Sinasabi
ng iba:
“Bakit
sinasabi ninyong mga IGLESIA NI CRISTO ang
itinatag ng Panginoong Jesucristo sa Mateo 16:18? Nakasulat ba sa talatang ito
na IGLESIA NI CRISTO ang itinatag ni Cristo?”
Ito ang malimit itanong ng
mga MINIMISYON o HINIHIKAYAT na umanib sa Iglesia Ni Cristo, lalo pa nga at sila ay
nagbabasa rin ng Biblia. Mabuti ay basahin muna natin ang nakasulat sa;
Mateo 16:18 Magandang
Balita Biblia
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at SA IBABAW NG BATONG
ITO ay ITATAYO KO ANG AKING
IGLESYA…”
Basahin pa natin sa
Bibliang Ingles para maliwanag.
Matthew 16:18 New King James
Version
“And I also say to you that you are Peter, and ON THIS ROCK I WILL BUILD MY
CHURCH…”
Ang sabi ni Cristo “ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA”. Kay CRISTO
ang IGLESYA, kaya sinabi Niya na “AKING IGLESYA o MY CHURCH,” Siya ang may-ari nito.
Kung gayon, hindi na dapat
hanapin pa ng sinuman na sabihin pa ni Cristo na: “ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA NI CRISTO.”
TANONG: Ayon kay APOSTOL PEDRO na siyang kausap ng PANGINOONG JESUCRISTO sa nabanggit na talata, sino ang BATONG SALIGAN o PINAGTAYUAN ng IGLESIA?
Gawa 4:11 Magandang
Balita Biblia
“ANG JESUS NA ITO 'ANG BATOng itinakwil
ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang SIYANG
NAGING BATONG PANULUKAN.”
Sino ang BATONG SALIGAN o PINAGTAYUAN ng IGLESIA?
Ang PANGINOONG JESUCRISTO mismo. Maliwanag na katotohanan ito na itinuro ni APOSTOL PEDRO na puspos ng ESPIRITU SANTO.
Gawa 4:8 Magandang
Balita Biblia
“Sumagot SI PEDRO, NA PUSPOS NG ESPIRITU SANTO:
"Mga pinuno, at matatanda ng bayan,”
Kaya marapat lamang na IGLESIA
NI CRISTO ang PROPER
NAME ng TUNAY na IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO.
Si APOSTOL PABLO na isang marunong na tao at may PATNUBAY NG DIYOS ay walang atubiling nagtagubilin sa mga kaanib sa
unang IGLESIA.
Roma 16:16 New
Pilipino Version
“Magbatian
kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”
Narito pa
isa sa itinatanong ng marami:
“Hindi ba si CRISTO na lamang ang dapat pahalagahan at hindi na ang IGLESIA dahil sa Siya naman ang TAGAPAGLIGTAS at hindi ang
Iglesia?”
SAGOT: PAREHONG
MAHALAGA ang PANGINOONG JESUCRISTO
at ang TUNAY NA IGLESIA.
TANONG: Paano ipinakita
ni CRISTO ang KAHALAGAHAN ng IGLESIANG
ITINAYO NIYA?
Mateo 16:18 Magandang
Balita Biblia
“At sinasabi
ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang
aking iglesya, at HINDI MAKAPANANAIG SA
KANYA KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN.”
Ang Iglesiang itinayo ni
Cristo ay HINDI PANANAIGAN KAHIT NG
KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN. Kaya napakahalaga ng IGLESIA NI CRISTO? Bakit sinabi ni Cristo na ang Kaniyang IGLESIA ay HINDI PANANAIGAN NG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN?
TANONG: Alamin muna natin, ano ba ang nangyari sa
tao at bakit ba nakararanas ng kamatayan o pagkalagot ng hininga ang tao?
Roma 3:23 Magandang
Balita Biblia
“Sapagkat ANG LAHAT AY NAGKASALA AT WALANG SINUMANG
KARAPAT-DAPAT SA PANINGIN NG DIYOS.”
Mula nang ang tao ay MAGKASALA, ang tao ay HINDI NA NAGING KARAPAT-DAPAT SA PANINGIN
NG DIYOS.
TANONG: Ano ang ibinunga ng kasalanang nagawa ng tao
sa harap ng Diyos?
Colosas 1:21 Magandang
Balita Biblia
“Dati, KAYO'Y MALAYO SA DIYOS AT NAGING KAAWAY
NIYA DAHIL SA INYONG KASAMAAN.”
Ang
sabi ni APOSTOL PABLO ang TAONG NAGKASALA ay NALAYO at naging KAAWAY
ng DIYOS.
TANONG: Ano pa ang mabigat na naging kalagayan ng taong nagkasala?
Roma 6:23
“Sapagka't ANG
KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad
ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”
Ayon
mismo kay APOSTOL PABLO - ANG TAONG NAGKASALA AY TINAKDAAN NG KAMATAYAN BILANG KABAYARAN SA KANIYANG NAGAWANG KASALANAN. Kamatayan ba na pagkalagot
ng hinga ang ganap na kabayaran ng kasalanan? Hindi. Bakit? Sapagkat sa Biblia
may tinutukoy pang IKALAWANG KAMATAYAN.
TANONG: Aling kamatayan
ang ganap na kabayaran ng kasalanan?
Apocalipsis 21:8
“Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya,
at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa
mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga
sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa DAGATDAGATANG
NAGNININGAS SA APOY AT ASUPRE; NA SIYANG IKALAWANG KAMATAYAN.”
Ito
ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGAT-DAGATANG APOY ang pagpaparusa sa
mga taong makasalanan. Kita ninyong bigat ang naging kalagayan ng taong
nagkasala.
Paano
ngayon makakaligtas ang tao sa nakalaang parusa sa DAGAT-DAGATANG APOY dahil LAHAT
NG TAO ay NAGKASALA.
TANONG: Ano ang
kailangang gawin upang huwag mapanaigan ng ikalawang kamatayan o huwag makasama
sa mga ibubulid sa dagat-dagatang apoy?
Efeso 2:15
“Na INALIS
ANG PAGKAKAALIT sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga
batas at ang palatuntunan; upang SA
DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO, sa ganito'y GINAGAWA ANG KAPAYAPAAN;”
KAILANGAN MUNANG MAALIS ANG
TAO sa pagiging KAAWAY NG DIYOS. Paano ito maisasakatuparan? Kailangan munang MALALANG ang ISANG TAONG BAGO na kinaroroonan ng KAPAYAPAAN sa DIYOS at sa TAO.
TANONG: Sino ang tinutukoy ni APOSTOL PABLO na mula sa DALAWA
ay nalalang ang ISANG TAONG BAGO?
Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO ng KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”
Ayon na rin kay Apostol
Pablo ang DALAWA na naging ISANG TAONG BAGO ay si CRISTO at ang Kaniyang KATAWAN o IGLESIA.
TANONG: Gaano ba kahalaga ang IGLESIA?
Efeso 5:23 Magandang
Balita Biblia
“Sapagkat ang
lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad
ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA
KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.”
Mahalaga si CRISTO bilang TAGAPAGLIGTAS. Mahalaga rin ang IGLESIA na KATAWAN Niya,
sapagkat ito ang KANIYANG ILILIGTAS. Mali
ang pagkaunawa ng iba na IGLESIA daw
ang magliligtas, ang KATOTOHANANG
nakasulat sa Biblia ay ang IGLESIA
ang ILILIGTAS ni CRISTO.
Kung wala ang tao sa IGLESIA
NI CRISTO kahit pa sinasabi niyang pinahahalagahan niya si CRISTO at ayaw pahalagahan ang IGLESIA ay WALA PA RING KABULUHAN ang kaniyang sinasabi sapagkat HINDI NAMAN SIYA MALILIGTAS.
Kaya mali ang PANINIWALA ng iba´t ibang sektang PROTESTANTE na sinasabing hindi
mahalaga ang IGLESIA ang mahalaga
daw ay tanggapin mo si CRISTO BILANG
TAGAPAGLIGTAS hindi na raw kailangan pang umanib sa Iglesia. Ang sinasabi
nilang ito ang walang halaga dahil SI
CRISTO MISMO ANG UNANG NAGPAHALAGA SA IGLESIA.
TANONG: Gaano ba KATINDI ang PAGPAPAHALAGA
at PAGMAMAHAL ang iniukol ni Cristo
sa Iglesia?
Efeso 5:25 Magandang
Balita Biblia
“Mga lalaki,
ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, GAYA
NG PAG-IBIG NI CRISTO SA IGLESYA.
INIHANDOG NIYA ANG KANYANG BUHAY
PARA RITO.”
Napakahalaga ng IGLESIA para kay CRISTO ito ay Kaniyang INIBIG.
Upang ipakita Niya ang pag-ibig sa IGLESIA
- INIHANDOG NIYA ANG KANIYANG BUHAY PARA
SA IGLESIA.
Si Cristo namatay para sa IGLESIA, ang iba na AYAW o TUMATANGGI sa IGLESIA ay
hindi sila maliligtas.
Sinasabi
naman ng iba na:
Ang IGLESIA ay ang mga tao na nasa IBA’T IBANG PANGKATIN NG PANANAMPALATAYA
o DENOMINASYON na sumasampalataya
kay Cristo. Hindi raw ito isang organisasyon lamang.
Ang ganitong pangangatuwiran
ay SALUNGAT sa sinabi ni APOSTOL PABLO.
Roma 12:4-5
“Sapagka't
kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang
lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, AT MGA SANGKAP
NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.”
Sa
saling Ingles mas maliwanag ang pagkakasabi.
Romans 12:4-5 New King James
Version
“For as WE
HAVE MANY MEMBERS
IN ONE BODY, but all the MEMBERS do not have
the same function, SO WE, BEING MANY,
ARE ONE BODY IN CHRIST, and INDIVIDUALLY
MEMBERS OF ONE
ANOTHER.”
Hindi
sinabi ni Apostol Pablo na MAGKANIYA-KANIYA
na ang lahat o kaya ay HIWA-HIWALAY
na GRUPO o ORGANISASYON. Ang itinuro ni Apostol Pablo na bagamat marami
ang SANGKAP o MIYEMBRO ay SAMA-SAMA sa
IISANG KATAWAN o ISANG IGLESIA lamang.
Kaya ISANG ORGANISASYON o ISANG IGLESIA NI CRISTO lamang.
Ganito
naman ang sinasabi ng iba:
Tagapagligtas
si Cristo kaya dapat iligtas Niya ang lahat ng tao at hindi ang nasa IGLESIA
NI CRISTO lamang. May batas ang Diyos na ANG BAWAT TAO AY MANANAGOT O PAPATAYIN DAHIL
SA KANIYANG SARILING KASALANAN. Iyan daw
ay mababasa sa Deutronomio
24:16
Basahin natin ang kanilang
ginagamit na talata.
Deuteronomio 24:16
“Hindi
papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin
dahil sa mga magulang; BAWA'T TAO'Y
PAPATAYIN DAHIL SA KANIYANG SARILING KASALANAN.”
Upang mapanagutan ni CRISTO ang kasalanan ng tao na hindi
malalabag ang BATAS NG DIYOS ay
ginawa Niyang KATAWAN Niya ang mga
taong Kaniyang ililigtas.
Efeso 5:23 at 25 Magandang
Balita Biblia
“Sapagkat ang
lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad
ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA
KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO. Mga lalaki, ibigin ninyo ang
inyu-inyong asawa, GAYA NG PAG-IBIG NI
CRISTO SA IGLESYA. INIHANDOG NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA RITO.”
ULO si CRISTO para MANAGOT sa KATAWAN o IGLESIA Niya. Ang IGLESIA ang Kaniyang PANANAGUTAN
o ILILIGTAS. Sa harap ng PANGINOONG DIYOS, si CRISTO at ang IGLESIANG KATAWAN NIYA ay ISANG
TAO na lamang—ISANG TAONG BAGO.
Efeso 2:15
“Na inalis
ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga
batas at ang palatuntunan; upang SA
DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO, sa ganito'y
ginagawa ang kapayapaan;”
Kaya HINDI LABAG SA BATAS NG DIYOS kung panagutan man ni CRISTO ang kasalanan ng mga taong nasa
Kaniyang IGLESIA. Samantala,
kung ililigtas naman Niya ang WALA
sa Kaniyang IGLESIA ay MALALABAG ang batas ng Diyos.
Upang ipakita ni Apostol
Pablo ang halaga ng Iglesia Ni Cristo, itinuro niya ang ganito.
Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all
the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed
the CHURCH OF CHRIST WHICH
HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.”
Sa Filipino:
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili
at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga
katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”
Ang IGLESIA NI CRISTO ang BINILI
o TINUBOS NG DUGO ng ating PANGINOONG JESUCRISTO. Kaya TIYAK
na ito ang ILILIGTAS ng ating PANGINOONG JESUCRISTO.
Hindi dapat MAGBAKASAKALI sa KALIGTASAN. Tunay na ito ay napakahalaga hindi ito IPINAKIKI-PAGSAPALARAN
lamang. TIYAK ANG TAGAPAGLIGTAS.
TIYAK DIN ANG ILILIGTAS ayon kay APOSTOL PABLO sila ang mga NAPAWALANG SALA pamamagitan ng DUGO ni CRISTO.
Roma 5:9 Magandang
Balita Biblia
“At NGAYONG NAPAWALANG-SALA NA TAYO SA PAMAMAGITAN NG KANYANG DUGO, LALO
NANG TIYAK NA MALILIGTAS
TAYO SA POOT NG DIYOS sa pamamagitan niya.”
Sino ang napawalang sala o
napatawad na sa pamamagitan ng pagtubos ng dugo ni Cristo? Ang sabi ni Apostol
Pablo kanina ang IGLESIA NI CRISTO ANG
BINILI O TINUBOS NG DUGO NI CRISTO.
Kung
gayon ang sinumang nagnanais na maligtas ay kailangang sundin ang itinuro ng
ating PANGINOONG JESUCRISTO na TAGAPAGLIGTAS.
John 10:9 Revised English
Bible
“I AM THE DOOR;
ANYONE COMES INTO THE FOLD
THROUGH ME WILL BE SAFE.”
Salin sa Filipino:
Juan 10:9
“AKO ANG
PINTUAN; SINUMANG PUMASOK SA KAWAN
SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”
Ang KAWAN na dapat KAPALOOBAN o PASUKAN
ng mga nais maligtas ay ang IGLESIA NI CRISTO.
Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all
the FLOCK over which the Holy Spirit
has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which
he has purchased with his blood.”
Sa Filipino:
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili
at ang buong KAWAN na rito’y
hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin
ang IGLESIA NI CRISTO NA
BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”
ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT
KAILANGAN NG TAO ANG PAG-ANIB SA IGLESIA
NI CRISTO UPANG MAGTAMO NG KALIGTASAN.
No comments:
Post a Comment