Friday, June 3

BORN AGAIN

Sa panahon ngayon, dumadami na ang mga GRUPO, SAMAHAN at mga RELIHIYON na nagsasabing sila ang maliligtas. Merong nagsasabi na, sumampalataya ka lang kay JesuCristo ikaw ay ligtas na at tanggapin mo si Cristo “AS YOUR PERSONAL SAVIOUR” ligtas ka na. Hindi mo na kailangan pang umanib sa isang relihiyon para ikaw ay maligtas at masabing ikaw ay Cristiano. Meron din naman grupo na nagsasabing, “MUST BE BORN AGAIN” o sa tagalog ay IPANGANAK-MULI. Sila ay kilala sa tawag na BORN-AGAIN CHRISTIANS. Pag-aralan nating mabuti
           
TANONG: Ano ba talaga ang ibig-sabihin ng BORN AGAIN at paano ito maliligtas?

Juan 3:1-3 New Pilipino Version
“May isang Pariseo na ang pangalan ay NICODEMO, isang pinuno ng mga Judio. Siya'y nagpunta kay Jesus ng gabi at nagsabi, "Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios, pagkat walang makagagawa ng mga himalang ginawa mo malibang sumasa kanya ang Dios." Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo ang katotohanan, malibang ang tao'y IPANGANAK NA MULI ay hindi niya makikita ang kaharian ng Dios.”
              
Malinaw na mababasa na kailangan nga na maging BORN AGAIN ka o IPANGANAK NA MULI. Subalit naintindihan ba ito ni NICODEMO? Ituloy natin ang pagbasa sa verses  4-5.

Juan 3:4-5 New Pilipino Version
“Sinabi sa kanya ni Nicodemo, 'PAANONG MAIPANGANGANAK ULI ANG ISANG TAO KUNG SIYA'Y MATANDA NA.  MAKAPAPASOK BA SIYA SA TIYAN NG KANYANG INA UPANG IPANGANAK ULI?" Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo ang katotohanan, MALIBAN NA ANG TAO'Y IPANGANAK NG TUBIG AT NG ESPIRITU, hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.”

Ano ang sabi ni Cristo ukol sa salitang BORN AGAIN? Ayon sa talatang ating binasa…MALIBAN NA ANG TAO'Y IPANGANAK NG TUBIG AT NG ESPIRITU.

TANONG: Ano kaya itong TUBIG na tinutukoy ni Cristo?

Juan 4:13-14 New Pilipino Version
“SUMAGOT SI JESUS, "Ang bawat uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw. Ngunit ANG SINUMANG UMINOM NG TUBIG NA IBIBIGAY KO AY HINDI MAUUHAW KAILANMAN.  SAPAGKAT ANG TUBIG NA IBIBIGAY KO AY MAGIGING ISANG BUKAL NA BABALONG SA KANYA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN.”

HINDI LITERAL NA TUBIG ang tinutukoy ng Panginoong JesuCristo. Ito ay TUBIG NA MAGBIBIGAY NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.

TANONG: Ano itong tubig na magbibigay ng buhay na walang hanggan matapos masabing siya ay isa ng gananap na BORN AGAIN?

1 Pedro 1:23 New Pilipino Version
“Sapagkat MULI KAYONG ISINILANG, hindi sa binhing may kamatayan, kundi ng walang kamatayan, SA PAMAMAGITAN NG buhay at nananatiling SALITA NG DIOS.”

Ito ang katumbas ng sinasabi ni Cristo na IPANGANAK ng TUBIG, sa pamamagitan ng mga SALITA NG DIYOS. Sa TUBIG o SALITA NG DIYOS lang ba? Hindi, kundi sa pamamagitan din ng ESPIRITU ayon sa pahayag ni Cristo sa Juan 3:4-5

TANONG: Sino ba itong Espiritu  na Siya ring kailangan upang maging GANAP na BORN AGAIN?

Juan 4:24
“ANG DIOS AY ESPIRITU: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

Kung gayon upang maging BORN AGAIN o MAIPANGANAK NA MULI, kinakailangang IPANGANAK SIYA NG DIYOS sa pamamagitan ng KANIYANG SALITA.

TANONG: Paano maipanganganak na muli ang tao?

2 Corinto 5:17
“Kaya't KUNG ANG SINOMAN AY NA KAY CRISTO, SIYA'Y BAGONG NILALANG: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO.”

Upang ang tao ay maging GANAP na BORN AGAIN kailangang siya ay maging BAGONG NILALANG. Sino itong bagong nilalang na tinutukoy ni Apostol Pablo? Ang sabi sa talata… SINOMAN AY NA KAY CRISTO.

TANONG: Sino ba itong mga na kay Cristo?

Efeso 2:14-15
“Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na KANIYANG PINAGISA ANG DALAWA, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; UPANG SA DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;”

Ang mga TUNAY na BORN AGAIN ay iyong mga tao na bahagi ng DALAWANG SANGKAP na nilalang bilang ISANG TAONG BAGO.

TANONG: Ano itong DALAWANG SANGKAP upang maging TUNAY na BORN AGAIN o ISANG TAONG BAGO?

Colosas 1:18
“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA;”

Kung gayon ang DALAWANG SANGKAP na bumubuo sa ISANG TAONG BAGO ay si CRISTO na Siyang ULO ng IGLESIA na Kaniyang  KATAWAN.

TANONG: Ano ang pangalan ng Iglesia na si Cristo ang Ulo o pinangunguluhan Niya?

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Salin sa Filipino:

“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Samakatuwid, ang isang TUNAY na BORN AGAIN Christian ay sumailalim na sa proseso ng pagiging KAANIB o MIYEMBRO ng IGLESIA.

Kung gayon, sila ay naidagdag bilang bahagi ng ISANG TAONG BAGO ay binubuo ng ISANG ULO at KATAWAN. Ito ay ang KATAWAN NI CRISTO o IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Sapat na ba na maging kaanib lamang sa Iglesia Ni Cristo?

2 Corinto 5:17
“Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA; narito, SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO.”

Ang sinabi ni Apostol Pablo, ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA...SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO.

TANONG: Ano ang ibig sabihin ni Apostol Pablo na, ANG MGA DATING BAGAY AY NAGSILIPAS NA...SILA'Y PAWANG NAGING MGA BAGO?

Efeso 4:22-23 Magandang Balita Biblia
“IWAN NA NINYO ANG DATING PAMUMUHAY.  Hubarin na ninyo ang inyong  dating  pagkatao, na napapahamak dahil  sa masasamang pita. MAGBAGO NA KAYO NG DIWA AT PAG-IISIP;”

Kung gayon, dapat ang maging URI NG PAMUMUHAY ng isang kaanib sa IGLESIA NI CRISTO na ISANG TAONG BAGO ay ganap na NAGBABAGONG BUHAY.

Itinuro ni CRISTO ang tamang proseso upang maging TUNAY na BORN AGAIN at magtamo ng BUHAY NA WALANG HANGGAN sa paraang UMANIB sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO at MAMUHAY ng ayon sa KALOOBAN NG DIYOS.

DAPAT SIYASATIN AT SURIIN NG TAO ANG KANIYANG RELIHIYON

Hanggang ngayon ay MARAMING NANINIWALA na ang LAHAT NG RELIHIYON ay pawang sa DIYOS.  Dahil dito, naging karaniwang ugali na ng mga tao ang HINDI PAGSUSURI o PAGSISIYASAT sa relihiyong kanilang kinaaaniban.  Naniniwala sila na TAMA at TOTOO ang alinmang relihiyong kanilang kinabibilangan. Mayroon namang mga tumututol kapag itinuturo ng IGLESIA NI CRISTO na dapat siyasatin ng tao ang relihiyong kaniyang kinaaaniban. 

Ayon sa iba:
“PARE-PAREHO LAMANG DAW ANG MGA RELIHIYON—SAPAT NA DIUMANO ANG SILA’Y KUMILALA SA DIYOS.  “

TANONG: Tama ba ang isipang ito? Ganito ang nilalaman ng isang bahagi ng sulat ni Apostol Pablo:

Galacia 1:13-14 Salita ng Buhay
“ALAM NINYO ANG BUHAY KO NOONG NASA RELIHIYON PA AKO NG MGA JUDIO—kung paanong labis kong pinag-usig ang mga cristiano.  sinikap kong lipulin silang lahat. SA MGA KASINGGULANG KO AY WALA NANG MAS DEBOTO PA SA AKIN SA AMING RELIHIYON.  SINIKAP KONG SUNDIN NANG GANAP ANG  LAHAT NG MATATANDANG KAUGALIAN AT ALITUNTUNIN NG AKING RELIHIYON.”

Si APOSTOL PABLO ay dating masugid na mang-uusig sa mga Cristiano. SIYA AY TINATAWAG NOON SA PANGALANG SAULO AT KAANIB SA RELIHIYONG JUDAISMO. HINDI KARANIWANG KAANIB SA JUDAISMO SI PABLO ayon sa talatang ating nabasa SIYA AY ISANG DEBOTO AT NAGSIKAP NA SUNDING GANAP ANG LAHAT NG MATATANDANG KAUGALIAN AT ALITUNTUNIN NG KANIYANG RELIHIYON. 

Ngunit iniwan niya ang JUDAISMO nang siya ay TAWAGIN ng PANGINOONG JESUCRISTO sa TUNAY NA PAGLILINGKOD.

I Timoteo 1:12
“NAGPAPASALAMAT AKO sa kaniya na nagpapalakas sa akin, KAY CRISTO JESUS NA PANGINOON NATIN, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na AKO'Y INILAGAY SA PAGLILINGKOD SA KANIYA”

Ayon mismo kay Apostol Pablo, INILAGAY SIYA SA PAGLILINGKOD. 

TANONG: Bakit kailangan pa siyang ilagay sa paglilingkod kung ginagawa naman niya ito sa relihiyong Judaismo na kaniyang kinaaaniban?  Saan siya inilagay ng Diyos kasama ng iba pa upang maisagawa ang tunay na paglilingkod?  Ganito ang itinuro niya sa;

I Corinto 12:28
“At ANG DIOS AY NAGLAGAY ng ilan SA IGLESIA, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.”

Bagaman nagsikap siyang maglingkod, hindi tinanggap ng Diyos ang paglilingkod ni Apostol Pablo nang siya ay kaanib pa sa relihiyong Judaismo.  Kinailangang siya’y ILAGAY o DALHIN ng DIYOS sa paglilingkod sa LOOB ng IGLESIANG ITINATAG NG PANGINOONG JESUCRISTO.

Kaya siya inilagay sa IGLESIA ay dahil dito lamang niya maaaring isagawa ang paglilingkod na tatanggapin ng Diyos.

ANG PINAGTUUNAN NG PANSIN:

Kaya NALILIHIS at NAGKAKAMALI ang marami sa pagpili ng relihiyon ay sapagkat sa iba nakatuon ang kanilang pansin. 

TANONG: Ano lamang ang pinagtuunan nila ng pansin?  Ito ang sagot ni Apostol Pablo.

Roma 10:2-3 Magandang Balita Biblia
“Sapagkat saksi akong SILA'Y NAGSISIKAP NA MAGING KALUGUD-LUGOD SA DIYOS. MALI NGA LAMANG ANG KANILANG NAGING BATAYAN.  Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at NAGSISIKAP SILANG GUMAMIT NG SARILI NILANG PAMAMARAAN; HINDI SILA SUMUNOD SA PAMAMARAANG ITINAKDA NG DIYOS.”

Maraming tao ang nagsisikap na maging kalugod-lugod sa Diyos, ngunit ang ginagawa nila’y AYON LAMANG SA KANILANG SARILING AKALA.  Hindi nila pinag-uukulan ng pansin kung TAMA o MALI ang kanilang batayan sa paglilingkod sa Diyos.  Hindi na ang nais ng Diyos ang kanilang ginagawa kundi ang SARILI NILANG GUSTO at PAMAMARAAN, sa halip na ang pamamaraan ng Diyos. 

TANONG: Kaya, paano magiging tunay ang kanilang relihiyon samantalang mali at hindi tunay na aral ng Diyos ang kanilang sinusunod?  Ganito ang sinasabi ng Diyos sa mga ganitong uri ng tao.

Isaias 29:13 Magandang Balita Biblia
“Sasabihin naman ni Yahweh: "Yamang SA SALITA LAMANG MALAPIT SA AKIN ANG MGA TAONG ITO, AT SA BIBIG LAMANG NILA AKO PINARARANGALAN, KAYA MALAYO SA AKIN ANG KANILANG PUSO, AT AYON LAMANG SA UTOS NG TAO ANG KANILANG PAGLILINGKOD;”

Gaano man KASIGASIG at KATIYAGA ang mga tao sa PAGSAMBA at PAGLILINGKOD sa Diyos, MAWAWALAN NG KABULUHAN ANG LAHAT NG  MGA ITO KUNG ANG PAGSAMBA NILA AY BATAY LAMANG SA TUNTUNING GAWA NG TAO. 

Dahil dito, MARAPAT MAGSIYASAT ANG MGA TAO.  Baka naging palagay na ang kanilang kalooban na wasto at tinatanggap ng Diyos ang ginagawa nilang paglilingkod dahil buong tiyaga nila itong ginagawa.  Ngunit ang HINDI NILA NAMAMALAYAN AY HINDI NAMAN WASTONG ARAL ANG KANILANG SINUSUNOD.

Samantala, ang iba naman ay nahuhulog sa layuning magtamo ng MATERIAL NA PAKINABANG kapag naglilingkod sa Diyos:

Ezekiel 33:31
“At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at KANILANG DINIDINIG ANG IYONG MGA SALITA, NGUNI'T HINDI NILA GINAGAWA; SAPAGKA'T sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't ANG KANILANG PUSO AY NASA KANILANG PAKINABANG.”

MAY MGA TAGAPANGARAL NGAYON NA ANG BINIBIGYANG-DIIN AY ANG UKOL SA MATERIAL na biyayang diumano’y ibibigay ng Diyos kung susundin nila ang mga utos ng Diyos na itinuturo nila.  Iniaalok nila sa mga tao na sila ay ilalapit sa Diyos para magkaroon ng TRABAHO, makapag-ABROAD, YUMAMAN, SUMAGANA at iba pang materyal na pangarap ng mga tao.  Ito ang nakapang-aakit sa  mga taong nasa KAGIPITAN at MATINDING PANGANGAILANGAN kaya agad-agad silang sumusunod sa mga TUSONG TAGAPANGARAL.  Mangyari pa, ang hinahangad ng mga tao ay ang pakinabang na katumbas ng kanilang gagawing paglilingkod.  Ang ganitong relihiyon ay WALANG BISA at DAPAT LAYUAN.

II Timoteo 3:5 Salita Ng Buhay
“NATURINGANG MAY RELIHIYON SUBALIT WALA NAMANG BISA IYON SA KANILANG BUHAY.  LAYUAN MO ANG GANYANG MGA TAO.”

ANG DAANG PATUNGO SA KALIGTASAN:

Napakahalaga at kailangang matiyak natin na ang relihiyong ating kinaaaniban ay tunay na sa Diyos.  Dapat din nating matiyak na ito ang tamang daang patungo sa Diyos at sa kaligtasan.

Ang DAANG PATUNGO SA KALIGTASAN ay itinuro ng Panginoong Jesucristo.

Matthew 7:13-14 The Living Bible
“HEAVEN CAN BE ENTERED ONLY THROUGH THE NARROW GATE!  The highway to hell is broad,  and its gate is wide enough for all the multitudes who choose its easy way.  But THE GATEWAY, TO LIFE IS SMALL, AND THE ROAD IS NARROW, AND ONLY A FEW EVER FIND IT.”

Salin sa Filipino:

"ANG LANGIT AY MAPAPASOK LAMANG SA PAMAMAGITAN NG MAKIPOT NA PINTUAN!  Ang daan patungo sa impiyerno ay malapad, at ang kaniyang pintuan ay sadyang maluwang para sa karamihan na ang pinili ay ang magaang na pagdaan dito.  Subalit ANG PINTUANG DAAN PATUNGO SA BUHAY AY MALIIT, AT ANG DARAANAN AY MAKIPOT, AT ILAN LAMANG ANG NAKASUSUMPONG NITO."

Hindi kataka-taka na MARAMING TAO ANG MAPAPAHAMAK at IILAN LAMANG ANG MALILIGTAS.  Ito ay sapagkat ang pipiliin ng marami ay ang pintuang maluwang, yaong magaang na pasukan.  Madaling pumasok sa maluwang na pintuan, ngunit ito ay patungo sa kapahamakan o impiyerno.  Samantala, ang pintuang-daan patungo sa buhay ay maliit at makipot, kaya ilan lamang ang nakasusumpong nito.

ANG MAKIPOT NA PINTUAN:

TANONG: Sino ang pintuang makipot na kailangang pasukan ng tao?  Ganito ang itinuturo ng Panginoong Jesucristo:

Juan. 10:9 Revised English Bible
“I AM THE DOOR; ANYONE COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE.”

Salin sa Filipino:

“AKO ANG PINTUAN; SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ayon mismo sa PANGINOONG JESUCRISTO, Siya ang PINTUANG DARAANAN upang MAKAPASOK SA LOOB ng KAWAN.  Ang SINUMANG PAPASOK DITO sa pamamagitan Niya ay MALILIGTAS.

TANONG: Alin ang kawan na kinaroroonan ng mga pumasok sa Panginoong Jesucristo at siyang kinapapalooban ng mga maliligtas? 

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.”

Salin sa Filipino:

“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ayon sa Bibliya,  ang KAWAN na ILILIGTAS ng Panginoong Jesucristo ay ang IGLESIA NI CRISTO.  Ito ang BINILI o TINUBOS Niya ng Kaniyang DUGO.

Kaya, NAPAKALAKING PAGKAKAMALI NG MGA TAO NA AKALAIN AT PANIWALAAN NA MAAARING MALIGTAS ANG SINUMAN KAILANMA’T SIYA’Y NAGSISIKAP NA MAGLINGKOD SA DIYOS, SAANMANG RELIHIYON SIYA UMANIB O KAHIT PA WALA SIYANG KINAAANIBANG RELIHIYON.  Hindi mapanghahawakan na naglilingkod ang mga tao sa Diyos kung ang kanilang batayan ay ang mga aral at utos ng tao.  Kailangang mapabilang ang tao sa TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO na itinatag at ililigtas ng Panginoong Jesucristo.

IBIG BA NINYONG MALIGTAS?

Ang isa sa mga PANGUNAHIN at MAHAHALAGANG hakbang ay ang PAGSUSURI SA INYONG KINAAANIBANG RELIHIYON at ang PAG-ANIB hindi sa alinmang relihiyon, kundi sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO.



Monday, May 30

SA MGA LUMALABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA

ARGUMENTO:
Sinasabi ng iba, bakit may MINISTRO o PASTOR sa IGLESIA NI CRISTO ang NATITIWALAG?

SAGOT:

  • NATITIWALAG ang MINISTRO kapag may nagawang PAGLABAG sa ARAL na SINASAMAPATAYAN ng IGLESIA.
  • INAALISAN ng KARAPATAN at ITINITIWALAG dahil NALALAPASTANGAN ang BANAL na MINISTERIO o TUNGKULING PAGKA-MINISTRO.
  • BAWAL sa MINISTRO ang MAGMOLESTYA o MANGHINGI ng kung anu-ano sa mga KAPATID sa IGLESIA.
Ito ang katunayan na HINDI KINUKUNSINTI ng PAMAMAHALA sa IGLESIA na magkaroon ng MINISTRO na MASAMA ANG GAWAIN kaya sila ay INAALISAN NG KARAPATAN at NATITIWALAG.

TANONG: Paano makikilala ang hindi tunay na Ministro sa Iglesia ayon sa Biblia? Ganito nakasulat sa;

Judas 1:10-12
“Datapuwa't ANG MGA ITO'Y NANGALIPUSTA SA ANOMANG BAGAY NA HINDI NILA NALALAMAN: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng MGA KINAPAL NA WALANG BAIT. Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core. ANG MGA ITO'Y PAWANG MGA BATONG NATATAGO SA INYONG PIGING NG PAGIIBIGAN, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, MGA PASTOR NA WALANG TAKOT NA NANGAGPAPASABSAB SA KANILANG SARILI; mga alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;”

Ito ang uri ng hindi tunay na Ministro, INAALIPUSTA ANG MGA BAGAY NA HINDI NALALAMAN, MGA KINAPAL NA WALANG BAIT. Ano pa? NAGTATAGO SA PIGING NG PAG-IIBIGANG MAGKAKAPATID. Isipin ninyo IGLESIA NI CRISTO ang mga taong ito at hindi lang sa ministro ito ay tumutukoy maging sa mga HINDI TUNAY NA KAPATID na napaanib din sa IGLESIA NI CRISTO. Ano dahilan ng kanilang pagkakaanib sa Iglesia? MGA PASTOR NA WALANG TAKOT NA NANGAGPAPASABSAB SA KANILANG SARILI. Ano kasingkahulugan nito?

  • Naglilingkod lang sila para sa sarili nilang kapakinabangan.
  • Makasarili ang mga taong ito.
  • Sarili lang nila ang kanilang iniisip at hindi ang kapakanan ng Iglesia.
TANONG: Paano pa makikilala ang hindi tunay na ministro at hindi tunay na kapatid sa Iglesia? Basahin natin ang pagtuturo ni APOSTOL PEDRO.

2 Pedro 2:10 at 12
“Datapuwa't lalong - lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at NANGAPOPOOT SA PAGKASAKOP. MGA PANGAHAS, MAPAGSARILING KALOOBAN, SILA'Y HINDI NATATAKOT NA MAGSIALIPUSTA SA MGA PANGULO: Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng MGA KINAPAL NA WALANG BAIT, na IPINANGANAK NA TALAGANG MGA HAYOP upang hulihin at lipulin, na NAGSISIALIPUSTA SA MGA BAGAY NA HINDI NILA NALALAMAN ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.”

Maliwanag ang sagot ng Biblia, sila ay…NANGAPOPOOT SA PAGKASAKOP. MGA PANGAHAS, MAPAGSARILING KALOOBAN, SILA'Y HINDI NATATAKOT NA MAGSIALIPUSTA SA MGA PANGULO.

Ang mga taong ito ay ayaw pasakop sa Pamamahala ng Iglesia.
Inaalipusta nila ang mga bagay na hindi nila nalalaman.

Ang tawag sa kanila ng mga Apostol ay…MGA KINAPAL NA WALANG BAIT, IPINANGANAK NA TALAGANG HAYOP.

TANONG: Dapat ba tayong magtaka kung may ganitong uri na mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ngayon? Basahin natin ang tagpo ng PULUNGIN ni APOSTOL PABLO ang mga OBISPO o mga MAYTUNGKULIN sa unang Iglesia sa Mileto.

Gawa 20:29-30 Magandang Balita Biblia
“ALAM KONG PAGKAALIS KO'Y MAGSISIPASOK ANG MABABANGIS NA ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN. MULA NA RIN SA INYO'Y LILITAW ANG MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA GAYO'Y MAILIGAW SILA.”

Napansin ba ninyo ang pananalita ni APOSTOL PABLO na sinabi niya na, “ALAM KO”. Ano iyon? Ang sabi sa talata… “PAGKAALIS KO'Y MAGSISIPASOK ANG MABABANGIS NA ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN.” May binanggit si Apostol Pablo na KAWAN, kung napansin ninyo ang talatang binasa natin ay Gawa 20:29-30 bago ang talatang iyan may Gawa 20:28 pa, na doon binanggit din ang KAWAN at ang tinutukoy ay walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO sa LAMSA TRANSLATION OF THE BIBLE.

Ano gagawin sa unang Iglesia? Ang sabi sa talata… “MAGSISIPASOK ANG MABABANGIS NA ASONG-GUBAT AT WALANG PATAWAD NA SISILAIN ANG KAWAN.” Samakatuwid MALUPIT ANG MGA TAONG ITO, sapagkat itinulad sila sa ASONG GUBAT.

Napansin din ba ninyo iyong salita ni APOSTOL PABLO na MAGSISIPASOK, kung gayon MAPAPAANIB SA LOOB NG IGLESIA ANG MAGTATALIKOD SA UNANG IGLESIA. Ano gagawin ng mga taong ito? Ang sabi sa talata…MULA NA RIN SA INYO'Y LILITAW ANG MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA GAYO'Y MAILIGAW SILA.

Direktang tinukoy ni APOSTOL PABLO kung sino ang magtatalikod sa unang Iglesia. Sino sila? Iyong banggit niya na MULA NA RIN SA INYO. Samakatuwid mula rin sa mga OBISPO o MGA MAY TUNGKULIN SA UNANG IGLESIA ang tinutukoy niya na, LILITAW ANG MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN UPANG MAPASUNOD ANG MGA ALAGAD, AT SA GAYO'Y MAILIGAW SILA.

Isipin ninyo BUHAY PA ang mga APOSTOL nararamdaman na nila na GUMAGALAW NA ANG MGA TAONG MAGTATALIKOD SA UNANG IGLESIA.

  • Kaya SA PANAHON NATIN NGAYON ay hindi kataka-taka na MAY MGA TAONG MAGSASALITA NG KASINUNGALINGAN para MAGSISINOD sa kanila. 
  • MAILIGAW sa TUNAY NA PANANAMPALATAYA ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.
  • Ito rin ang nakikita ng PAMAMAHALA ngayon na nagaganap sa Iglesia na MAY MGA TAONG GUSTONG SIRAIN ANG IGLESIA.
Kaya maagap ang PAMAMAHALA sa Iglesia upang hindi na matulad sa unang Iglesia na natalikod sa pananampalataya.

ITINITIWALAG ANG MGA TAONG NAGNANAIS NA SIRAIN ANG PANANAMPALATAYA NG IGLESIA SA PAGSASALITA NG MGA KASINUNGALINGAN NA LABAG SA ARAL AT DOKTRINA NG IGLESIA.

“PASKO” SAAN ITO NAGMULA?

THE SUN GOD CULT OF (SOL INVICTUS: THE UNCONQUERED SUN)

Ang IGLESIA KATOLIKA at mga PROTESTANTE ay may ipinagdiriwang na PASKO tuwing DISYEMBRE 25 ng bawat taon, na ipinalalagay nila na ito ay ang KAPANGANAKAN ng PANGINOONG JESUCRISTO. Kaugnay nito, marami silang isinasagawang mga AKTIBIDAD at marami rin ang NAKIKIBAHAGI sa mga iyon.  Kaya may mga pumupuna sa hindi pakikipagkaisa ng IGLESIA NI CRISTO sa pagdiriwang nila. 

Sinasabi ng iba na;
Mabuti pa raw ang kaarawan ng kapanganakan ng mga kaanib sa Iglesia ay aming ipinagdiriwang. 

Inaakala tuloy ng ilan na NAPAKALIIT NG PAGTINGIN ng IGLESIA NI CRISTO sa PANGINOONG JESUCRISTO.  Kung alam lamang nila na hindi tunay na kaarawan ni Cristo ang ipinagdiriwang nila tuwing DISYEMBRE 25, kundi iyon ay ISANG PISTANG PAGANO na “ISINA-CRISTIANO” marahil ay hindi sila papayag na magkaroon sila ng bahagi sa pagdiriwang na iyon.

Ganito ang mababasa sa isang AKLAT KATOLIKO tungkol sa PASKO na ipinagdiriwang ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE.


HANDBOOK OF CHRISTIAN FEASTS AND CUSTOMS, Francis X. Weiser. New York: Hartcourt, Brace & World, Inc., n. d. page 61
“It has sometimes been said that THE NATIVITY [CHRISTMAS] IS ONLY A CHRISTIANIZED PAGAN FESTIVAL.”

Salin Sa Filipino:

“Nasabi na sa ilang pagkakataon na ANG NATIVIDAD [PASKO] AY ISA LAMANG ISINA-CRISTIANONG KAPISTAHANG PAGANO.”

Pinatutunayan ng aklat na ito na ang NATIVIDAD o PASKO na ipinagdiriwang ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE ay isa lamang “ISINA-CRISTIANONG” kapistahang PAGANO.

TANONG: Ano ba ang ibig sabihin ng salitang PAGAN o PAGANO?

WEBSTER’S 1828 DICTIONARY
“PA'GAN, n. a Gentile; AN IDOLATER; ONE WHO WORSHIPS FALSE GODS. This word was originally applied to the inhabitants of the country, who on the first propagation of the Christian religion ADHERED TO THE WORSHIP OF FALSE GODS, or REFUSED TO RECEIVE CHRISTIANITY, after it had been received by the inhabitants of the cities.”

Salin Sa Filipino:

“PAGANO, n. isang Gentil; ISANG MAPAGSAMBA SA DIOSDIOSAN; SUMASAMBA SA MGA HINDI TUNAY NA DIYOS. Ang salitang ito ay unang ginamit sa mga unang mamayan ng isang nayon, na sa pasimula ng pagpapalaganap ng relihiyong Cristiano ay MGA NAHIRATI SA PAGSAMBA SA MGA HINDI TUNAY NA DIYOS, o yaong TUMATANGGI NA TANGGAPIN ANG CRISTIANISMO, pagkaraan na ito ay tinanggap na ng mga naninirahan sa mga lungsod.”

Maliwanag na sinasabi ng DICTIONARY na ang isang PAGANO ay ISANG TAO NA HINDI SUMASAMBA SA TUNAY NA DIYOS DAHIL SA ANG MGA ITO AY ANG MGA NAHIRATI SA PAGSAMBA SA MGA DIOSDIOSAN. Sa panahon natin sila iyong mga HINDU, BUDHIST, o alin mang relihiyon na LUMULUHOD at NAGLILINGKOD sa mga REBULTO o LARAWAN, na tumatanggi sa aral ng CRISTIANISMO. 

Sa pagsasabi na ang PASKO ay ISINA-CRISTIANO lamang na PISTANG PAGANO - ibig sabihin noon ay KINOPYA LAMANG ITO SA PAGDIRIWANG NG MGA TAONG HINDI CRISTIANO NA SUMASAMBA SA MGA DIOSDIOSAN.

ANG PAGKAPILI NG DISYEMBRE 25

 Ang pagkapili ng DISYEMBRE 25 na diumano’y PETSA ng KAPANGANAKAN NI CRISTO ay buhat lamang sa IMPLUWENSIYA ng mga ROMANONG PAGANO.

HANDBOOK OF CHRISTIAN FEASTS AND CUSTOMS, Francis X. Weiser. New York: Hartcourt, Brace & World, Inc., n. d. page 61
“…THE CHOICE OF DECEMBER 25 WAS INFLUENCED BY THE FACT THAT THE ROMANS, from the time of Emperor Aurelian (275), HAD CELEBRATED THE FEAT OF THE SUN GOD (SOL INVICTUS: THE UNCONQUERED SUN) on that day.  DECEMBER 25 WAS CALLED THE ‘BIRTHDAY OF THE SUN.’ AND GREAT PAGAN RELIGIOUS CELEBRATIONS OF THE MITHRAS CULT WERE HELD ALL THROUGH THE EMPIRE.”

Salin Sa Filipino:

“…ANG PAGKAKAPILI SA IKA-25 NG DISYEMBRE AY NAIMPLUWENSIYAHAN NG PANGYAYARING ANG MGA ROMANO, mula sa panahon ni Emperador Aureliano (275), ay IPINAGDIWANG ANG KAPISTAHAN NG DIYOS NA ARAW (SOL INVICTUS: ANG HINDI MAPANANAIGANG ARAW) sa araw na iyon.  ANG IKA-25 NG DISYEMBRE AY TINATAWAG NA ‘ARAW NG KAPANGANAKAN NG ARAW’, AT IDINAOS SA BUONG IMPERYO ANG MGA DAKILANG PAGANONG PAGDIRIWANG NA PANRELIHIYON NG KULTONG METRAIKO.”

Maliwanag na ang DISYEMBRE 25 ay hindi siyang tiyak na petsa ng kapanganakan ni Cristo (Wala naman talaga tayong mababasa sa Biblia kung kailan siya ipinanganak).  Ito ay ang Petsa ng ISANG KAPISTAHAN NG MGA PAGANO na ang ipinagdiriwang ay ang kanilang DIYOS NA ARAW na si SOL INVICTUS o ang HINDI MAPANANAIGANG ARAW.”  Sa petsang ito ay idinaraos ang malaking panrelihiyong pagdiriwang na PAGANO. At maliwanag nilang inamin na ito ang kanilang pinagbatayan ng pagkapili nila ng DISYEMBRE 25 na siyang kapanganakan daw ni Jesucristo.

GALING DIN SA PAGANO

Hindi lamang ang PETSA ang KINUHA o KINOPYA sa mga PAGANO kundi pati ang mga GAWAIN kung araw ng PASKO gaya ng mga PAGSISINDI NG MGA KANDILA at paglalagay ng mga CHRISTMAS TREE.

THE TWO BABYLONS OR THE PAPAL WORSHIP. Rev. Alexander Hislop. Neptune, New Jersey: Loizcaux Brothers, Inc., 1943. page 97
“THE CANDLES, in some parts of England, LIGHTED ON CHRISTMAS EVE and used so long as the festive season lasts, were EQUALLY LIGHTED BY THE PAGANS ON THE EVE OF THE FESTIVAL OF THE BABYLONIAN GOD, TO DO HONOUR TO HIM; for it was one of the distinguishing peculiarities of his worship to have lighted wax candles on his altars.  THE CHRISTMAS TREE, NOW SO COMMON AMONG US, WAS EQUALLY COMMON IN PAGAN ROME AND PAGAN EGYPT.”

Salin Sa Filipino:

“ANG MGA KANDILA, sa ilang bahagi ng Inglatera, na SINISINDIHAN TUWING BISPERAS NG PASKO at ginagamit sa buong panahon ng pagdiriwang, ay KAPAREHONG SINISINDIHAN NG MGA PAGANO SA BISPERAS NG KAPISTAHAN NG DIYOS NG BABILONIA, UPANG PARANGALAN SIYA: sapagkat ang isa sa mga mapagkakakilanlang kaibahan ng pagsamba sa kaniya ay ang magkaroon ng mga sinindihang kandila sa kaniyang mga dambana.  ANG CHRISTMAS TREE, NA NGAYON AY LUBHANG PANGKARANIWAN NA SA ATIN, AY KAPAREHONG PANGKARANIWAN DIN SA PAGANONG ROMANO AT PAGANONG EHIPTO.”

Nagsisindi ng KANDILA ang mga PAGANO sa BISPERAS NG KAPISTAHAN NG DIYOS NG BABILONIA UPANG PARANGALAN SIYA.  Ang CRISTMAS TREE naman ay pangkaraniwan sa PAGANONG ROMA at PAGANONG EHIPTO.

Maging ang mga nagsipagsuri tungkol sa CHRISTMAS TREE ay nagsasabi na ito’y ISANG LABI NG PAGSAMBA NG MGA PAGANO SA PUNONG-KAHOY.

COLLIER’S ENCYCLOPEDIA New York: Macmillan Educational Company. 1964, page 404
“SOME AUTHORITIES CONSIDER THE CHRISTMAS TREE A SURVIVAL OF PAGAN TREE WORSHIP AND TRACE IT TO ANCIENT ROME AND EGYPT…”

Salin Sa Filipino:

“ANG ILAN SA MGA AWTORIDAD AY ITINUTURING ANG CHRISTMAS TREE NA ISANG NAMAMALAGING UMIIRAL NA LABI NG PAGSAMBA SA PUNO NG MGA PAGANO AT MATATALUNTON ITO SA MATANDANG ROMA AT EHIPTO.”

Kaya HINDI NAKIKIISA ANG MGA IGLESIA NI CRISTO sa pagdiriwang ng PASKO dahil ito ay nagmula lamang sa mga PAGANO hindi lamang ang PETSA, kundi maging ang IBA’T-IBANG GAWAIN NA ISINASAGAWA ng mga KATOLIKO at PROTESTANTE sa nasabing okasyon.

MAGLILIGAW SA KATOTOHANAN:

Isang katotohanan na ang PASKONG IPINAGDIRIWANG ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE ay INIMBENTO o KATHA lamang.  HINDI ITO UTOS NG DIYOS kundi utos lang ng tao. 

ANG KAUTUSAN NG TAO kapag pinagsaligan sa paglilingkod sa Diyos ay NAGLILIGAW SA KATOTOHANAN.

Tito 1:14  Salita Ng Buhay
“At upang maalis ang hilig nila sa mga alamat ng mga Judio at MGA KAUTUSAN NG MGA TAO, NA NAGLILIGAW LAMANG SA KANILA SA KATOTOHANAN.”

Hindi namamalayan ng mga nakikiisa sa pagdiriwang ng PASKO na sila ay NAILILIGAW NA SA KATOTOHANANG IKALILIGTAS. Sapagkat sa kanilang ginagawa ay SUMUSUNOD SILA SA MGA KAUTUSAN NG TAO at mga GAWAING PAGANO.  Ang dapat maging saligan sa paglilingkod ng tao sa Diyos at sa ating Panginoong Jesucristo ay hindi ang mga utos ng tao kundi ang mga KALOOBAN NG DIYOS NA NAKASULAT SA MGA BANAL NA KASULATAN.

2 Timoteo 3:15-17  Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Mula pa sa pagkabata ay alam mong ANG BANAL NA KASULATAN AY NAGTUTURO NG DAAN NG KALIGTASAN sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.  ANG LAHAT NG KASULATAN AY KINASIHAN NG DIYOS, AT NAGAGAMIT SA PAGTUTURO NG KATOTOHANAN, SA PAGTATAMA SA MALING KATURUAN, SA PAGTUTUWID SA LIKONG GAWAIN AT SA PAGSASANAY PARA SA MATUWID NA PAMUMUHAY,  UPANG ANG LINGKOD NG DIYOS AY MAGIGING KARAPAT-DAPAT AT HANDA SA LAHAT NG MABUBUTING GAWAIN.” 

Anumang aral na hindi ayon sa BIBLIA at labag pa sa itinuturo ng Biblia ay HINDI IKALILIGTAS  kundi tiyak na IKAPAPAHAMAK sa ARAW NG PAGHUHUKOM.

2 Tesalonica 2:11-12 Magandang Balita Biblia
“SAPAGKAT HINDI NILA TINANGGAP ANG KATOTOHANAN, IPINAUBAYA SILA NG DIYOS NA SILA’Y MALINLANG NG ESPIRITU NG KAMALIAN AT PAPANIWALAIN SA KASINUNGALINGAN UPANG MAPARUSAHAN ANG LAHAT NG PUMILI SA KASAMAAN SA HALIP NA TUMANGGAP SA KATOTOHANAN”

Ito ang isa sa dahilan kaya HINDI IPINAGDIRIWANG ng IGLESIA NI CRISTO ang “PASKO” ng mga KATOLIKO at mga PROTESTANTE. 


Ano ang mapapala sa ISANG ARAW NG MASAYANG PAGDIRIWANG kung ito naman ay PATUNGO SA PAGKAHAMAK NG ATING MGA KALULUWA MAGPAKAILAN MAN?