Sunday, January 17

PAANO NILIKHA ANG ARAL NA SI CRISTO AY DIYOS (IKALAWANG BAHAGI)


Pinatutunayan ng KASAYSAYAN  na noong mga UNANG SIGLO ay wala pang malaganap na paniniwala na si CRISTO AY DIYOS.  Namamalagi sa marami ang paniniwala na si CRISTO AY TAO hanggang sa IKAAPAT NA SIGLO.

Sa UNANG BAHAGI ng IKAAPAT NA SIGLO naganap ang mga mahahalagang pangyayari sa IGLESIA na nagbigay-daan upang maisulong ang aral na si CRISTO AY DIYOS hanggang sa ito ay maging OPISYAL na aral ng IGLESIA KATOLIKA.  Ang pangyayari ay uminog sa HIDWAAN at PAGTATALO na namagitan sa DALAWANG TAO na nakilala sa kasaysayan ng IGLESIA dahil na rin sa isyung ito tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo.  Ganito ang sinasabi sa mga dahon ng KASAYSAYAN:

CHRISTIANITY THROUGH THE CENTURIES:  A HISTORY OF THE CHRISTIAN CHURCH, pages 143-144

Salin sa Pilipino:

ANG SULIRANIN TUNGKOL SA kaugnayan ng Diyos Ama at ng KANIYANG ANAK NA SI JESUCRISTO ay kagyat na NAGING ISANG MALALANG SULIRANIN SA IGLESIA pagkatapos na matigil sa pag-uusig.  Sa Hilagang Europa, halimbawa, iginiit ni Tertuliano ang pagkakaisa sa esensiya ng tatlong persona bilang siyang tamang pagkaunawa sa Trinidad.  Kaya ang NAGING SENTRO NG HIDWAAN ay sa Silangang bahagi ng Imperyo…Noong 318 o 319, tinalakay ni ALEJANDRO na OBISPO ng ALEJANDRIA, sa kaniyang mga presbitero ‘ANG PAGKAKAISA NG TRINIDAD’INATAKE NG ISA SA MGA PRESBITERO, si ARIO, isang asetikong iskolar at bantog na mangangaral, ang sermon sapagkat naniniwala siya na hindi nito napanindigan ang pagkakaiba ng mga persona sa pagkadiyos. …IGINIIT NI ARIO, sa pagsuporta ni Eusebio ng Nicomedia (iba sa Eusebio ng Caesaria) at ng minorya ng mga naroon, NA SI CRISTO AY HINDI NAGBUHAT SA WALANG HANGGAN KUNDI MAY PASIMULA SA PAMAMAGITAN NG PAGLALANG NG DIYOS BAGO DUMATING ANG KAPANAHUNAN.  SIYA’Y NANINIWALA NA SI CRISTO AY MAY IBANG ESENSIYA O KASIYANGAAN KAYSA SA AMA.  DAHIL SA KALINISAN NG KANIYANG BUHAY AT SA PAGSUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS, SI CRISTO AY DAPAT NA ITURING NA BANAL.  SUBALIT NAININIWALA SI ARIO NA SI CRISTO AY ISANG NILALANG, NILIKHA MULA SA WALA, MABABA KAYSA SA AMA AT MAY ESENSIYANG IBA SA AMA.  HINDI SIYA KAPANTAY NG AMA.  PARA KAY ARIO, SI CRISTO AY BANAL SUBALIT HINDI DIYOS.”

Ang HIDWAAN nina ARIO at NG KANIYANG OBISPO na si ALEJANDRO tungkol sa LIKAS NA KALAGAYAN NI CRISTO ay nagpapatunay lamang na hanggang sa IKAAPAT NA SIGLO ay wala pa ring MALINAW at PORMAL na doktrina ukol sa pagiging DIYOS NI CRISTO. TINUTULAN ni ARIO ang aral na ito sapagkat NANINIWALA SIYA NA SI CRISTO AY IBA SA AMA na Siyang tunay na Diyos.  AYON KAY ARIO, SI CRISTO AY NILALANG AT MAY PASIMULA; MAYROON SIYANG ESENSIYA O KASIYANGAAN NA IBA SA AMA AT HINDI SIYA KAPANTAY NG AMA.  Pinaninindigan ni ARIO ang tamang doktrina na “SI CRISTO AY BANAL SUBALIT HINDI DIYOS.” 

Ayon pa kay Ario:

ANCIENT MEDIEVAL HISTORY:  THE RISE OF CLASSICAL CULTURE AND THE DEVELOPMENT OF MEDIEVAL CIVILIZATION, page 394

Salin sa Pilipino:

“…KUNG ANG DIYOS AMA AT ANG ANAK AY PAREHONG DIYOS, KUNG GAYON AY MAY DALAWANG DIYOS, NA NANGANGAHULUGANG ANG CRISTIANISMO AY HINDI ISANG MONOTEISTIKONG RELIHIYON” 

Ang paninindigan ni ARIO tungkol sa LIKAS NA KALAGAYAN ni CRISTO ay tuwirang KASALUNGAT ng paniniwala ng kaniyang OBISPO:

WHEN JESUS BECAME GOD, page 56
 
 Salin sa Pilipino:

“…na mariing naninindigan na SI JESUCRISTO ANG WALANG HANGGANG (AMA) DIYOS NA NASA ANYO NG ISANG TAO at ANOMANG KASALUNGAT NA PANINIWALA ay dapat na ituring na EREHIYA

Kung paano lumawak ang alitan ng dalawa bunga ng kanilang magkasalungat na paniniwala ay isinalaysay sa mga sumusunod:

CHRISTIANITY THROUGH THE CENTURIES: A HISTORY OF THE CHRISTIAN CHURCH, page 143

Salin sa Pilipino:

“Ang HIDWAAN ay naging lubhang mapait na anupa’t ipinakondena ni ALEJANDRO si ARIO sa pamamagitan ng isang SYNOD.  Si Ario ay nanganlong sa palasyo ni Eusebio, obispo ng Nicomedia,… DAHIL SA ANG HIDWAAN AY NAKASENTRO SA ASYA MENOR, ITO’Y NAGING PANGANIB SA PAGKAKAISA NG IMPERYO AT GAYUNDIN NG IGLESIA.”

ANG LUMALALANG HIDWAAN SA PAGITAN NINA ALEJANDRO AT ARIO AY NAKARATING SA KAALAMAN NI EMPERADOR CONSTANTINO.  Natawagan ng pansin ang EMPERADOR sapagkat sinabi sa kaniya ng kaniyang mga tagapayo na ang hidwaan ay magsasapanganib sa pinapangarap niyang kaisahan ng kaniyang IMPERYO.  Dahil dito, iniutos ng emperador na siyasatin ang kontrobersiya.  Kaya, ipinatawag niya ang kaniyang pinakamalapit na tagapayong Cristiano na si HOSIUS ng CORDOVA at pinapunta sa ALEJANDRIA upang alamin ang mga pangyayari at magbigay ng ebaluwasyon at rekomendasyon sa kaniya.  Dala ang liham ng emperador na nakaukol kapuwa sa MAGKATUNGGALING sina ARIO at ALEJANDRO, nagsagawa ng pagsisiyasat si Hosius (When Jesus Became God:  The Epic Fight Over Christ’s Divinity in the Last Days of Rome, pp. 46-47, 49).  Ganito ang naging resulta ng kaniyang ginawang pagsisiyasat:

WHEN JESUS BECAME GOD:  THE EPIC FIGHT OVER CHRIST’S DIVINITY IN THE LAST DAYS OF ROME, pages 64-65

Salin sa Pilipino:

“NAGPASIYA SI HOSIUS.  Susulat siya kaagad upang sabihin sa EMPERADOR na hindi na maaari ang pagkakasundo.  Ang EREHIYANG ARIANO ay hindi na rin maaaring PAHINTULUTAN o MAPAGBIGYAN.  Kailangan na itong SUGPUIN.  Kasabay nito ay magrerekomenda siya ng isang istratehiya upang wakasan ang pagkakabaha-bahagi sa komunidad CRISTIANO sa PINAKAMABILIS at PINAKATIYAK na paraan. …Matagal nang pinag-uusapan ng mga obispo sa Silangan na kailangan na ang isang PANGKALAHATANG KONSILYO upang harapin ang ilang mga isyu na bumabagabag sa mabilis na lumalagong Iglesia.  Irerekumenda ni HOSIUS na si CONSTANTINO ay tumawag ng isang gayong KONSILYO sa tagsibol, na lalong kanais-nais kung doon isasagawa sa isang lunsod na hindi kalayuan sa kaniyang punong himpilan—marahil sa Ancyra (Ankara) na doon ang obispo na si Marcellus ay isang maalab na tagasalungat ni Ario at ng dalawang Eusebio.  MAGAGAMIT NG EMPERADOR ANG KONSILYO UPANG HIMUKIN ANG MGA NATITIPONG OBISPO NA KONDENAHIN ANG ARIANISMO.”

ANG PAGTAWAG NG KONSILYO

Batay sa mungkahi ni HOSIUS pagkatapos na masiyasat na hindi na maaaring pagkasunduin pa ang magkabilang panig, tumawag si EMPERADOR CONSTANTINO ng PANGKALAHATANG KONSILYO ng mga OBISPO. Ganito ang nakatala sa kasaysayan:

CHRISTIANITY THROUGH THE CENTURIES:  A HISTORY OF THE CHRISTIAN CHURCH, page 143

Salin sa Pilipino:

Sumunod, tumawag si CONSTANTINO ng isang KONSILYO ng mga OBISPO upang lutasin ang hidwaan.  Ang konsilyong ito ay nagpulong sa NICEA sa mga unang araw ng tag-init ng 325.  Tatlong daang obispo ng Iglesia ang dumalo, subalit di lalabis sa sampu ang magmula sa Kanlurang bahagi ng imperyo.  ANG EMPERADOR ANG NAMUNO SA KONSILYO AT SIYANG NAGBAYAD NG MGA GUGULIN NITO.  Sa unang pagkakataon, NASUMPUNGAN NG IGLESIA ANG KANIYANG SARILI NA PINANGIBABAWAN NG LIDERATO PAMPULITIKA NG PANGULO NG ESTADO.”

Dahil ang nagpatawag ng KONSILYO ay si CONSTANTINO sa hangaring pagkaisahan ang kaniyang IMPERYO, hindi kataka-takang siya rin ang nagbayad ng gugulin ng mga delegadong obispo.  Subalit sa isyu ng DOKTRINA na pinagtatalunan, ang EMPERADOR ay WALANG NALALAMAN at NAIINTINDIHAN, gaya ng pinatutunayan ng mga salaysay sa kasaysayan:

A SHORT HISTORY OF CHRISTIAN DOCTRINE:  FROM THE FIRST CENTURY TO THE PRESENT, page 51

Salin sa Pilipino:

“Ang UNANG EMPERADOR NA NAGING CRISTIANO, si CONSTANTINO ay WALANG ANOMANG NAUUNAWAAN sa mga katanungang pinag-uusapan sa teolohiyang Griyego.  ANG KONTROBERSIYA SA DOKTRINA NG TRINIDAD AY ITINURING LAMANG NIYA NA ISANG WALANG KABULUHANG PAGTATALO NG MGA TEOLOGO, na maaaring iwasan sa pamamagitan ng di pagpansin sa lahat ng haka-haka at sa pamamagitan ng sama-samang pamumuhay na may pag-ibig at mabuting samahan  Kaalinsabay nito, ANG INAALAALA NI CONSTANTINO AY KUNG PAANO PANGANGALAGAAN O PANUNUMBALIKIN ANG KATAHIMIKAN NG IGLESIA.  TUTAL, ANG IGLESIA AY MAY MAHALAGANG GAMPANIN NA TUTUPARIN SA KANIYANG IMPERYO.”

Maliwanag na ang ISINAALANG-ALANG ni CONSTANTINO ay HINDI ang TAMANG DOKTRINA para sa IGLESIA kundi ang KAPAYAPAAN at KATAHIMIKAN ng kaniyang IMPERYO at ang malaking papel na ginagampanan ng Iglesia para ito ay maisiguro.  Kaya’t ang kaniyang PAKIKIALAM ay bunsod ng pangangailangang PAMPULITIKA sapagkat ayaw niyang MAGKAWATAK-WATAK ang kaniyang IMPERYO dahil lamang sa isang isyu ng DOKTRINA na INAAKALA niyang puwede namang MALUTAS sa SIMPLENG PAG-UUSAP ng mga OBISPO.  At para maisiguro ang pagdalo ng mga obispo at maisagawa ang kaniyang gusto, ganito ang kaniyang ginawa:

ANG KABANALBANALANG ISANGTATLO:  ANG DIYOS NG MGA KRISTIYANO, pahina 107
“…TINAWAG ANG KONSILYONG ITO NG EMPERADOR CONSTANTINO SA PAMAMAGITAN NG MGA SULAT NA MAY KASAMANG REGALO, NGUNIT ANG MGA SULAT AY NAGLALAMAN DIN NG PANANAKOT.”

Mula pa lamang sa pagpapatawag sa mga obispong dadalo sa KONSILYO ay ginamit na ng EMPERADOR ang kaniyang IMPLUWENSIYA.  Upang MAPUWERSA ang mga OBISPO na tumugon sa kaniyang panawagan, sila ay kaniyang NIREGALUHAN at SINULATAN NA MAY HALONG PANANAKOT.  Kung paano ginamit ng EMPERADOR ang kaniyang kapangyarihan upang maimpluwensiyahan niya ang KONSILYO ay ganito ang sinasabi ng kasaysayan:

A SHORT HISTORY OF CHRISTIAN DOCTRINE, pages 51-52

Salin sa Pilipino:

“Sa unang pagkakataon sa kaniyang kasaysayan, ang CRISTIANISMO sa IMPERYO ng ROMA ay hindi na siyang pinag-uusig na relihiyon… Sa panlabas na pananaw, ang PAGBABAGO SA SITUWASYON ay maliwanag na NARAMDAMAN ng mga OBISPO  dahil sa katotohanang hindi na nila kailangan pang kumilos nang PALIHIM o MANGAILANGAN pang gumamit ng karaniwang paraan ng PAGLALAKBAY upang DALAWIN ang ISA’T-ISA.  Ngayon ay mayroon na silang PRIBILEHIYO na dumalo sa KONSILYO sa pamamagitan ng TRANSPORTASYONG BIGAY NG ESTADO, na siyang paraan ng PAGLALAKBAY na INILALAAN sa mga may ranggong OPISYAL ng ESTADO.  Sa NICEA, PINAGKALOOBAN ng EMPERADOR ng MATUTULUYAN ang mga OBISPO sa kaniyang PALASYO.  Doon din ginanap ang mga TALAKAYAN at SA HARAP PA MANDIN NG EMPERADOR. … Madaling maintindihan kung ipinakita man ng mga OBISPO ang kanilang UTANG NA LOOB sa pamamagitan ng pagbibigay sa KAGUSTUHAN ng EMPERADOR. Sa loob ng mahabang panahong pag-uusap na ngayon ay isinasagawa sa NICEA, ANG EMPERADOR AY ILANG BESES NA NAKIALAM NANG PERSONAL.”

Hindi nagkasya ang EMPERADOR na tumawag lamang ng KONSILYO. Hindi siya nasiyahang hayaan na lamang at ipaubaya sa mga OBISPO ang pag-uusap tungkol sa DOKTRINA na dapat SAMPALATAYANAN at itaguyod ng IGLESIA.  SIYA AY PERSONAL NA NAKIALAM at ang kaniyang pakikialam sa konsilyo ay umabot hanggang sa pagbuo ng aral na dapat pagkaisahan ng mga obispo.  Sinasabi sa aklat ng kasaysayan na:

EERDSMAN’S HANDBOOK TO THE HISTORY OF CHRISTIANITY, p. 134

Salin sa Pilipino:
 
“Ang EMPERADOR MISMO ANG NANGUNA sa napakahalagang pagpupulong, at SIYA ANG NAGPANUKALA ng salitang pagkakaisahan, ito ay ang HOMOUSIOS (salitang Griyego para sa ‘mula sa IISANG ESENSIYA’), UPANG ILARAWAN ANG KAUGNAYAN NI CRISTO SA AMA (bagaman mas malamang na ang nagmungkahi nito sa kaniya ay si HOSIUS ng Cordova, isa sa kaniyang mga tagapayo sa mga bagay na may kinalaman sa IGLESIA).” 

Ang IMINUNGKAHI NI CONSTANTINO na pagkaisahan ng mga OBISPO, bagaman wala naman siyang NAIINTINDIHAN tungkol sa TEOLOHIYANG GRIYEGO, ay ang PORMULA NG DOKTRINA NA NAGPAPAHAYAG NA SI CRISTO AT ANG DIYOS AY MAY IISANG ESENSIYA.  Sa pormulang ito ay malinaw na nais niyang pagkaisahan ng mga obispo ang pagiging DIYOS NI CRISTO:

THE JESUS ESTABLISHMENT, p. 173

Salin sa Pilipino:

“Ito ang nangyari sa NICEA.  Mga anim na linggo pagkatapos ng pagbubukas ng KONSILYO, noong HUNYO 19, 325, iginiit ni EMPERADOR CONSTANTINO na ang LAHAT NG OBISPO na dumalo ay dapat IENDORSO ANG ISANG BAGONG KREDO NA NAGPAPAHAYAG NA SI CRISTO AY DIYOS at kumukondena kay Ario.  SINOMANG HINDI LALAGDA SA DOKUMENTONG ITO AY ITITIWALAG AT IPATATAPON.”

Malinaw na kaya nangibabaw ang aral na si CRISTO AY DIYOS ay hindi dahil sa ito ang tamang aral ng Biblia kundi ito ang IPINILIT ng EMPERADOR at SINOMAN SA MGA OBISPONG DELEGADONG NAROON ANG HINDI SASANG-AYON AY PAPATAWAN NG PARUSANG PAGTITIWALAG AT PAGPAPATAPON.  Hindi naman kataka-takang ang igiit ni CONSTANTINO ang aral na si CRISTO AY DIYOS upang mapanatili niya ang kapayapaan at kaisahan ng kaniyang IMPERYO.  Para sa kanila, kung ang mga EMPERADOR  ROMANO ay NAGPAPAKILALANG DIYOS, lalo namang dapat kilalaning ganoon ang TAGAPAGLIGTAS.  Ganito ang sinasabi sa aklat na:

CHALLENGE OF A LIBERAL FAITH, page 60

Salin sa Pilipino:
ANG KONSILYO AY HINDI MAGKAISA AT PAGKATAPOS NG DALAWANG TAON, SA PAGKAINIP SA PAGKAANTALA, SI EMPERADOR CONSTANTINO AY HUMARAP AT NAGSALITA SA KAPULUNGAN, AT KANIYA SILANG INUTUSAN NA PAGKAISAHAN ANG PAGKA-DIYOS NI CRISTO (paano nga namang maaangkin ng emperador ang pagiging Diyos kung ito ay itatanggi sa Tagapaligtas?).”

Kaya, kahit pa ang DOKTRINA ay LABAG sa BIBLIA, ANG KREDO TUNGKOL SA PAGIGING DIYOS NI CRISTO AY PINAGTIBAY NG KONSILYO AT NAGING OPISYAL NA ARAL NG IGLESIA KATOLIKA:

DISCOURSES ON THE APOSTLE’S CREED, page 206

Salin sa Pilipino:

“Kaya halimbawa, NOON LAMANG 325 A.D. SA KONSILYO NG NICEA NANG IPALIWANAG NG IGLESIA SA ATIN NA ISANG ALITUNTUNIN NG PANANAMPALATAYA NA SI JESUS AY TUNAY NA DIYOS.”

No comments:

Post a Comment