Tuesday, March 15

ANG PAGPAPLANO NG PAMILYANG IGLESIA NI CRISTO

Ang bawat sambahayang IGLESIA NI CRISTO ay dapat mabuhay nang:


  • BANAL
  • MARANGAL
  • Lumakad nang ayon sa KATUWIRAN
  • Magtalaga sa PAGSAMBA
  • Patuloy sa paglilingkod sa DIYOS
  • Laging gumayak sa pagtanggap ng pangakong KALIGTASAN

Sa gayon ay matatamo nito ang pagkalinga ng Diyos upang ito ay  maging: 


  • MALIGAYA
  • PAYAPA
  • MATATAG at
  • Higit sa lahat, ang bawat kaanib nito ay MALIGTAS PAGDATING NG ARAW NG PAGHUHUKOM.

Malaki ang magagawa ng mga MAGULANG upang makarating sa gayong URI ang kanilang SAMBAHAYAN.  Tumatanggap sila ng mga ARAL at PAYO ng DIYOS sa tuwing sila ay SUMASAMBA na siyang dapat nilang TUPARIN at IPATUPAD sa kanilang SAMBAHAYAN.

 Ang AMA at ang INA ng sambahayan ay dapat MAGKAISA sa kanilang layunin sa PAGTATATAG ng sambahayan at sa PAGPAPALAKI at PANGANGASIWA sa kanilang mga ANAK.  Dapat silang maging mga RESPONSABLENG MAGULANG na ang PANANAW AY NAKATUON, hindi lamang sa kasalukuyan, kundi sa HINAHARAP, at ang hinaharap ay hindi ang makasariling kasiyahan kundi ang KAPAKANAN NG KANILANG MGA ANAK, pati na ang KINABUKASAN ng mga ito.  Ang gayong mga responsableng magulang ay naghahanda para sa kinabukasan ng kanilang sambahayan.  Sila ay NAGPAPLANO NG PAMILYA.

ANG PAGPAPLANO NG PAMILYA

Ang pagpaplano ng pamilya ay ang pagpapasiya ng mga magulang mismo na limitahan ang bilang ng kanilang magiging anak batay sa kakayahan nilang pangkabuhayan at sa kalagayan ng kanilang kalusugan at kung gaano ang magiging agwat ng pagsilang ng mga anak.

TANONG: Ano ang malaking pananagutan sa Diyos ng mga magulang?

I Timoteo 5:8 New Pilipino Version
“SINUMANG HINDI KUMAKALINGA SA KANIYANG mga kamag-anak, lalo na sa SARILING PAMILYA, AY TUMATALIKOD SA PANANAMPALATAYA AT MASAHOL PA SA HINDI MANANAMPALATAYA.”

Bilang mga RESPONSABLENG MAGULANG, pananagutan nila sa DIYOS na KANDILIHIN o KALINGAIN ang kanilang SAMBAHAYAN. Ang pagkalinga sa pamilya ay isa sa mga pananagutan ng mga MAGULANG NA MANANAMPALATAYA.  Tungkulin ng mga magulang na bigyan ng PAGKAIN, DAMIT, at TIRAHAN ang kanilang mga ANAK.  Dapat din nilang tiyaking napapangalagaan ang KALUSUGAN ng kanilang mga anak, nabibigyan sila ng EDUKASYON, at naihahanda ang kanilang KINABUKASAN.

Kaya, kung inaakala nila, batay sa kanilang kakayahang PANGKABUHAYAN, na dapat nilang LIMITAHAN ang ang bilang ng kanilang mga ANAK o kaya’y LAKIHAN ANG PAGITAN ng mga panganganak upang matupad nila ang pagkalingang karapatdapat sa kanilang pamilya, ay nasa kanilang pagpapasiya na ito.

Ipinahihintulot sa mga mag-asawang IGLESIA NI CRISTO ang paggamit ng ARTIPISYAL na paraan ng PAGPAPLANO ng PAMILYA maliban sa ABORSIYON o sa anumang pamamaraan na KASASANGKUTAN NG PAGKITIL SA BUHAY kung mayroon na nito sa sinapupunan ng ina.

Pinapayuhan sila na SUMANGGUNI sa mga DOKTOR o sa mga FAMILY PLANNING CENTERS upang kanilang alamin kung aling pamamaraan ang PINAKA-ANGKOP at PINAKALIGTAS para sa kanila.

KUNG BAKIT KAILANGAN NGAYON ANG PAGPAPLANO NG PAMILYA

Sa isang bansang umuunlad pa lamang tulad ng ating bansa (PILIPINAS) ang NAPAKAMALAKING POPULASYON ay may malaking kinalaman sa KAHIRAPAN at mga suliraning PANGKABUHAYAN.  Gayundin naman sa isang pamilya na MALIIT LAMANG ANG KINIKITA, ang pagkakaroon ng MARAMING ANAK ay may tuwirang kaugnayan sa kahirapang kanilang dinaranas. 

HALIMBAWA:
  • Kung mag-asawa lamang sila at ang KINIKITA nila sa ISANG BUWAN ay ₱ 4,000, samakatuwid ang pinakamalaking mailalaan nila para sa mga pangangailangan sa buhay ng bawat isa sa kanila ay ₱ 2,000.00.
  • KAPAG NAGKA-ANAK SILA NG ISA, maaari na lamang itong bahaginin sa ₱ 1,333.32. 
  • KUNG MAGING DALAWA ANG ANAK NILA ay bababa ito sa ₱ 1,000.00 bawat isa. 
  • KUNG MAGING TATLO ay magiging ₱ 800.00 na lang at paliit pa ito nang paliit habang nadaragdagan ang bilang ng kanilang mga anak.



Ang tinitingnan ng PANGANGASIWA ng IGLESIA NI CRISTO ay hindi lamang ang KAPAKANANG ESPIRITUWAL ng mga kaanib kundi maging ang KAPAKANAN NG KANILANG PAMUMUHAY dito sa mundo.  Nais nilang matulungan sila na makapamuhay nang MAGINHAWA at MARANGAL dito sa lupa, na nagtatamasa ng KALAYAAN at ng mga KARAPATANG PANTAO at higit sa lahat ay MAKAPAGLINGKOD SA DIYOS at sa KAPUWA-TAO.

HINDI LABAG SA ARAL NG BIBLIA ANG PAGSUPIL SA PAGDAMI NG ANAK

Hindi nalalabag ang utos ng Diyos na magpalaanakin at kalatan ang lupa kapag sinupil ang pagdami ng anak.  Kung iniutos man noon sa mga unang tao sila’y magpalaanakin, ay naroon din ang utos na supilin kapag kailangan o dapat na.  Ganito ang nakasulat sa:

Genesis 1:28
“At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at INYONG SUPILIN;…”

Ang katumbas ng salitang “SUPILIN” sa Ingles ay “SUBDUE” na ang kahulugan namang ibinigay ng diksyunaryo ay “TO BRING UNDER CONTROL.”  Kaya ang PAGSUPIL o PAG-CONTROL sa POPULASYON ay hindi labag sa aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia.

KUNG BAKIT IPINAGBABAWAL ANG ABORSIYON

Ang ABORSIYON ay PAGPATAY at ito’y mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos, kaya ito ay ISANG KASALANAN. 

Genesis 9:6 Magandang Balita Biblia
“SINUMANG PUMATAY NG KANYANG KAPWA AY BUHAY ANG BAYAD SA KANYANG GINAWA, SAPAGKAT ANG TAO'Y NILALANG, NILIKHA AYON SA LARAWAN NG DIYOS NA DAKILA.”

Kaya KAPAG MAY BUHAY NANG NASA SINAPUPUNAN NG ISANG INA, iyon  AY HINDI NA MAAARING IPAALIS SAPAGKAT ANG KATUMBAS NOON AY PAGPATAY.  Ang PAGPATAY ay isang KASALANAN at isang KRIMEN.

ANG PAMAMARAAN NG PAGPAPLANO NG PAMILYA NA HINDI IPINAHIHINTULOT

Ang NATURAL FAMILY PLANNING (NFP) na kung minsa’y tinatawag ding RHYTHM METHOD ay HINDI GINAGAMIT NG MGA IGLESIA NI CRISTO.  Hindi lamang sapagkat ito ay NAPATUNAYANG HINDI MABISA at NAGIGING SANHI NG MAGULONG BUHAY MAY-ASAWA sa mahabang panahon ng PAGPIPIGIL, kundi sapagkat ito ay LUMALABAG SA UTOS NG BIBLIA SA MAG-ASAWA.  Ang utos sa mag-asawa ay ganito:

I Corinto 7:4-5 James Mofatt Translation

 Salin sa Pilipino:

 “…hindi magagawa ng isang asawang babae ang anumang kanyang naisin sa kanyang katawan—ang kanyang asawang lalake ang may kapangyarihan, at sa gayon ding paraan, hindi magagawa ng isang asawang lalake, ang anumang kanyang naisin sa kanyang katawan—ang kanyang asawang babae ang may kapangyarihan. HUWAG NINYONG IPAGKAIT ANG PAKIKIPAGTALIK SA ISA’T-ISA, MALIBAN LAMANG KUNG ITO’Y INYONG PINAGKASUNDUAN nang ilang panahon, upang maitalaga ang inyong sarili sa pananalangin.  At kayo’y magsamang muli.  HUWAG NINYONG PAYAGAN NA TUKSUHIN KAYO NI SATANAS SA PAMAMAGITAN NG PAGPIPIGIL.” 

Ang utos na ito ay nalalabag ng RHYTHM METHOD o NATURAL FAMILY PLANNING sapagkat ang pamamaraang iyon ay kinapapalooban ng PAGPIPIGIL ng mag-asawa sa pagtatalik sa mga panahong MAAARING MAGBUNGA NG PAGDADALANG-TAO.

ANG MGA ARTIPISYAL NA PARAAN NG KONTRASEPSIYON

Ipinahihintulot sa mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO ang paggamit ng mga CONTRACEPTIVES subalit ito ay dapat nilang ISANGGUNI sa mga MANGGAGAMOT NA MAY KABATIRAN sa bagay na ito upang matiyak kung alin sa mga contraceptives ang hindi makasasama sa kanilang kalusugan at kung alin sa mga ito ang magagamit nila nang hindi magbubunga ng ABORSIYON.  Hindi ipinahihintulot ang paggamit ng mga pamamaraang kung tawagin ay ABORTIFACIENT na ang ibig sabihin ay NAKAKA-ABORT.

Ang mga ARTIPISYAL na paraan ng KONTRASEPSIYON na maaaring pag-aralang gamitin upang matiyak na hindi nakaa-abort at hindi lumalabag sa tuntuning ibinigay ng Diyos sa mag-asawa ay ang:


  • ORAL CONTRACEPTIVES (PILLS)
  • INTRA-UTERINE DEVICE (IUD)
  • CONDOM
  • IMPLANTS
  • INJECTABLES
  • TUBAL LIGATION
  • VASECTOMY


Kailangang alamin ng mag-asawa kung alin sa mga pamamaraang ito ang aakma sa kanila at hindi makalilikha ng malulubhang SIDE EFFECTS sa kanilang katawan.  Kaya, MAHIGPIT NA ITINATAGUBILIN NA SUMANGGUNI MUNA SA MANGGAGAMOT BAGO GAMITIN ANG ALINMAN SA PAMAMARAAN ITO.

ANG PAMILYANG MAY PAGPAPALA NG DIYOS

Ang pamilyang Iglesia ni Cristo na MAPAYAPA, MALIGAYA MATATAG, at MAY TAKOT SA DIYOS ay NAKALULUGOD SA PANGINOON at MALAPIT SA KANIYANG MGA PAGPAPALA.  Sapagkat sinasabi ng kasulatan:

Awit 128:1-2
“MAPALAD ANG BAWA'T ISA NA NATATAKOT SA PANGINOON, NA LUMALAKAD SA KANIYANG MGA DAAN.  SAPAGKA'T IYONG KAKANIN ANG GAWA NG IYONG MGA KAMAY: MAGIGING MAGINHAWA KA, AT IKABUBUTI MO.”

Napakagandang kapaligiran ang ganitong tahanan para sa paglaki ng mga anak sapagkat magiging magaan ang pag-akay sa kanila sa isang matuwid at banal na pamumuhay.  ANG GANITONG TAHANAN AY ISANG MATIBAY NA KANLUNGAN, ISANG SILUNGAN SA MATITINDING SULIRANIN AT KALIGALIGAN SA BUHAY NA ITO.






Tuesday, February 2

PAGSUSURI SA MALING ARAL NG MCGI O ADD



AYON MISMO SA KANILA “ANG AMA LAMANG ANG MAY ARI AT NAGTATAG NG IGLESIA AT HINDI SI CRISTO”

Ating pag-aralan ang ISANG MALING PANINIWALA ng mga tinatawag na MCGI (MEMBERS CHURCH OF GAY INTERNATIONAL) o kilala sa tawag na ADD (ANG DYOKLANG DAAN).

Ang kanilang MALING ARAL ukol dito ay:

  • WALA RAW PAG-AARI SI CRISTO. Bakit? Sapagkat ang AMA lamang daw ang NAGTAYO at MAY-ARI ng IGLESIA.


TANONG: Ayon sa Biblia, paano matatamo ng tao ang kaligtasan at kaninong pangalan lamang ito ibinigay?

Gawa 4:10-12 Magandang Balita Biblia
“Talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito'y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni JESUCRISTONG TAGA-NAZARET.  Siya'y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos. Ang Jesus na ito 'Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.' KAY JESU-CRISTO LAMANG MATATAGPUAN ANG KALIGTASAN, SAPAGKAT SA SILONG NG LANGIT, ANG KANYANG PANGALAN LAMANG ANG IBINIGAY NG DIYOS SA IKALILIGTAS NG TAO."

Walang ibang pangalan na ibinigay sa mga tao para sa kaligtasan. Kaninong pangalan ito? Ang pangalan ng ating PANGINOONG JESUCRISTO. Sino ang nagbigay? Ang DIYOS.

TANONG: Ano ang karapatang ipinagkaloob ng Diyos kay Cristo? Tunghayan natin ang pahayag ni Apostol Pablo:

Filipos 2:9-11
“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at SIYA'Y BINIGYAN NG PANGALANG LALO SA LAHAT NG PANGALAN; UPANG SA PANGALAN NI JESUS AY ILUHOD ANG LAHAT NG TUHOD, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, SA IKALULUWALHATI NG DIOS AMA.”

Ang DIOS ang nagbigay ng PANGALAN kay JESUS. Sa anong layunin? Upang magkaroon ng karapatan sa lahat ng bagay upang ang lahat ng nilalang ay mapasailalim at sumamba sa Kaniya.

TANONG: Anong pangalan naman itong ipinagkaloob kay Jesus na siyang ibinigay sa mga tao sa ikaliligtas? Ganito ang pahayag ni Apostol Pedro:

Gawa 2:36
“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”

Maliwanag ang sagot ng BIBLIA ang pangalang CRISTO na ipinagkaloob ng DIOS kay JESUS sa ikaliligtas ng tao.

TANONG: May karapatan at kapangyarihan ba sa Cristo sa pangalang ibinigay sa Kanya ng Diyos.? Naritong muli ang sagot ni Apostol Pablo:

Efeso 1:20-22
"NA KANIYANG GINAWA KAY CRISTO, NANG ITO'Y KANIYANG BUHAYING MAGULI SA MGA PATAY, AT PINAUPO SA KANIYANG KANAN SA SANGKALANGITAN,  SA KAIBAIBABAWAN NG LAHAT NA PAMUNUAN, AT KAPAMAHALAAN, AT KAPANGYARIHAN, AT PAGKASAKOP, AT SA BAWA'T PANGALAN NA IPINANGUNGUSAP, HINDI LAMANG SA SANGLIBUTANG ITO, KUNDI NAMAN SA DARATING:  AT ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY PINASUKO NIYA SA ILALIM NG KANIYANG MGA PAA, AT SIYANG PINAGKALOOBANG MAGING PANGULO NG LAHAT NG MGA BAGAY SA IGLESIA,"

Ang DIOS ang nagkaloob kay JESUS ng KARAPATAN at KAPANGYARIHAN. Sa lahat ng bagay at sa pamamagitan ng Kaniyang pangalang "CRISTO" na ipinagkaloob ay ang IKALILIGTAS ng tao.

TANONG: Ano ang paraang itinuro ni Cristo sa ikaliligtas ng tao?

John 10:9  New English Bible
"I am the door, anyone who comes into the FOLD through me shall be safe."

Salin sa Pilipino:

Juan 10:9  New English Bible
"Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas"

Ang mga pumasok kay Cristo ay kabilang sa KAWAN ng mga tupa Niya.

TANONG: Alin ang kawan na tinutukoy ni Cristo na dapat pasukan ng tao upang maligtas?

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Salin sa Pilipino:

Gawa 20:28 George M. Lamsa Translation
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Malinaw kung gayun ang ikaliligtas ng tao ay sa pamamagaitan ng pagpasok kay Cristo o pag-anib sa IGLESIA NI CRISTO. Mula sa ating pag-aaral kanina ibiinigay kay Cristo ang KARAPATAN sa kaligtasan ng tao sa Kanyang pangalan.

TANONG: Ano ang ginawa ni Cristo para mailigtas ang tao?

Mateo 16:18
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Pansinin ang SINGULAR WORD na “IGLESIA o CHURCH" at ang PERSONAL PRONOUN na "AKING o MY". Kaya ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay “AKING IGLESIA” o “MY CHURCH.”

TANONG: Ano ang dahilan at bakit ang banggit ni Cristo ay AKING IGLESIA sa Iglesia na itinatag Niya?

Colosas 1:18
"AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SAMAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA."

TANONG: Gaano ba kahalaga ang Iglesia na pinangunguluhan ni Cristo o ang IGLESIA NI CRISTO?

Efeso 5:23
"Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO ."

Kaya malinaw na isinunod nga sa pangalan ni CRISTO ang IGLESIA  na ito ay ang IGLESIA NI CRISTO sapagkat dito ang tao ay maliligtas.

Madalas nilang ikatuwiran ang ganito:

  • Bakit maraming talata na mababasa sa BIBLIA na IGLESIA NG DIOS?


Madalas banggitin ni APOSTOL PABLO ang IGLESIA NG DIYOS sa mga GENTIL na naging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Bakit madalas gamitin ni Apostol Pablo ang IGLESIA NG DIOS sa mga kausap niyang mga GENTIL?

Efeso 2:12
"NOONG PANAHONG IYON, HIWALAY KAYO KAY CRISTO, HINDI KABILANG SA BAYANG ISRAEL, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo na walang pag-asa AT WALANG DIYOS ."

Ang mga GENTIL  ay hiwalay kay Cristo at hindi kabilang sa BAYAN NG DIYOS ang ISRAEL kaya sila ay WALANG DIYOS.


TANONG: Bakit sinabi ni Apostol Pablo na ang mga Gentil ay walang Diyos?

Roma 9:24-25
"TAYO ANG MGA TAONG IYON NA TINAWAG NIYA hindi lamang mula sa mga Judio subalit MULA RIN SA MGA HENTIL. Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, "ANG DATING HINDI KO BAYAN AY TATAWAGING 'BAYAN KO,' at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging 'Mahal ko."

TANONG: Ano pa ang kalagayan noon ng mga Gentil ng hindi pa natatawag sa loob ng IGLESIA NI CRISTO?

1 Tesalonica 4:5
“Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng MGA GENTIL NA HINDI NANGAKAKAKILALA SA DIOS.”

Ito  ang dahilan kung bakit madalas banggitin ni Apostol Pablo ang IGLESIA NG DIYOS sa IGLESIA para malaman nila na ang Iglesiang iyon ay MAY DIYOS at ang mga natawag na mga GENTIL sila ngayon ay sa DIYOS na.


TANONG: Nangangahulugan ba na iba pa ang Iglesia Ng Dios sa Iglesia Ni Cristo?

Juan 16:15
"ANG LAHAT NG SA AMA AY SA AKIN , kaya ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo."

Ang IGLESIA NG DIYOS ay kay CRISTO, ang IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS.

Juan 17:9-10
"IDINADALANGIN KO SILA; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ANG LAHAT NG IBINIGAY MO SA AKIN, SAPAGKAT SILA'Y SA IYO. ANG LAHAT NG SA AKIN AY SA IYO, AT ANG LAHAT NG SA IYO AY SA AKIN ; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila."

Ang IGLESIA na itinatag ni CRISTO ay sa DIYOS kaya walang problema kung tinawag ang Iglesia na "IGLESIA NG DIYOS" pero hindi ito ang OPISYAL na PANGALAN ng Iglesia dahil ito ay isang ADJECTIVE lamang o dine-describe lang na ang IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS.

Mga KAPUWET bili na kayo ng UKAY-UKAY ni KINGKONG
Kaya ang aral na ang DIOS LAMANG ang may ARI o NAGTAYO ng IGLESIA ay isang MALING DOKTRINA. Kung ganyan din naman ang kanilang aral na pinaniwalaan na hindi iyon kay Cristo ay sana ang pangalan ng relihiyon nila ay ganito dapat:

“MEMBERS CHURCH OF THE FATHER INTERNATIONAL”

Bakit? Sapagkat DIOS din sa kanila si CRISTO kaya ang ganitong mga paniniwala ay di naayon sa BIBLIA.