Tuesday, March 7

"ANG DATING DAAN" NAKASULAT BA SA BIBLIA?


TANONG: Meron ba tayong mababasa sa BIBLIA na ANG DATING DAAN?

SAGOT: Meron. Kaya lang ganito ang sinasabi.

Job 22:15
“Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na NILAKARAN NG MASAMANG TAO?”

Iyon palang ANG DATING DAAN ay NILAKARAN ng MASASAMANG TAO. Maliwanag iyan.

TANONG: Ang MASAMA ba ay maaaring magbunga ng MABUTI?

Mateo 7:17-18
“Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ANG MASAMANG PUNONG KAHOY AY NAGBUBUNGA NG MASAMA. Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.”

Maliwanag na sinabi ng BIBLIA na ANG DATING DAAN ay NILALAKARAN ng MASASAMANG TAO. Therefore, NAGKAMALI ang ADD sa paggamit nito.

Pero ang PALUSOT ng mga ADD ay ganito, si ELIPHAZ na TEMANITA daw ang nagsasalita doon kaya NAGKAMALI daw si Eliphaz.

Kaya alamin natin, NAGKAMALI nga ba si ELIPHAZ ng sabihin niyang;

"Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na NILAKARAN NG MGA MASAMANG TAO?"

Ang PALUSOT ng ADD si ELIPHAZ daw ang nagsasalita kaya hindi maaaring paniwalaan.

Puntahan natin ang kanilang PALUSOT sa Job 42:7 na ganito ang sinasabi:

Job 42:7
SINABI NG PANGINOON kay ELIPHAZ na TEMANITA: ANG AKING POOT AY NAGAALAB LABAN SA IYO, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't HINDI KAYO NANGAGSALITA TUNGKOL SA AKIN NG BAGAY NA MATUWID, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.”

NAPOOT daw ang Diyos kay ELIPHAZ dahil sinabi ni ELIPHAZ na NILALAKARAN DAW NG MASAMANG TAO ANG ANG DATING DAAN.

Pero batay sa ating nabasa ay WALA NAMAN SINABING GANON.

TANONG: Bakit napoot ang Diyos kay Eliphaz?

SAGOT: Ayon sa talatang ating binasa, HINDI SILA NAGSALITA NG TUNGKOL SA DIYOS NG MATUWID AT PINAGBINTANGAN PA NILA SI JOB NA KAYA DAW SIYA PINARURUSAHAN AY DAHIL SIYA AY MAKASALANAN.

TANONG: Iyon bang sinabi ba si Eliphaz sa Job 22:15 ay MALI?

SAGOT: Hindi. Dahil kung titingnan natin ang mga sinabi ni Eliphaz ay ganito.

Job 22:12 at 21-23 at 25 at 27

Job 22:12
“Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit?  At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!”

Job 22:21
“Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: Anopa't ang mabuti ay darating sa iyo.”

Job 22:22
“Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, At ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.”

Job 22:23
“Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; Kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.”

Job 22:25
“At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, At mahalagang pilak sa iyo.”

Job 22:27
“Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: At iyong babayaran ang iyong mga panata.”

May MALI ba sa mga sinabi ni Eliphaz? WALA.

Kaya noong sabihin ni ELIPHAZ na MASASAMANG TAO ang LUMALAKAD sa ANG DATING DAAN ay TAMA iyon.

NAPAGBINTANGAN lang niya si JOB na LUMALAKAD sa DATING DAAN kahit na HINDI naman.

Kung bibigyan natin ng SENARYO ay ganito ang PAGKAKAHALINTULAD:

HALIMBAWA:
Sinabi ko sa isang MATUWID NA TAO ang ganito;

“MASAMANG MAGNAKAW PERO BAKIT KA NAGNANAKAW?”

Noong sabihin kong masama ang magnakaw, TAMA iyon, ano ang MALI?

MALI ako ng sabihin ko iyon sa ISANG MATUWID NA TAO. Ibig sabihin PINAGBINTANGAN KO SIYA.

Kaya HINDI MALI nang sabihin ni ELIPHAZ NA MASAMANG TAO ANG LUMALAKAD SA ANG DATING DAAN.

Kaya malinaw na NAGKAMALI SI ELI SORIANO SA PAGGAMIT ng “ANG DATING DAAN.”

MASASAMANG TAO ang DUMADAAN DITO.

No comments:

Post a Comment