Tuesday, April 26

ANO BA ANG BANAL NA HALIK SA ROMA 16:16?

Ang mga kaanib sa samahang MCGI (MEMBERS CHURCH OF GAY INTERNATIONAL) o ADD (ANG DYOKLANG DAAN) ay may paboritong tuligsa sa IGLESIA NI CRISTO, ito ay ang tungkol sa BANAL NA HALIK.

Ang BANAL NA HALIK na tinutukoy ni APOSTOL PABLO sa kaniyang SULAT sa mga TAGA-ROMA ay ang ISANG URI NG PAGBABATIAN na umiiral noon nung panahon nila. Isang pagbati sa pamamagitan ng PAGHALIK na isang URI NG PAGBATI, na KAUGALIAN noon sa bansang ISRAEL at maging sa mga nakapaligid na bansa.

At pinatutunayan ito maging ng mga nagsipagsuri  ng BIBLIA o BIBLE SCHOLARS ng kahulugan ng nasabing “BANAL NA HALIK”.

WYCLIFFE BIBLE COMMENTARY, page 1225
“WHATEVER IN MODERN CULTURE IS SYMBOLIC OF THE DEEP AFFECTION CHRISTIANS OUGHT TO FEEL TOWARD EACH OTHER – A KISS ON THE CHEEK, A WARM HANDSHAKE, A GRASPING IN BOTH HANDS, ETC. – IS THE EQUIVALENT OF THE APOSTOLIC COMMAND.”

Salin sa Filipino:

“ANOMANG MAKABAGONG KULTURA NA LUMALARAWAN SA MALALIM NA DAMDAMIN NA DAPAT MADAMA NG MGA CRISTIANO SA ISA’T-ISA – ISANG HALIK SA PISNGI, ISANG MAINIT NA PIKIKIPAGKAMAY, AT PAGHAHAWAK NG DALAWANG KAMAY, AT IBA PA – ITO ANG KATUMBAS NG INIUTOS NG MGA APOSTOL.”

Sa paliwanag ng mga taga ADD, hindi raw PISIKAL NA PAGBATI ang BANAL NA HALIK, dahil paano raw mangyayari na makapaghalikan sila samantalang ang bumabati daw ay nasa JERUSALEM at ang binabati ay nasa ROMA. Malayo daw ang pinaggagalingan ng pagbati, kaya daw HINDI LITERAL na PAGHALIK ang tinutukoy sa talata. At para masuportahan ang kanilang paliwanag ay gumagamit sila ng talata. Hindi naman nakapagtataka dahil si SATANAS man ay gumamit din ng TALATA ng BIBLIA ng TUKSUHIN si CRISTO. Ganyan din ang TAKTIKA ng mga ADD para MAKAPANDAYA sa mga tao.

Awit 85:10 
“ Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; KATUWIRAN at KAPAYAPAAN ay NAGHALIKAN.”

Ito raw ang BANAL NA HALIK, ang paghahalikan ng KATUWIRAN at KAPAYAPAAN.

Ang mahalagang tanong sa kanila ay ganito lalo na sa pinuno nila na PUGANTENG MANGANGARAL at PATUNG-PATONG na KASO na kinakaharap:

TANONG: Doon ba sa Roma 16:16 ang inuutusan ba doon na magbatian ng BANAL NA HALIK ay ang KATUWIRAN at KAPAYAPAAN o ang mga TAO?

Kaya napakalabo na maiugnay ang AWIT 85:10 sa Roma 16:16. Dahil MGA TAO ang INUUTUSAN doon na MAGHALIKAN.

Puntahan natin ang Roma 16:16:

Roma 16:16
“MANGAGBATIAN KAYO NG BANAL NA HALIK. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.”

Kapansin-pansin sa TALATA na ang INUUTUSAN lamang na MAGBATIAN ng BANAL NA HALIK ay iyong mga TAGA ROMA, hindi sinabi ni Apostol Pablo na:

“MANGAGBATIAN TAYONG LAHAT NG BANAL NA HALIK, BINABATI KAYO NG BANAL NA HALIK ng lahat ng mga Iglesia ni Cristo.”

Ganiyan ba sabi? Hindi naman ganiyan ang sinabi, hindi ba?

Maliwanag na ang pagbabatian ng BANAL NA HALIK na inuutos ni Pablo ay para doon lamang sa mga TAGA ROMA dahil doon lang nila magagawa iyon, dahil magkakalapit at magkakasama sila. ANG PAGBATI NG LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO, AY SA IPINAABOT LAMANG SA KANILA SA PAMAMAGITAN NG SULAT – hindi IYON BANAL NA HALIK.

Basahin natin ang sulat naman niya sa mga taga Corinto:

1 Corinto 16:19
“Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.”

1 Corinto 16:20
“Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. KAYO'Y MANGAGBATIAN NG HALIK NA BANAL.”

1 Corinto 16:21
“ANG BATI KO, NI PABLO NA SINULAT NG AKING SARILING KAMAY.”

Napansin ba ninyo? Halatang-halata ang mga taga ADD sa MALI NILANG PAGKAUNAWA na hindi PISIKAL o AKTUWAL na PAGBATI sa pamamagitan ng PAGHALIK ang tinutukoy ni PABLO, sa talatang ito muli na naman niyang INIUTOS ito pero doon lamang sa mga TAGA CORINTO – sila lang ang MAGBABATIAN NG BANAL NA HALIK, dahil kasi nga sila ang magkakalapit kaya magagawa nila ang AKTUWAL NA PAGBATI sa ISA’T-ISA, ang PAGBATI NI PABLO ay ipinaabot lamang niya sa pamamagitan ng SULAT at HINDI BANAL NA HALIK IYON, dahil hindi magagawa ni PABLO na batiin sila ng AKTUWAL na BANAL NA HALIK dahil malayo siya.

Ang BANAL NA HALIK ay KATUMBAS ng anomang uri (Paghalik sa Pisngi, Pakikipagkamay, Pagyakap, at iba pa) ng PISIKAL na PAGBATI na ginagawa ng mga Cristiano sa isa't-isa bilang pagpapakita ng malalim nilang pagmamahal at damdamin sa isa't-isa.

Kawawa ang mga taong maaakit ng samahang ADD dahil kulang sila sa mga pagsusuri sa Biblia. Kung sabagay bawal sa ADD ang MATALINO at TUNAY na LALAKE.


No comments:

Post a Comment