Saturday, May 21

TAHANAN NG DIYOS

“Panginoon, aking iniibig ang TAHANAN ng iyong BAHAY, At ang dako na TINATAHANAN ng iyong KALUWALHATIAN.”

May mga tumutuligsa sa IGLESIA NI CRISTO dahil sa PAGPAPATAYO nito ng mga GUSALING SAMBAHAN.  Isa sa mga PUSAKAL na pumupuna dito ay si MANAY ELISEO SORIANING ng MCGI (Members Church Of Gay International) o ADD (Ang Dyoklang Daan). Sayang lamang daw ang MILYUN-MILYONG SALAPING ginugugol para sa mga ito dahil hindi naman daw kailangan ang mga bahay-sambahan.  Hindi raw ipinag-utos ng PANGINOONG JESUCRISTO ang pagpapatayo ng BAHAY-SAMBAHAN.  Katunayan raw nito ay hindi nagtayo ng bahay-sambahan ang mga APOSTOL.  Ang pagsamba sa Diyos ay maaari naman daw gawin ng tao kahit saang lugar.

Tinutuligsa rin ang IGLESIA NI  CRISTO dahil sa pagtuturing nito sa mga bahay-sambahan bilang TAHANAN NG DIYOS.  Mali raw ito dahil mababasa sa Biblia na ang Diyos ay hindi tumatahan sa mga bahay na ginawa ng tao.  Pinagbabatayan nila ang nilalaman ng Gawa 7:48 sa pagsasabing hindi raw kailangan ang pagtatayo ng mga gusaling sambahan.  Ganito ang sinasabi ng talata.

Gawa 7:48 Magandang Balita Biblia
“Gayunman, ANG KATAAS-TAASANG DIYOS AY HINDI NANINIRAHAN SA MGA BAHAY NA GINAWA NG TAO, AYON SA SINABI NG PROPETA.”

Hindi raw naninirahan ang Diyos sa mga bahay na ginawa ng tao.  Gayundin daw ang sinasabi sa:

Gawa 17:24 Magandang Balita Biblia
“ANG DIYOS NA GUMAWA NG SANLIBUTAN AT NG LAHAT NG NAROROON ANG SIYANG PANGINOON NG LANGIT AT LUPA, KAYA’T HINDI SIYA TUMATAHAN SA MGA TEMPLONG GINAWA NG TAO.”

TAHANAN NG DIYOS

TANONG: Wasto kaya ang pagkaunawa ng mga manunuligsa sa mga talata ng Biblia na pinagbabatayan ng kanilang paniniwalang hindi iniutos magtayo ng bahay-sambahan?

I Hari 8:27
“NGUNI'T KATOTOHANAN BANG TATAHAN ANG DIOS SA LUPA? NARITO, SA LANGIT AT SA LANGIT NG MGA LANGIT AY HINDI KA MAGKASIYA; GAANO PA SA BAHAY NA ITO NA AKING ITINAYO."
  • Ang pagsasabing ang gusaling sambahan ay tahanan ng Diyos ay hindi sa pakahulugang sa isang gusali lumalagi ang Panginoon. 
  • Kahit sa langit at maging sa langit ng mga langit ay hindi magkasiya ang Diyos.
  • Lalong hindi sa isang bahay.
  • Totoong ang Diyos ay hindi tumatahan sa bahay na ginawa ng tao gaya ng sinasabi sa Gawa 7:48 at Gawa 17:24.  

Subalit, ang pagiging TAHANAN NG DIYOS ng BAHAY-SAMBAHAN ay hindi sa paraang dito Siya TUMITIRA o LUMALAGI, gaya ng isang tao sa kaniyang bahay.  Ganito ang paliwanag ng Biblia:

Isaias 66:1 Magandang Balita Biblia
“ITO ANG SALITA NI YAHWEH:  ‘ANG AKING TRONO AY ANG KALANGITAN, AT ITONG DAIGDIG ANG AKING TUNTUNGAN;  SAAN KA GAGAWA, PAANO MO GAGAWIN ANG AKING TEMPLO, NA AKING TIRAHA’T PAHINGAHANG DAKO?”

Ayon mismo sa Panginoong Diyos, HINDI ANG KANIYANG KASIYANGAAN ANG TATAHAN sa TEMPLO o BAHAY-SAMBAHAN dahil HINDI ITO ANG KANIYANG DAKONG TIRAHAN.  

TANONG: Ngunit alin ang tatahan sa templo kung kaya’t ipinagtayo ni HARING SOLOMON ng TEMPLO ang DIYOS na siyang Kaniyang TAHANAN? Ganito ang pagtuturo ng Biblia:

I Hari 8:27-29
“Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo! Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito: Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong IYONG SINABI, ANG AKING PANGALAN AY DOROON; UPANG DINGGIN ANG PANALANGIN NA IDADALANGIN NG IYONG LINGKOD SA DAKONG ITO.” 

Ang PANGALAN ng DIYOS ang TUMATAHAN sa Kaniyang TEMPLO—HINDI ANG DIYOS MISMO.  Sa BAHAY-SAMBAHAN o sa TEMPLO itinalaga ng Diyos na manahan ang Kaniyang PANGALAN dahil ang pangalan Niya ang SINASAMBA, gaya ng itinuro ng PANGINOONG JESUCRISTO.

Mateo 6:9
“Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, SAMBAHIN NAWA ANG PANGALAN MO.”

Bukod sa PANGALAN ng DIYOS, tatahan din sa BAHAY-SAMBAHAN ang Kaniyang KALUWALHATIAN:

Awit 26:8
“Panginoon, aking iniibig ANG TAHANAN NG IYONG BAHAY, AT ANG DAKO NA TINATAHANAN NG IYONG KALUWALHATIAN.” 

Kaya naman sa tuwing ang mga lingkod ng Diyos ay sumasamba, ibinibigay nila sa Panginoon ang KALUWALHATIANG MARAPAT sa Kaniyang PANGALAN.

Awit 29:2
“IBIGAY NINYO SA PANGINOON ANG KALUWALHATIANG MARAPAT SA KANIYANG PANGALAN: Inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.”

Sa banal na TEMPLO isinasagawa ng mga lingkod ng Diyos ang kanilang PAGSAMBA upang maibigay sa Panginoong Diyos ang KALUWALHATIANG MARAPAT sa Kaniyang PANGALAN.

Awit 5:7
“Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay PAPASOK AKO SA IYONG BAHAY; Sa takot sa iyo ay SASAMBA AKO SA DAKO NG IYONG BANAL NA TEMPLO.”

TANONG: Tangi sa Kaniyang pangalan at kaluwalhatian, alin pa ang doroon sa bahay-sambahan?  Ang Diyos mismo ang nagpahayag.

II Cronica 7:15-16
“Ngayo'y ang aking mga mata ay didilat, at ANG AKING PAKINIG AY MAKIKINIG, SA DALANGIN NA GAGAWIN SA DAKONG ITO. Sapagka't ngayon ay AKING PINILI AT ITINALAGA ANG BAHAY NA ITO, upang ang aking pangalan ay dumoon magpakailan man; at ANG AKING MGA MATA AT ANG AKING PUSO AY DOROONG PALAGI.”

Doroon sa bahay-sambahan ang MATA at PUSO ng DIYOS.  Ngunit hindi literal na mata at puso ang doroon. Ang DIYOS ay ESPIRITU sa kalagayan.

Juan 4:24
“ANG DIOS AY ESPIRITU: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

Nangangahulugang wala Siyang LAMAN at mga BUTO, wala Siyang MATERYA.

Lucas 24:39
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ANG ISANG ESPIRITU'Y WALANG LAMAN AT MGA BUTO, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Kung bakit sinabing doroon ang kaniyang MATA at PUSO ay sapagkat doon Niya diringgin ang mga dalanging isasagawa sa Kaniya. Ang sabi sa talata; “…AT ANG AKING PAKINIG AY MAKIKINIG, SA DALANGIN NA GAGAWIN SA DAKONG ITO.”

Itinalaga ng Diyos na TUMAHAN sa BAHAY-SAMBAHAN ang Kaniyang PAKINIG sapagkat nangako Siyang DIRINGGIN ang lahat ng DALANGING gagawin dito.  Ang mga PANALANGIN ng Kaniyang mga lingkod na ginagawa sa loob ng Kaniyang banal na TEMPLO o BAHAY-SAMBAHAN ay Kaniyang PAKIKINGGAN. Kaya, NAPAKAHALAGA ng BAHAY-SAMBAHAN sa PAKIKIPAG-UGNAYAN ng tao sa Diyos.

Kung gayon, paano sasabihing hindi kailangan ang gusaling sambahan at paano nagiging sayang ang salaping ginugugol para sa pagtatayo nito? Ang may ganitong isipan ay kalaban ng mga pahayag ng Diyos na nakasulat sa Biblia.

Bukod pa rito, kung ang kahulugan ng sinasabi sa Gawa 17:24 ay hindi na kailangan ang GUSALING SAMBAHAN o TEMPLO na gaya ng pagkaunawa ng mga tumutuligsa sa IGLESIA NI CRISTO. 
  • Bakit pa ipinagtayo ni HARING SOLOMON ang DIYOS ng TEMPLONG Kaniyang BAHAY? 
  • Bakit ipinaghanda ni HARING DAVID nang buong kaya ang ukol sa pagpapatayo ng bahay ng Diyos?

1 Cronica 29:1-9
“At sinabi ni DAVID na hari sa buong kapisanan, Si SALOMON na aking anak na siya lamang pinili ng Dios ay bata pa at sariwa, at ang gawain ay malaki; sapagka't ang TEMPLO ay hindi ukol sa tao, kundi sa Panginoong Dios. AKIN NGANG IPINAGHANDA NG AKING BUONG KAYA ANG BAHAY NG AKING DIOS, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana. Bukod din naman dito, sapagka't AKING INILAGAK ANG AKING LOOB SA BAHAY NG AKING DIOS, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay AKING IBINIBIGAY SA BAHAY NG AKING DIOS, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa BANAL NA BAHAY; Sa makatuwid baga'y tatlong libong talentong ginto, na ginto sa Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay: Ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at pilak na ukol sa mga bagay na pilak at sa lahat na sarisaring gawain na yayariin ng mga kamay ng mga manggagawa.  Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito? Nang magkagayo'y naghandog na kusa ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang, at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel, at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, pati ng mga tagapamahala sa gawain ng hari; At ibinigay nila sa paglilingkod sa BAHAY NG DIOS, ay ginto, na limang libong talento, at sangpung libong dariko, at pilak na sangpung libong talento, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento. At sila'y nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng BAHAY NG PANGINOON, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ni Jehiel na Gersonita. Nang magkagayo'y NAGALAK ANG BAYAN, DAHIL SA SILA'Y NANGAGHANDOG NA KUSA, SAPAGKA'T SILA'Y MAY DALISAY NA PUSO NA NANGAGHANDOG NA KUSA SA PANGINOON: AT SI DAVID NAMAN NA HARI AY NAGALAK NG DAKILANG PAGKAGALAK.”

DAKONG SAMBAHAN

TANONG: Ano ang sabi ng Diyos ukol sa Kaniyang templo?

2 Cronica 7:16 MB
“HINIRANG KO AT ITINALAGA ANG BAHAY NA ITO upang mamalagi rito ang aking pangalan.  PANGANGALAGAAN KO AT PAKAMAMAHALIN ANG POOK NA ITO MAGPAKAILANMAN.”

TANONG: Bakit ganito na lamang ang pagmamahal at pagmamalasakit ng Diyos sa bahay-sambahan?  Anu-ano ang mga banal na kaukulan nito? 

Deuteronomio 12:5-6
“Kundi SA DAKONG PIPILIIN NG PANGINOON NINYONG DIOS sa lahat ng inyong mga lipi NA PAGLALAGYAN NG KANIYANG PANGALAN, sa makatuwid bagay SA KANIYANG TAHANAN ay inyong hahanapin, at DOON KAYO PAROROON: At DOON NINYO DADALHIN ANG INYONG MGA handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga PANATA, at ang inyong mga KUSANG HANDOG, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan:”

Itinuturo ng Biblia na iniutos ng Diyos sa bayang ISRAEL na gawin ang PAGSAMBA at PAGHAHANDOG ng hain sa Kaniyang TAHANAN.

Samakatuwid, nauukol ang GUSALING SAMBAHAN na maging dako ng PAGSAMBA at ng PAGHAHANDOG sa Diyos.  ITO ANG BANAL NA KAUKULAN NITO.

Sa panahong CRISTIANO ay INIUTOS din sa mga lingkod ng Panginoong Diyos ang magsagawa ng ganitong  mga PAGHAHANDOG o PAG-AABULOY dahil sa gayong mga HAIN ang DIYOS ay totoong NALULUGOD.

Hebreo 13:15-16
“Sa pamamagitan nga niya ay MAGHANDOG TAYONG PALAGI NG HAIN ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY AY HUWAG NINYONG KALIMUTAN: SAPAGKA'T SA MGA GAYONG HAIN ANG DIOS AY TOTOONG NALULUGOD.”

Ang PANANAGUTANG ito ay TINUTUPAD ng mga CRISTIANO sa panahon ng PAGSAMBA na isinasagawa sa BAHAY-SAMBAHAN.

Ang PANANALANGIN ay isinasagawa rin ng mga mananamba sa loob ng Kaniyang BAHAY.  Kaya, ang Diyos mismo ang nagsabi na ang Kaniyang BAHAY ay tatawaging BAHAY-DALANGINAN.

Isaias 56:7
“Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking BAHAY NA DALANGINAN: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana;sapagka't ANG AKING BAHAY AY TATAWAGING BAHAY NA PANALANGINAN para sa lahat ng mga bayan.” 

Tunay na NAPAKABANAL at NAPAKAHALAGA ng BAHAY-SAMBAHAN.

HANGGANG SA PANAHONG CRISTIANO

Hanggang sa PANAHONG CRISTIANO ay namamalaging TAHANAN NG DIYOS ang TEMPLO o SAMBAHAN.  Sa isang tagpo ay ganito ang sinabi ng PANGINOONG JESUCRISTO.

Lucas 2:46-49
“At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa TEMPLO, na nakaupo sa gitna ng mga guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y tinatanong: At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot. At nang siya'y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganyan? narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis. At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa BAHAY NG AKING AMA.”

Tinawag ng PANGINOONG JESUCRISTO ang TEMPLO na BAHAY NG KANIYANG AMA.  Si CRISTO mismo ang tumawag nang gayon sa BAHAY NG DIYOS. 

Kaya narito ang TANONG sa mga TUMUTULIGSA at TUMUTUTOL sa pagpapatayo ng IGLESIA NI CRISTO ng mga gusaling sambahan lalo na sa samahang ADD (Ang Dyoklang Daan). 

  • Nagkamali ba si CRISTO nang tawagin Niyang BAHAY NG KANIYANG AMA ang BAHAY-SAMBAHAN o TEMPLO?


 NAPAKAHALAGA para kay CRISTO ng TEMPLO o BAHAY-SAMBAHAN.  Ito ay Kaniyang pinatunayan gaya ng natala sa BANAL NA KASULATAN.

Juan 2:13-16
“At malapit na ang paskua ng mga Judio, at umahon si JESUS sa Jerusalem. At nasumpungan niya sa TEMPLO yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo: At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa TEMPLO, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang; At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; HUWAG NINYONG GAWIN ANG BAHAY NG AKING AMA NA BAHAY-KALAKAL.” 

Nang makita ni CRISTO na naroon sa TEMPLO o BAHAY NG KANIYANG AMA ang mga mangangalakal, bagay na hindi nararapat, ay itinaboy Niya ang mga ito.  Ginawa Niyang panghampas ang mga lubid at itinaboy Niya ang mga tupa at baka, at ibinubo ang salapi ng mga mamamalit.  Ginulo rin Niya ang kanilang mga dulang at pagkatapos ay sinabi, “HUWAG NINYONG GAWIN ANG BAHAY NG AKING AMA NA BAHAY-KALAKAL.”

Kung hindi mahalaga kay CRISTO ang BAHAY-SAMBAHAN o TEMPLO:

·        Bakit Niya kinagalitan ang mga lumalapastangan dito? 
·        Bakit gayon na lamang ang Kaniyang pagmamalasakit dito?

Tunay na NAPAKAHALAGA kay CRISTO ang TEMPLO.  At gaya ng Panginoong Jesus, ang mga TUNAY na CRISTIANO ay nagmamahal, nagmamalasakit, at nagpapahalaga rin sa bahay-sambahan o templo.

Maging ang mga APOSTOL ay nagpakita ng kanilang MALAKING PAGPAPAHALAGA sa TEMPLO.  Sila ay palaging nasa templo na nangagpupuri sa Diyos:

Lucas 24:53
“AT PALAGING SILA'Y NASA TEMPLO, NA NANGAGPUPURI SA DIOS.”

Gayundin, ang mga UNANG CRISTIANO ay nagpakita ng PAGPAPAHALAGA sa TEMPLO o BAHAY-SAMBAHAN.  Nang makaranas sila ng MATINDING PAG-UUSIG ay nagkatipon sila sa TEMPLO ARAW-ARAW at doon ay NAGPURI SA DIYOS.

Gawa 2:44 at 46
“At ANG LAHAT NG MGA NAGSISAMPALATAYA AY NANGAGKAKATIPON, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan;…At ARAW-ARAW SILA'Y NAGSISIPANATILING MATIBAY SA PAGKAKAISA SA TEMPLO, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso.”

Kung hindi mahalaga ang TEMPLO, bakit dito sila NAGTIPON ARAW-ARAW upang isagawa ang PAGPUPURI SA DIYOS?

Kaya, ang IGLESIA NI CRISTO ay HINDI KAILANMAN NANGHIHINAYANG NA GUMUGOL NG MALAKING HALAGA NG SALAPI SA PAGPAPATAYO NG MGA BAHAY-SAMBAHAN sapagkat ito’y KALOOBAN NG DIYOS.  Ang mga kaanib ay nagpapakita rin ng PAGMAMAHAL, PAGGALANG at PAGPAPAHALAGA sa BAHAY-SAMBAHAN.  Hindi nila ito pinababayaang maging MARUMI at may KASIRAAN o kaya LAPASTANGANIN NINUMAN.


ISANG DAKILANG GAWA

Ang IGLESIA NI CRISTO ay patuloy na NAGTATAYO ng MALALAKI at DAKILANG MGA GUSALING SAMBAHAN bilang pagsunod sa utos ng PANGINOONG DIYOS.  Bukod dito,sinabi ng Panginoong Jesus:

Juan 14:12
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMASAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA ANG mga gawang aking ginagawa; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.” 

Sinabi ng PANGINOONG JESUCRISTO na ANG MGA SUMASAMPALATAYA SA KANIYA AY GAGAWA NG LALONG DAKILANG GAWA.  Ang isa sa mga DAKILANG GAWANG ito ay ang PAGTATAYO ng BAHAY-SAMBAHAN para sa DIYOS.

II Cronica 2:4-5
“Narito, AKING IPINAGTATAYO NG ISANG BAHAY ANG PANGALAN NG PANGINOON KONG DIOS, upang italaga sa kaniya, at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mga mainam na espesia, at maiukol sa palaging tinapay na handog, at sa mga handog na susunugin sa umaga at hapon, sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan sa Panginoon naming Dios. Ito ang utos sa Israel magpakailan man. At ANG BAHAY NA AKING ITINATAYO AY DAKILA: SAPAGKA'T DAKILA ANG AMING DIOS kay sa lahat ng mga Dios.” 

Ang PAGTATAYO ng BAHAY-SAMBAHAN o TEMPLONG DAKILA at angkop sa KADAKILAAN NG PANGINOONG DIYOS ay isang DAKILANG GAWA.  Ang dakilang gawang ito ay itinataguyod at patuloy na itinataguyod ng mga tunay na Cristiano. 

Friday, May 20

HINDI DAPAT MABALISA AT MAWALAN NG PAG-ASA ANG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO


  • Ikaw ba’y nangangamba dahil sa lumulubhang suliraning PANGKABUHAYAN at KAHIRAPAN? 
  • Ikaw ba’y nababalisa dahil sa sunod-sunod na mga KARAHASAN, SAKUNA at KALAMIDAD na naganap at patuloy na dumarating? 
  • Ikaw ba’y nalulungkot dahil sa mga PROBLEMANG PAMPAMILYA?

Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil sa ganitong mga alalahanin.  Sa halip, sundin natin ang ipinapayo ng PANGINOONG JESUS na hindi tayo dapat na mabalisa.

Mateo 6:31-33
“Kaya HUWAG KAYONG MANGABALISA, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang TALASTAS NG INYONG AMA SA KALANGITAN NA KINAKAILANGAN NINYO ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA ITO. DATAPUWA'T HANAPIN MUNA NINYO ANG KANIYANG KAHARIAN, AT ANG KANIYANG KATUWIRAN; AT ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA ITO AY PAWANG IDARAGDAG SA INYO.”

Bukod dito, sinabi rin ng Panginoong Jesucristo na;

Juan 14:1-3 Magandang Balita Biblia
“HUWAG KAYONG MABALISA; MANALIG KAYO SA DIYOS AT MANALIG DIN KAYO SA AKIN. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirahan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, BABALIK AKO AT ISASAMA KAYO SA KINAROROONAN KO.”

Hindi man agad malunasan ang mga kasalukuyang suliranin ay hindi tayo dapat panghinaan ng loob dahil may PANGAKO ang PANGINOONG JESUSCRISTO.  Ito ang dapat UMALIW sa atin at dapat na lagi nating MAGUNITA habang lumulubha ang KAHIRAPAN at KALIGALIGAN sa mundo.  Tandaan natin na MULI SIYANG MAGBABALIK upang tayo ay ipagsama sa Kaniyang kaharian.

Upang isama tayo ni CRISTO sa KANIYANG KAHARIAN at pagkalooban ng BUHAY NA WALANG HANGGAN, dapat tayong manindigan sa paggawa ng MABUTI.

Juan 5:28-29 New Pilipino Version
“Huwag ninyong ipanggilalas ito, dumarating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makaririnig sa kanyang tinig. “At sila'y babangon at lalabas sa libingan.  ANG LAHAT NG GUMAWA NG MABUTI AY PAGKAKALOOBAN NG BUHAY NA WALANG HANGGAN, at lahat ng gumawa ng masama ay sumpa.”

Ang MABUTING GAWA na tinutukoy ay ang PAGTUPAD SA MGA KAUTUSAN ng DIYOS.

Roma 7:12
“Kaya nga ANG KAUTUSAN ay BANAL, at ANG UTOS ay BANAL, at matuwid, at MABUTI.”

Ang mga KAUTUSANG tinutukoy ay ang KATOTOHANAN o SALITA NG DIOS.

Juan 17:17
“PAKABANALIN mo sila sa KATOTOHANAN: ANG SALITA MO'Y KATOTOHANAN.”

Ang KATOTOHANAN o MGA SALITA NG DIYOS ang dapat na MALAMAN o MAUNAWAAN ng TAO upang upang MALIGTAS.

1 Timoteo 2:3-4
“ITO'Y MABUTI AT NAKALULUGOD SA PANINGIN NG DIOS na ating Tagapagligtas; Na siyang may ibig na ANG LAHAT NG MGA TAO'Y MANGALIGTAS, AT MANGAKAALAM NG KATOTOHANAN.
“
Kaugnay ng KALIGTASAN, isang dakilang KATOTOHANAN ang itinuturo ng Biblia—ANG KAUGNAYAN KAY CRISTO NG IGLESIA.  Ang katawan Niya o ANG KANIYANG IGLESIA ANG KANIYANG ILILIGTAS ayon sa Efeso 5:32 at 25 ng saling Magandang Balita Biblia na ganito ang ating mababasa.

Efeso 5:32 Magandang Balita Biblia “ISANG DAKILANG KATOTOHANAN ANG INIHAHAYAG NITO - ANG KAUGNAYAN NI CRISTO SA IGLESYA ANG TINUTUKOY KO.

Efeso 5:25 Magandang Balita Biblia “Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, GAYA NG PAG-IBIG NI CRISTO SA IGLESYA.  INIHANDOG  NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA RITO.

Kaya, marapat sa tao na pumasok sa KAWAN na siyang IGLESIA NI CRISTO.

John. 10:9 Revised English Bible
“I AM THE DOOR; ANYONE WHO COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE.” 

Salin sa Filipino:

Juan 10:9
“AKO ANG PINTUAN; SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ang KAWAN na dapat PASUKAN ng tao upang MALIGTAS ay ang IGLESIA NI CRISTO (Acts 20:28, Lamsa Translation)

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Salin sa Filipino:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Ang PAG-ANIB sa IGLESIA NI CRISTO ay ISA SA MGA GAWANG MABUTI.  Kung ito’y hindi gawin ng tao, siya ay NAGKAKASALA. 

Santiago 4:17
“SA NAKAKAALAM NGA NG PAGGAWA NG MABUTI, AT HINDI GINAGAWA, ITO'Y KASALANAN SA KANIYA.”

Ang ganap na kabayaran ng KASALANAN ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa DAGAT-DAGATANG APOY.

Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Apocalipsis 20:14
“AT ANG KAMATAYAN AT ANG HADES AY IBINULID SA DAGATDAGATANG APOY.  ITO ANG IKALAWANG KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY ANG DAGATDAGATANG APOY.”

Sa kabilang dako, ANG MGA SUMUSUNOD SA UTOS NG DIYOS ay nakatitiyak ng KALIGTASAN—sila ang may MATIBAY NA PAG-ASA SA GANTIMPALANG IPINANGAKO NG PANGINOONG JESUCRISTO SA KANIYANG PAGBABALIK.

HINDI NA MAGTATAGAL ANG PAGBABALIK NG PANGINOONG JESUSCRISTO kaya HINDI NA DAPAT IPAGPALIBAN ANG PAG-ANIB SA TUNAY NA IGLESIA.  Itinuturo na ng BIBLIA ang mga palatandaan na malapit na ang muling pagparito ni Cristo:

Mateo 24:3 at 6-8 New Pilipino Version
“Nang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng mga alagad, ‘Kailan po mangyayari ang sinasabi ninyo? ANO PO ANG MGA PALATANDAAN NG INYONG PAGPARITO, AT NG KATAPUSAN NG PANAHON?....MAKARIRINIG KAYO NG ALINGAWNGAW AT MGA BALITA TUNGKOL SA DIGMAAN NGUNIT HUWAG KAYONG MABABALISA. KAILANGANG MANGAYARI ITO NGUNIT HINDI PA ITO ANG WAKAS.  MAGKAKAROON NG DIGMAAN ANG MGA BANSA LABAN SA KAPWA BANSA AT KAHARIAN LABAN SA KAPWA KAHARIAN.  MAGKAKAROON NG KAGUTOM AT LINDOL SA IBA’T IBANG DAKO.  ANG LAHAT NG ITO’Y SIMULA PA LAMANG NG KAHIRAPAN.”

Ang mga KAGUTOM, KAHIRAPAN at maging ang mga naganap na DIGMAAN ay nagpapagunita sa atin na MALAPIT NA ANG WAKAS NG DAIGDIG o ang IKALAWANG PAGPARITO NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.  Kasama rin sa mga TANDA na malapit na ang pagbabalik ni Cristo ay ang KASALATAN SA MGA BANSA:

Lucas 21:25-27 
“AT MAGKAKAROON NG MGA TANDA SA ARAW AT BUWAN AT MGA BITUIN; AT SA LUPA'Y MAGKAKAROON NG KASALATAN SA MGA BANSA, NA MATITILIHAN DAHIL SA UGONG NG DAGAT AT MGA DALUYONG; MAGSISIPANGLUPAYPAY ANG MGA TAO DAHIL SA TAKOT, AT DAHIL SA PAGHIHINTAY NG MGA BAGAY NA DARATING SA IBABAW NG SANGLIBUTAN: SAPAGKA'T MANGANGATAL ANG MGA KAPANGYARIHAN SA MGA LANGIT.  AT KUNG MAGKAGAYO'Y MAKIKITA NILA ANG ANAK NG TAO NA PARIRITONG NASA ISANG ALAPAAP NA MAY KAPANGYARIHAN AT DAKILANG KALUWALHATIAN.” 

Sa ARAW NG PAGHUHUKOM, lalo pang IBAYONG KASAWIAN ANG SASAPITIN ng mga HINDI SUMUNOD SA MGA UTOS NG DIYOS.

Dahil dito, ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay dapat MANINDIGAN sa PAGLILINGKOD at sa PAGSAMBA sa DIYOS.  Habang PAHIRAP NANG PAHIRAP ANG MUNDO AY LALO NATING DAPAT GUNITAIN ANG IPINANGAKONG PAGBABALIK NG PANGINOON.  Ang kasalukuyang  mga kaganapan ay nagbabadyang malapit na ang araw ng kanilang kaligtasan.  Ito ang pag-asang ating tinatanaw.


PAGSUSURI SA ARAL NG SAKSI NI JEHOVAH - PART 4

Mga larawang madalas nating nakikita sa kanilang publikasyon
tungkol sa isang LUPANG PARAISO na mangyayari daw sa ating daigdig
sa KAARAWAN NI JEHOVAH.



Ang mga SAKSI NI JEHOVA ay may kakaibang paniniwala tungkol sa nalalapit na muling pagparito ni Cristo na siya ring ARAW NG PAGHUHUKOM. Para sa kanila ang LUPA o ang DAIGDIG na ito ay HINDI MASISIRA kundi ito’y magiging BAGONG PARAISO. At madalas na iyan ay makikita natin sa kanilang mga publikasyon (BANTAYAN at GUMISING at iba pang mga aklat). Sa kanilang paglalarawan ay isang makulay at napagandang paraiso na kung saan ang mga tao ay maligaya, maamo ang mga hayop at isang napakagandang daigdig na kung tawagin nga nila’y BAGONG KALAKARAN.

At siyempre upang makahikayat ng tao at patunayan na ang paniniwala nilang ito’y totoo sila’y gumagamit din ng Biblia, bagamat WALANG MABABASANG TUWIRAN o DIRETSAHAN sa BIBLIA tungkol sa isang BAGONG PARAISONG DAIGDIG ay may mga talata silang ginagamit na tumutukoy daw dito, narito ang isa.

Ecclesiastes 1:4  
“Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”

Ginagamit nila ang talatang ito upang patunayan na ang mundong ito diumano ay hindi WAWASAKIN ni JEHOVAH at ito’y gagawing isang BAGONG PARAISO.

Kaya nga ang mga matatapat na mga SAKSI raw na hindi kabilang sa 144,000 [mga tanging tao lamang na aakyat sa langit] ay magmamana ng LUPANG PARAISONG ito at may ginagamit din nila siyempre ang talatang ito.

Mateo 5:5  
“Mapapalad ang maaamo: sapagka't MAMANAHIN NILA ANG LUPA.”

Na iniuugnay din nila sa talatang ito.

Awit 37:29  
“MAMANAHIN NG MATUWID ANG LUPAIN, at tatahan doon magpakailan man.”

Subalit kahit ang mga kaibigan nating mga SAKSI NI JEHOVAH ay hindi tututol na sa Biblia ay WALANG SALUNGATAN o WALANG KONTRADIKSIYON.

Bakit natin nasabi iyon? Dahil may sinabi ang PANGINOONG JESUCRISTO na ganito.

Mateo 24:35  
“ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”

Kung ang LUPA AY LILIPAS sabi ni Cristo, bakit sabi sa Ecclesiastes 1:4 ang LUPA AY MANANATILI? Hindi ba lalabas niyan na KINONTRA NI CRISTO ang sinabi sa aklat na iyon?

Subalit gaya nga ng ating nasabi na,  sa BIBLIA kailanman ay hindi magkakaroon ng KONTRADIKSIYON.

Samakatuwid ang tinutukoy ni CRISTO na LUPANG LILIPAS ay iba sa LUPANG sinasabi sa Ecclesiastes 1:4 na LUPANG MANANATILI.

Kasi nga kung sasabihin na pareho sila ng LUPA na tinutukoy lalabas ngayon na ito’y isang NAPAKALAKING SALUNGATAN o KONTRADIKSIYON.

TANONG: Kaya ating liwanagin, alin ba iyong LUPA na binabanggit ni Cristo na lilipas at papaano ba ito lilipas? Basahin natin ang nakasulat sa 2 Pedro 3:10 at 7.

2 Pedro 3:10 “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG.”

2 Pedro 3:7 “Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ANG LUPA, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM AT NG PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

Maliwanag kung gayon na ANG LUPANG TINUTUKOY NI CRISTO NA LILIPAS ay ang DAIGDIG na ito ang mundong ating tinitirhan ngayon. Ito ay WAWASAKIN ng Diyos sa pamamagitan ng PAGSUNOG, na ito nga ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM o PAGLIPOL SA LAHAT NG TAONG MASAMA.

At ang sinabing ito ni APOSTOL PEDRO ay suportado mismo ng PANGINOONG DIYOS, ganito ang sabi sa aklat ng PROPETANG SI ZEFANIAS.

Zefanias 1:2  “AKING LUBOS NA LILIPULIN ANG LAHAT NA BAGAY SA IBABAW NG LUPA, SABI NG PANGINOON.”

Zefanias 1:3  “Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.”

Zefanias 1:14  “Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.”

Zefanias 1:15  “Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,”

Zefanias 1:18  “Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ANG BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY NG KANIYANG PANINIBUGHO: SAPAGKA'T WAWAKASAN NIYA, OO, ISANG KAKILAKILABOT NA WAKAS, NILANG LAHAT NA NAGSISITAHAN SA LUPAIN.”

Kaya maliwanag na NAGKAMALI ng PAGKAUNAWA ang mga mga SAKSI NI JEHOVA. Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na LUPA NA MANANATILI ay HINDI ang DAIGDIG na ito. Maliwanag na maliwanag na ang MUNDONG ITO AY WAWASAKIN AT WAWAKASAN NG DIYOS…ISANG MALINAW NA KATIBAYAN NA HINDI ITO ANG LUPANG TINUTUTUKOY NA MANANATILI SA Ecclesiastes 1:4.

TANONG: Kung gayon ano iyong LUPANG MANANATILI na tinutukoy sa aklat ng Ecclesiastes 1:4 na siya ring sinasabi na mamanahin sa Mateo 5:5 at Awit 37:29?

Hebreo 11:16 
“NGUNI'T NGAYON AY NAGNANASA SILA NG LALONG MAGALING NA LUPAIN, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

Ang LUPA o LUPAIN na sinasabing MANANATILI magpakailanman na MAMANAHIN ng mga MALILIGTAS ay ang MAS LALONG MAGALING NA LUPAIN NA NASA LANGIT.

Hindi ang lupa o ang daigdig na ito ang ibibigay sa mga maliligtas upang kaniyang tahanan magpakailanman kundi ang BAGONG LANGIT at ang BAGONG LUPA ang BAYANG BANAL ang BAGONG JERUSALEM.

Apocalypsis 21:1-4 
“AT NAKITA KO ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG LUPA: SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; AT ANG DAGAT AY WALA NA.  AT NAKITA KO ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, NA NANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ANG DIOS DIN AY SASA KANILA, AT MAGIGING DIOS NILA: AT PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”

Ito ang MALUWALHATING TAHANAN na MAMANAHIN ng mga TUNAY NA MALILIGTAS, nasa LANGIT ito ngayon, at mananaog ito pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM. Ang BAYANG BANAL na siyang inihanda ng DIYOS upang TAHANAN ng TAO MAGPAKAILANMAN.