Maliwanag na itinuturo ng BIBLIA na TAO ang LIKAS NA KALAGAYAN ng ating PANGINOONG JESUCRISTO at ang Kaniyang pagiging TAO ay nagpapatunay na hindi Siya Diyos. Ito ang aral na itinuro ng ating PANGINOONG JESUCRISTO (Juan 8:40) at ng Kaniyang mga APOSTOL (Mat. 1:18; I Tim. 2:5; Gawa 2:22; Sant. 5:6, Salin ni Juan P. Trinidad), na siya namang natutuhan at itinaguyod ng mga UNANG CRISTIANO. Subalit dumating ang panahong MAY BUMAGO sa ARAL na ito at GINAWANG DIYOS ang ating PANGINOONG JESUCRISTO. Dahil sa ang aral na si CRISTO ay DIYOS ay hindi naman matatagpuan sa BIBLIA, susuysuyin natin sa mga dahon ng KASAYSAYAN sa labas ng Biblia kung paano ito NABUO at NAGING ARAL ng mga nagpapakilalang “MAINSTREAM CHRISTIANITY” sa pangunguna ng IGLESIA KATOLIKA at mga IGLESIANG PROTESTANTE.
TANONG: Paano
nga ba nabuo ang aral na si Cristo’y tunay na Diyos, gayong hindi naman ito
matatagpuan sa Biblia at hindi ito ang paniniwala ng mga unang Cristiano?
Sino ang ipinakilala ng kasaysayan na unang nagturo ng aral na si Cristo ay
Diyos?
Ganito ang salaysay ng isang MANUNULAT
na KATOLIKO:
SYSTEMATIC
THEOLOGY, page 305
Salin sa Pilipino:
“ANG
KAUNA-UNAHANG PANAHONG NALALAMAN NA SI JESUS AY DINIYOS ay pagkatapos ng
mga manunulat ng Bagong Tipan, SA MGA SULAT NI IGNACIO, SA PASIMULA NG
IKALAWANG SIGLO.”
Hindi dapat na ipagtaka kung pagkatapos ng panahon
ng mga APOSTOL ay MAY LUMITAW NA IBANG ARAL TUNGKOL KAY
CRISTO—na SIYA DIUMANO AY DIYOS—sapagkat
noon pa mang nabubuhay ang mga APOSTOL
ay mayroon nang nangangaral ng IBANG
JESUS na hindi nila ipinangaral at MAY
ILANG KAPATID NA NAAAKIT NA SA GAYONG MGA PANGANGARAL. Ganito ang sinabi
ni Apostol Pablo:
II Cor. 11:3-4 New Pilipino
Version
“NGUNIT
NANGANGAMBA AKO. BAKA MAILAYO KAYO SA INYONG TAPAT AT DALISAY NA
PANANALIG KAY CRISTO, TULAD NI EVA NA NALINLANG NG AHAS. PAGKAT MALUGOD
NINYONG TINATANGGAP ANG SINUMANG DUMATING AT MANGARAL NG JESUS NA IBA SA
JESUS NA IPINANGARAL NAMIN SA INYO, AT TINATANGGAP ANG ESPIRITUNG IBA SA
ITINURO NAMIN SA INYO, AT PINANINIWALAAN ANG EBANGHELYONG IBA SA INIARAL NAMIN
SA INYO.”
Ang ganitong obserbasyon ng mga APOSTOL ay binabanggit din ng ilang mga
MANANALAYSAY SA KASAYSAYAN NG IGLESIA.
Ganito ang nakatala sa:
EERDMAN’S HANDBOOK TO THE HISTORY OF CHRISTIANITY, page 73
Salin sa Pilipino:
“Kung babasahin natin ang sulat ni APOSTOL PABLO sa IGLESIA SA CORINTO, malinaw na MARAMING
SULIRANIN ANG KINAKAHARAP NG IGLESIA
SA MISMONG KALIPUNAN NG KANIYANG MGA KAANIB. Ang ibang mga sulat ni
Pablo ay nagpapakilala rin ng papalagong mga KONTROBERSIYA at PAG-AAGAWAN
ng KAPANGYARIHAN. … Sinubukan
ng ilang mga tao na PAGSAMAHIN ang
mga PANINIWALANG CRISTIANO at DI-CRISTIANO. Sa UNANG
sulat ni JUAN ay binabanggit ang mga
minsan ay KASAMA SA KOMUNIDAD NG MGA
CRISTIANO subalit ngayon ay NANGAHIWALAY. KANILANG
ITINANGGI ANG PAGIGING TOTOONG TAO NI CRISTO.”
Sa panahon pa ng mga APOSTOL ay mayroon nang mga PAGTATANGKANG
BAGUHIN ang ARAL tungkol kay CRISTO SA PAGTATANGGING SIYA AY TAO.
Sila ay tinawag ni APOSTOL JUAN na
mga MAGDARAYA at ANTI-CRISTO:
II Juan 1:7 Magandang
Balita Biblia
“Sapagkat NAGKALAT SA SANLIBUTAN ANG MGA MAGDARAYA—MGA TAONG HINDI NAGPAPAHAYAG
NA SI JESU-CRISTO’Y NAGING TAO. ANG GAYONG MGA TAO AY MAGDARAYA AT
ANTI-CRISTO.”
UNTI-UNTING BINUO
Ang ARAL
tungkol sa IBANG JESUS na hindi
itinuro ng mga APOSTOL ay UNTI-UNTING IPINASOK SA IGLESIA.
- Una ay MAY MGA NAGTURO NG ARAL NA TUMATANGGING TAO SI CRISTO.
- Nang lumaon ay lumitaw ang aral na si CRISTO ay DIYOS sa mga sulat ni IGNACIO pagkamatay ng mga APOSTOL.
Gayunman, ang umuusbong na paniniwalang ito ay HINDI AGAD TINANGGAP NG MGA CRISTIANO NOON gaya nang
mababakas sa tinaglay nilang KAISIPAN
at PANINIWALA:
A HISTORY OF THE CHRISTIAN CHURCH, page
37
Salin sa Pilipino:
“ANG
KARANIWANG CRISTIANISMO… ay kumilos sa higit na mga payak na
kaisipan. GANAP NA TAPAT KAY
CRISTO, KINILALA NITO SIYA, UNANG-UNA BILANG BANAL NA TAGAPAGPAHAYAG NG
KAALAMAN NG TUNAY NA DIYOS AT TAGAPAGHAYAG NG ISANG BAGONG BATAS NG SIMPLE,
MARANGAL AT MAHIGPIT NA MORALIDAD. Ito ang palagay ng mga tinatawag
na ‘APOSTOLIC FATHERS’, maliban kay IGNACIO…”
Sinasabi
rin na:
THE DIVINE TRINITY: A DOGMATIC TREATISE, page 150
Salin sa Pilipino:
“… maging ang DIDACHE, o ang ‘ANG MGA TURO
NG LABINDALAWANG APOSTOL’, na pinakamatandang bantayog pampanitikan ng
kauna-unahang panahong Cristiano sa labas ng Bagong Tipan,… AY HINDI NAGTATAGLAY NG PORMAL NA
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA SA PAGKA-DIYOS NI JESUCRISTO…”
Kaya maging SA
PANAHONG KAMAMATAY pa lamang ng mga APOSTOL
ay hindi tinatanggap ng KARAMIHANG
CRISTIANO ang aral na si CRISTO
ay DIYOS. Ang ganitong
masidhing pagtutol sa MALING ARAL na
ito ay nagpatuloy hanggang sa IKAAPAT NA
SIGLO ayon sa salaysay ng aklat na:
THE PHILOSOPHY OF THE CHURCH FATHERS: Vol.
I, page 306-307
Salin sa Pilipino:
“Ang katotohanan na hanggang noong IKA-APAT NA SIGLO, ay may mga nasa loob
ng CRISTIANISMO na sa kabila ng
pagtanggap sa mga sulat ni Pablo at sa ebanghelyo ni Juan, AY TUMUTUTOL PA RIN SA PAGIGING DIYOS NG CRISTONG EKSISTIDO NA NONG UNA
PA, AY MAGPAPAHIWATIG NA WALANG
MAKUKUHA SA MGA KASULATANG ITO NA MALINAW NA KATIBAYAN NG PANINIWALA SA PANIG
NI PABLO AT JUAN NA ANG CRISTO NA EKSISTIDO NOONG UNA PA AY DIYOS sa
literal na kahulugan ng salita.”
Pagkatapos
na pagkatapos ng panahon ng mga APOSTOL,
hindi tinanggap ng marami ang aral tungkol sa ‘IBANG JESUS’.
- Sa mga tinatawag na ‘APOSTOLIC FATHERS,” mga manunulat sa Iglesia pagkatapos ng mga apostol, tanging si IGNACIO lamang ang nagturo na si CRISTO ay DIYOS.
- Subalit ang aral na ito ay tinutulan hanggang sa IKAAPAT NA SIGLO.
- Ang pagtutol ng marami sa aral na ito ay sa dahilang hindi ito itinuro ng mga APOSTOL at WALANG MABABASANG GANITO SA KANILANG MGA SULAT.
Ang pag-iral ng aral na ito sa IGLESIA at ang PAGKABUO nito
ay UNTI-UNTI, ayon sa patotoo ng
isang PARING KATOLIKO sa kaniyang
aklat:
AT NAGSALITA ANG DIYOS
SA PAMAMGITAN NG KANYANG ANAK, pahina
181
“Ipinahahayag ng ilang dalubhasa
na UTAY-UTAY NA BINALANGKAS NG SIMBAHAN ANG PANANAMPALATAYA SA PAGKA-DIYOS NI JESUS sa impluho ng mga
ibang relihiyon.”
Sinasabi rin ng manunulat na PARING JESUITA na sa unti-unting pagbalangkas ng SIMBAHANG KATOLIKO ng aral na si CRISTO ay DIYOS, sila ay NAIMPLUWENSIYAHAN
ng IBANG MGA RELIHIYON.
KUNG PAANO NAIMPLUWENSIYAHAN
Pagkatapos ng panahon ng mga APOSTOL, ang IGLESIA ay
nakaranas hindi lamang ng PAG-UUSIG
kundi maging ng PAGTULIGSA ng mga PAGANONG RELIHIYON. Ganito ang
patotoo ng kasaysayan:
THE CHURCH IN HISTORY, page
15-16
Salin sa Pilipino:
“TINULIGSA
at INUSIG ng mga PAGANO ang mga CRISTIANO. Nagpakalat sila ng mga bulaang kuwento tungkol sa
mga Cristiano, pinaratangan sila ng mga nakapangingilabot na krimen, at NILABO ANG MGA ARAL NG CRISTIANISMO.
Bilang tugon, ang ilang Cristiano ay sumulat ng mga aklat. Sapagkat sa
mga aklat na iyon ay ipinagsanggalang ng mga manunulat na iyon ang Cristianismo,
sila ay tinawag na mga APOLOGISTS.
ANG APOLOGIST AY ISANG TAO NA
IPINAGSASANGGALANG YAONG PINANINIWALAAN NIYANG KATOTOHANAN.”
Sa pagtuligsa ng mga PAGANO sa mga CRISTIANO,
kasama rito ang PAGPAPALABO SA MGA ARAL
NA KANILANG SINASAMPALATAYANAN. Sinagot naman sila ng mga TAGAPAGTANGGOL NG CRISTIANISMO na kung
tawagin ay mga APOLOGISTS. Ang
ilan sa mga sumulat ng tuligsa laban sa kanila na kanilang sinagot ay mga taong
ang kaisipan ay nakahilig sa PILOSOPIYA.
Ganito ang sinasabi sa kasaysayan:
THE HISTORY OF
CHRISTIAN DOCTRINES, page 43
Salin sa Pilipino:
“Kaalinsabay nito, HINDI NAIWASAN ng CRISTIANISMO na magdanas ng maraming nakasulat na tuligsa ng ilan
sa pinakamatatalinong tao ng panahong iyon, tulad nina LUCIANO, PORPIRIO, at CELSO,
mga lalaking ang isipan ay nakahilig sa PILOSOPIYA,
na nagpukol ng kanilang mga pag-upasala laban sa RELIHIYONG CRISTIANO.”
Sa mga nabanggit na manunuligsa sa mga CRISTIANO, si CELSO ang UMATAKE sa
kanilang PANINIWALA at PANININDIGAN tungkol kay CRISTO. Ang kaniyang MAPANGUTYANG TULIGSA sa kanila ay
nakatuon sa PAGSAMBANG INIUUKOL NILA KAY
CRISTO:
THE FAITH OF MILLIONS, page 98-99
Salin sa Pilipino:
“Kaya, iginigiit ni CELSO, isang MAPANGUTYANG PILOSOPONG PAGANO ng IKATLONG SIGLO na ang mga CRISTIANO
ay walang karapatang tuligsain ang pagkilala sa maraming diyos sa daigdig
ng mga pagano dahil sa ang kanila mismong PAGSAMBA
KAY CRISTO AY POLETEISTIKO. Kaniyang sinabi, ‘ANG MGA CRISTIANO AY WALANG SINASAMBANG DIYOS; wala, ni demonyo, KUNDI ISA LAMANG PATAY NA TAO… Kung
ayaw nilang sumamba sa mga diyos ng pagano’, ang sabi niya, ‘BAKIT HINDI NA LAMANG NILA IUKOL ANG
KANILANG PAMIMINTUHO SA ILAN SA KANILANG MGA PROPETA KAYSA ISANG TAO NA IPINAKO
SA KRUS NG MGA JUDIO?”
PAGKALIPAS PA NG PITUMPUNG TAON NASAGOT ANG
TULIGSA NI CELSO TUNGKOL SA PAGSAMBA NG MGA CRISTIANO KAY CRISTO (The Church in History,
p. 17). Ito ay sinagot ng isang APOLOGIST
ng IGLESIA na si ORIGEN,
isang TEOLOGONG isinilang sa ALEXANDRIA SA EGIPTO at nabuhay noong
huling bahagi ng IKALAWANG SIGLO
HANGGANG SA KALAHATI NG IKATLONG SIGLO, sa sinulat niyang aklat na “AGAINST
CELSUS.” Subalit sa halip na isagot ni ORIGEN ay ang sinabi ni APOSTOL
PABLO na kaya sinasamba ng mga Cristiano si Cristo ay hindi dahil sa Siya
ay Diyos, kundi IPINAG-UTOS NG DIYOS NA
SIYA AY SAMBAHIN (Filipos 2:9-11),
sinabi niyang KARAPAT-DAPAT SAMBAHIN SI
CRISTO SAPAGKAT SIYA RAW AY DIYOS. Nakatala sa kasaysayan ang ganito:
THE CHURCH IN HISTORY, page 99
Salin sa Pilipino:
“Ipinagsanggalang ni ORIGEN, na pinakadakila sa mga UNANG MANUNULAT CRISTIANO, ang mga
Cristiano sa tuligsa ni CELSO.
Ito ay kaniyang ginawa hindi sa pamamagitan ng pagkakaila sa paratang na SILA’Y SUMASAMBA KAY CRISTO, kundi sa
pamamagitan ng pagpapatunay na ANG
TAGAPAGLIGTAS AY KARAPATDAPAT SA GAYONG PAGSAMBA SAPAGKAT SIYA AY DIYOS.”
Ang ipinahayag ni ORIGEN na si CRISTO RAW AY
DIYOS ay LABAG sa turo ng mga APOSTOL at hindi ito ang paniniwala
noon ng mga CRISTIANO sa kaniyang
panahon. Mapapatunayan ito sa pahayag ng isa sa kaniyang mga
kakontemporaryo, si TERTULIANO, na isang AFRICAN LATIN THEOLOGIAN na sumulat ng maraming mga aklat tungkol
sa aral Cristiano (kung kaya’t kinikilala siya bilang isa sa mga CHURCH FATHERS o AMA NG IGLESIA KATOLIKA). Ayon kay TERTULIANO, sa kanilang kapanahunan, IKALAWA HANGGANG SA IKATLONG SIGLO, ang paniniwala ng karamihan
tungkol kay CRISTO ay SIYA AY TAO at HINDI DIYOS Ganito ang ipinapahayag ng tala ng kasaysayan:
CHALLENGE OF A LIBERAL
FAITH, p. 63
Salin sa Pilipino:
“Sinulat ni TERTULLIANO (160-230 A.D.), isa sa mga pinakabantog na AMA NG IGLESIA, na sa kaniyang kapanahunan,
‘ang mga karaniwang tao ay naniniwalang SI
CRISTO AY TAO’.”
Sa mga TALA
ng KASAYSAYAN na ating sinipi ay
makikita na sa panahon pa ng mga APOSTOL
ay mayroon nang umuusbong na paniniwala tungkol kay CRISTO, na iba sa kanilang itinuro. At ito ay nasundan pa PAGKAMATAY ng mga APOSTOL, sa mga pahayag nina IGNACIO
at ORIGEN.
Gayunman, hindi iyon ang
paniniwala ng mga CRISTIANO noon bagkus ang NAMAMALAGING PANINIWALA
NG MGA CRISTIANO hanggang noong panahong iyon ay TAO SI CRISTO.
No comments:
Post a Comment