THE LATIN FOR VICAR OF THE SON OF GOD…”
Sa Filipino:
“ANO ANG ISINISIMBULO NG
MGA LETRA NA NASA KORONA NG PAPA, KUNG MAYROON MAN?
ANG MGA LETRANG NAKASULAT SA MITRA NG PAPA AY ANG
MGA ITO: VICARIUS FILII DEI, NA LATIN NG KAHALILI
NG ANAK NG DIYOS.”
Ang
mga katagang VICARIUS FILII DEI ay
nakasulat sa KORONA na isinusuot ng PAPA sa ROMA ito ay nilinaw sa atin ng PAHAYAGANG KATOLIKO. Ang
koronang ito ay tinawag na PAPAL TIARA o TRI-CROWN
sapagkat ito’y TATLONG KORONA NA
MAGKAKAPATONG (makikita ninyo sa mga larawan sa itaas).
TANONG: Paano ang pagkakasulat nito sa kaniyang KORONA?
Ipapaliwanag ng isang kilalang-kilala ng SAKSI NI JEHOVA na si CHARLES
TAZE RUSSEL sa kaniyang isunulat na aklat. Ganito ating mababasa:
STUDIES IN
THE SCRIPTURES, Charles Taze Russel; page 215
“On the POPE’S CROWN in the VATICAN MUSEUM is the recognized and
most used title of the pope. VICARIVS
FILII DEI (VICAR OF THE SON OF GOD). The word VICARIVS is on the TOP
of the THREEFOLD CROWN. The word FILII on the SECOND CIRCLET; and the words are made from dark, shining precious
jewels. The word DEI is on the UNDER PART OF THE THREEFOLD crown and
is made of 100 diamonds.”
Sabi
ni Russel ang PAPA ay may KORONA na
kung tawagin ay THREEFOLD CROWN na
ang tawag naman ng SIMBAHAN ay “TIARA” o TATLONG MAGKAKAPATONG na KORONA
sa pinaka-itaas o sa KORONA na nasa IBABAW ay mababasa ang salitang “VICARIVS”, sa PANGALAWANG KORONA ang salitang “FILII” at sa PANGATLO ang
salitang “DEI”.
Maliwanag
ang tao na NAGTATAGLAY ng PANGALAN na may NUMERO o BILANG na 666 ay walang iba kundi ang PAPA ng IGLESIA KATOLIKA.
Kaya
SAKTO ang sabi ng hula "ISANG TAO" dahil isang tao
talaga ang nagtataglay ng pangalan na may bilang na 666.
MAAARING ITANONG NG
IBA:
Baka NAGKATAON
lang o baka naman TSAMBA lang ito.
TANONG: Paano natin matitiyak pang LALO
na hindi NAGKATAON lang kundi
talagang TIYAK na TIYAK na ang PAPA ng IGLESIA KATOLIKA
talaga ang KINATUPARAN ng HULA?
Kumuha
pa tayo ng iba pang DETALYE sa BIBLIA na PALATANDAAN na ang PAPA
sa ROMA talaga ang kinatuparan.
Kaya
kung ating babalikan ang sinabi ng talata:
“DITO'Y MAY KARUNUNGAN. ANG MAY PAGKAUNAWA AY BILANGIN ANG
BILANG NG HAYOP; SAPAGKA'T SIYANG BILANG NG ISANG TAO:”
Kaya
ating BILANGIN o SUMAHIN kung ang titulong ito nga ay
may katumbas ng bilang na ANIM NA
RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM (666).
Sa isang Bibliang Ingles
ay maliwanag ang pagkakasalin ng talata:
Revelations 13:18 The Living Bible
“HERE
IS A PUZZLE that calls for CAREFUL
THOUGHT TO SOLVE IT. Let those who are able, INTERPRET THIS CODE: THE NUMERICAL VALUES OF THE LETTERS
IN HIS NAME ADD TO 666!”
Sabi
ng Biblia gamitan ng KARUNUNGAN
dahil may mga LETRA o TITIK na may KATUMBAS na BILANG o NUMERO kaya gagamitin natin ang ating KARUNUNGAN o KAALAMAN sa pagsasalin ng ROMAN
NUMERALS sa HINDU-ARABIC
NUMBERS gaya nito:
Kaya
ang VICARIUS FILII DEI ay magiging:
Kitang-kita
ang TOTAL o SUMA 666 as in SIX HUNDRED AND SIXTY SIX at hindi TATLONG 6 NA
MAGKAKATABI o SIX-SIX-SIX hindi
ba.
TANONG: Ano pa ang ilang PANGALAN o TAWAG sa PAPA ng IGLESIA KATOLIKA
na may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA
PU’T ANIM (666)?
Ang
PAPA ay kilala rin sa TAWAG na “DVX CLERI” o “CAPTAIN of
the CLERGY” sa TAGALOG ay “PINUNO ng KAPARIAN.”
TINGNAN NINYO ITO:
Narito
pa ang isang salitang LATIN na “LVDOVICVS” na sa INGLES ay “VICAR of the
COURT” na salitang PANTAWAG din
sa PAPA.
Sobra
naman yatang FAVORITE ng PAPA ang numerong 666.
May
mga tumututol na nagsasabi na iyong letter “V” (VICARIUS sa halip
na VICARIVS) daw ang dapat ay “U” kung letter U daw ang
gagamitin hindi daw magiging 666 kundi 661 lamang ang TOTAL. Naipalawanag na sa
bandang unahan na iyong letter “U” at “V” ay MAGKATUMBAS lamang sa LATIN.
Atin
patutunayan iyan sa pamamagitan ng isang napakakilalang halimbawa:
- Napansin ba ninyo ang SPELLING ng POST OFFICE BUILDING sa MAYNILA?
- Hindi ba iyong salitang BUILDING ay ginawang “BVILDING”?
- Letter “V” ang ginamit sa halip na Letter “U”.
- Dahil sa OLD LATIN ay MAGKATUMBAS lamang ang DALAWANG LETRANG ITO.
Pero
nangangatwiran sila na hindi lang naman daw VICARIVS FILII DEI ang pag-sinuma
ay katumbas ng 666 mayroon pang ibang pangalan at hindi naman kami tutol
doon.
NARITO ANG ISA SA
HALIMBAWA:
Gaya
ng halimbawa sa itaas ay makikita na may mga pangalan din na maaaring mag-EQUAL
sa 666.
Subalit nangangahulugan ba na dahil ang naging SUMA o TOTAL ay sa
kanila na din natupad ang hula sa APOCALYPSIS?
Lalabas niyan na maaaring sa libo-libong tao natupad ang sinasabi sa hula.
Ang
PANGINOON DIYOS ay MARUNONG sa LAHAT dahil hindi lang Niya ibinigay ang PAGKAKAKILANLAN sa pamamagitan ng BILANG ng kaniyang PANGALAN,
ibinigay din Niya ang mga KATANGIAN ng
TAONG ito na lalong nagpapatibay
kung sino talaga ang kinatuparan ng hula. Ipagpapatuloy natin ang
pagtalakay.
ANG MGA KATANGIAN NG TAONG MAY PANGALAN NA KATUMBAS NG 666
Sinasabi
sa HULA na ito ay TAO na INIHAMBING sa isang HAYOP.
TANONG: Sa anong hayop ba ito inihambing at ano ba ang mga katangian nito na
lalong magpapatibay sa atin ng tunay na kinatuparan ng hula. Kanina ang binasa
natin ay VERSE 18 itataas lang natin ang basa sa VERSE 11:
Apocalypsis 13:11
“At NAKITA KO ANG IBANG HAYOP na umaahon sa
lupa; at MAY DALAWANG SUNGAY NA KATULAD NG SA ISANG KORDERO, at SIYA'Y
NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON.”
Ibinigay
sa atin ang TATLONG KATANGIAN:
1. “MAY DALAWANG SUNGAY”
- Nagtataglay siya ng dalawang sungay.
2. “KATULAD NG SA ISANG KORDERO”
- Gagayahin ang KORDERO.
3. “NAGSASALITANG GAYA NG
DRAGON” - Ang kaniyang sasabihin ay SALITA o ARAL ng DRAGON
Isa-isahin
nating ipaliwanag ang mga katangiang ibinigay ng Biblia:
1. MAY DALAWANG SUNGAY
TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng “SUNGAY”. Ano ba isinisimbulo o
isinasagisag nito?
Amos 6:13
“Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang
kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga
SUNGAY sa pamamagitan ng aming sariling KALAKASAN?”
Ang
SUNGAY ayon sa Biblia ay KALAKASAN. Kaya ang taong
tinutukoy na may bilang na 666 na may DALAWANG SUNGAY ay
nagtataglay ng DALAWANG KALAKASAN.
TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng KALAKASAN? Kung ating babasahin sa BIBLIANG
ENGLISH ay ganito ang nakalagay.
Amos 6:13 King James Version
“Ye which rejoice in a thing of nought, which say,
Have we not taken to us HORNS by our own STRENGTH?”
Samakatuwid
ang KALAKASAN ay STRENGTH sa English na may MEANING na:
WEBSTER’S
1828 DICTIONARY
“STRENGTH - That property or quality of an animal body by which
it is enabled to move itself or other bodies. We say, a sick man has not
strength to walk, or to raise his head or his arm. We say, a man has strength
to lift a weight, or to draw it. This quality is called also POWER and
FORCE.”
Makikita
sa Dictionary na ang kasing kahulugan ng salitang STRENGTH o KALAKASAN
ay POWER and FORCE o KAPANGYARIHAN at PUWERSA.
Kaya sa madaling salita ang hinuhulaan dito ay ISANG TAO na may DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN iyon ang
tinutukoy na DALAWANG SUNGAY na kaniyang taglay.
TANONG: Ilan at anu-ano ang KAPANGYARIHAN
ng Papa?
Sasagutin
tayo ng isang CARDINAL ng IGLESIA KATOLIKA:
FAITH
OF OUR FATHERS, by James Cardinal
Gibbons, p. 113
“THE POPES were not only devoted SPIRITUAL FATHERS, but
firm and valiant CIVIL GOVERNORS…”
Sa Filipino:
“ANG MGA PAPA ay hindi lamang matatapat na AMA NG KALULUWA, kundi
matitibay at magigiting na mga GOBERNADOR SIBIL.”
Pinatutunayan
ng Cardinal ng Iglesia Katolika na ang PAPA
ng IGLESIA KATOLIKA ay nagtataglay
ng DALAWANG URI ng KAPANGYARIHAN:
1. KAPANGYARIHANG
SPIRITUAL at
2. KAPANGYARIHANG
PAMPULITIKA
Kapuwa
saklaw ng PAPA ang pamamahala sa RELIHIYON
at sa GOBYERNO.
- PASOK ANG PAPA SA UNANG KATANGIAN
2. KATULAD NG ISANG CORDERO
TANONG: Sino ba ang CORDERO
na binabanggit sa Biblia?
Juan 1:29
“Nang kinabukasan ay nakita ni Juan SI JESUS na
lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ANG CORDERO NG DIOS, na nagaalis
ng kasalanan ng sanglibutan!”
ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO
ANG CORDERO NG DIYOS.
Samakatuwid Siya ang gagayahin ng taong hinuhulaan sa Apocalypsis.
TANONG: Ano ba ang isa sa katangiang taglay ni Cristo na gagayahin
ng taong ito?
Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y
NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat
ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”
Si
CRISTO ang ULO ng IGLESIA.
TANONG: Ang PAPA sa ROMA ba ay ipinakikilala rin bilang ULO ng IGLESIA? Isa namang PARING KATOLIKO ang sasagot sa
atin:
Answer
Wisely, by Rev. Martin J. Scott, page 49
"THE POPE, therefore, as vicar of Christ, IS THE VISIBLE
HEAD of CHRIST'S KINGDOM on earth, THE CHURCH, of which Christ
Himself is the invisible head."
Sa Filipino:
“ANG PAPA, samakatuwid, bilang kahalili ni cristo, AY ANG NAKIKITANG
ULO ng KAHARIAN NI CRISTO sa lupa, ang IGLESIA, kung saan si
Cristo mismo ang di nakikitang ulo nito.”
Ayon
sa Pari ANG PAPA AY ANG NAKIKITANG ULO
NG IGLESIA DITO SA LUPA, SI CRISTO NAMAN DAW ANG HINDI NAKIKITANG ULO. Samakatuwid
para sa kanila ANG PAPA ANG ULO NG
IGLESIA SA LUPA, SI CRISTO NAMAN ANG ULO NG IGLESIA SA LANGIT.
TANONG: May mababasa ba tayo sa Biblia na dalawa ang ulo ng Iglesia? Hindi lang
iyon, hindi ba nasasakop ni Cristo ang lupa? Ang kaniya bang pamamahala ay sa
langit lang?
Mateo 28:18
“At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang
kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG
LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”
Napakaliwanag
na ang Papa ay nag-aangkin ng kapangyarihang kay Cristo lamang ipinagkaloob ng
Diyos dahil ang lahat ng kapamahalaan ay ibinigay na kay Cristo sa langit man o
sa lupa.
Nabasa
natin sa itaas na sinasabi nila na ang Papa ay may titulong VICARIUS CHRISTI (VICAR OF CHRIST) o KAHALILI
NI CRISTO. Samakatuwid HINAHALINHAN
o PINAPALITAN ng PAPA ang PAMAMAHALA NI CRISTO SA IGLESIA hindi lang ginaya ang Cristo kundi NAKIPANTAY PA SA KANIYA SA KAPANGYARIHAN.
TANONG: Maaari bang magkaroon ng KAHALILI
o KAPALITAN si Cristo? Sasagutin
sa atin iyan ng Biblia:
Hebreo 7:24
“Datapuwa't SIYA, SAPAGKA'T NAMAMALAGI MAGPAKAILAN
MAN AY MAY PAGKASASERDOTE SIYANG DI MAPAPALITAN.”
Ang
KAPANGYARIHAN, POSISYON at KARANGALANG
ibinigay ng DIYOS kay CRISTO kailanman ay hindi maaagaw ni
mapapalitan ninoman. Ang pagsasabing ang PAPA ay KAHALILI NI CRISTO
ay maliwanag na PAKIKIPANTAY at PANGGAGAYA sa CORDERO ng Diyos na ito ay isang napakalaking kasalanan at
kalapastanganan sa harap ng Diyos.
TANONG: Hindi lang iyon, kung ating lalawak-lawakan pa ang ating pagtalakay ano
pa ang ginaya ng Papa na itinuturing na pinakamataas na Pari ng Iglesia
Katolika?
SIYA
ANG INYONG PAKINGGAN: ANG ARAL NA KATOLIKO, sinulat ng Paring si Enrique Demond, page 195
"ANG PANANAMIT NG
PARENG NAGMIMISA. ANG PARENG GAYAK SA PAGMIMISA AY NAKAKATULAD NI
JESUKRISTO noong umakyat sa bundok ng kalvario."
Ang
pananamit ni Cristo ang tinularan ng PAPA
at mga PARI ng Iglesia Katolika.
- PASOK NA NAMAN SA IKALAWANG KATANGIANG IBINIGAY NG BIBLIA ANG PAPA.
3. NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON
TANONG: Sino ba ang DRAGON na ang salita nito ang
gagayahin ng taong may bilang na 666 sa kaniyang pangalan?
Apocalypsis 20:2
“At sinunggaban niya ang DRAGON, ang matandang
ahas, na siyang DIABLO at SATANAS, at ginapos na isang libong
taon.”
Ang
salita ng DRAGON o ng DIABLO at SATANAS ang sasalitain ng taong ito. Samakatuwid MAGTUTURO SIYA NG ARAL NG DEMONIO.
TANONG:
Ano ang mga aral ng demonio na ituturo ng
PAPA sa IGLESIA KATOLIKA?
1 Timoteo 4:1
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga
huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa
mga espiritung mapanghikayat at sa MGA ARAL NG MGA DEMONIO,”
1 Timoteo 4:3
“NA IPINAGBABAWAL ANG
PAGAASAWA, AT IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may
pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”
Ang
taong hinuhulaan ay magtuturo ng PAGBABAWAL
NG PAG-AASAWA at PAGLAYO o PAGBABAWAL SA PAGKAIN NG LAMANGKATI O KARNE.
Na mga ARAL ng DEMONIO na katumbas ay SALITA NG DRAGON.
TANONG: Kapuwa natupad ba sa Iglesia Katolika ang aral na ito? Mayroon bang itinuro sa kanilang
ganitong aral? Basahin natin ang pagtatapat ng mga PARI ng Iglesia Katolika
sa kanilang isinulat na aklat.
ANG PANANAMPALATAYA
NG ATING MGA NINUNO, sinulat
ni James Cardinal Gibbons, tinagalog ng Paring si Rufino Alejandro, pahina
396
"Ang disiplina ng
Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, sa pamamagitan ng PAGBABAWAL
SA MGA SACERDOTE (O PARI) NA MAG-ASAWA pagkatapos na sila'y maordena."
SIYA
ANG INYONG PAKINGGAN: ARAL NA KATOLIKO, sinulat ng Paring si Enrique Demond, pahina 139
"Sa ikalawang utos
ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at HUWAG KUMAIN NG
ANOMANG LAMANGKATI O KARNE SA MGA ARAW NG IPINAGBABAWAL NIYA."
Tupad
na tupad sa PAPA ang mga katangiang
ibinigay ng BIBLIA tungkol sa taong nagtataglay ng bilang na 666 sa
kaniyang PANGALAN o TITULO.
Kaya
nga may mga pangalan man na kung susumahin ay MAG-E-EQUAL sa
666 kung hindi naman pasok sa TATLONG KATANGIANG ITO ay hindi siya ang kinatuparan ng PROPESIYA. Ang POSISYONG ito - ang pagiging PAPA ng isang tao ang naglalagay sa
kaniya bilang ANTI-CRISTO ang taong
may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM.
Mananatili
ka pa ba sa relihiyong pinamumunuan niya? Magsuri sana kayo mga mahal naming
kaibigan.