Tuesday, December 29

BAKIT HINDI LUMALABAN SA DEBATE ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG IGLESIA NI CRISTO?



HINDI TUNGKULIN NG TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN NG IGLESIA NI CRISTO ANG PAKIKIPAG-DEBATE

Itinatanong ng iba:

"Bakit hindi lumalaban sa anumang DEBATE ang PUNO ninyo sa IGLESIA NI CRISTO? Takot ba ang PUNO ninyo na lumaban sa mga anumang DEBATE o natatakot na malantad sa iba na wala talagang nalalaman ang inyong PUNO?"

Ito ang madalas na itanong ng iba lalung-lalo na ng mga kaanib ng relihiyong MEMBERS CHURCH OF GOD INTERNATIONAL (MCGI) o kilala sa tawag na ADD (ANG DATING DAAN). Ang nagpapakilalang PUNO ng samahang ito ay nag-anyaya ng isang hamon ng debate sa PLAZA ayon sa kaniya handa siyang makipag-debate sa LAHAT NG PASTOR, LAHAT NG MINISTRO NG IGLESIA. Ang hamong ito ay tinanggap ng mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO. Nang malaman ng samahang ADD na tinatanggap ng IGLESIA NI CRISTO ang hamon niyang debate sa PLAZA ay bigla namang niyang ipinahayag sa telebisyon na HINDI NAMAN DAW IGLESIA NI CRISTO ANG HINAHAMON NIYA. Subalit sa unang pahayag niya na LAHAT ANYA ng PASTOR, LAHAT ANYA NG MGA MINISTRO NG IGLESIA AY HANDA NIYANG MAKALABAN NG DEBATE SA PLAZA pero ito ay AGAD NIYANG BINAWI NA HINDI NAMAN DAW IGLESIA NI CRISTO ANG HINAHAMON NIYA pero malinaw naman na ang tinutukoy niya ay LAHAT NG MINISTRO NG IGLESIA samakatuwid KASAMA RIN DITO ANG MGA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO.

Sumunod na pagkakataon ay hinamon ng samahan ng ADD sa maginoong pakikipagdiskusyon ang MGA MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO nagkaroon ng PAG-UUSAP AT KASULATAN NA NILAGDAAN NG MGA MANGGAGAWA ng samahang ADD para sa PRE-DEBATE CONFERENCE upang pag-usapan ang tema at kung kailan gaganapin ang naturang DEBATE. Subalit sa mismong araw ng PRE-DEBATE CONFERENCE na nilagdaan ng mga manggagawa ng ADD ay HINDI NAGSIPAGPUNTA o HINDI SUMIPOT sa naturang usapan. Ayon sa kanila ay hindi sila pinahihintulutan ni ELISEO SORIANO na makipag-debate sa MGA MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO sa PLAZA ang nais ni ELISEO SORIANO ay magdebate sila HINDI sa PLAZA.

Nagkaroon muli ng paghahamon sa panig mismo ng samahang ADD at ito ay tinanggap muli ng mga MINISTRO ng IGLESIA  NI CRISTO subalit ang nais ni ELISEO SORIANO ay PUNO sa PUNO ang magde-debate. Ang nais ni ELISEO SORIANO ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO ang makaka-debate niya.

Ang paninindigan ni ELISEO SORIANO ay PUNO sa PUNO subalit sa lahat ng mga nakadebate ni ELISEO SORIANO kahit  isa ay wala pa siyang PUNO ng isang relihiyon ang kaniyang hinamon. Ang mga naka-debate noon ni ELISEO SORIANO ay hindi naman mga PUNO pero pagdating sa IGLESIA NI CRISTO ayaw niyang makadebate ang mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO dahil ang nais niyang makalaban ay ang PUNO daw ng IGLESIA NI CRISTO. SA IGLESIA NI CRISTO LAMANG SIYA NAGDEMAND NA ANG GUSTO NIYANG MAKADEBATE AY ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN subalit sa lahat ng mga relihiyon na kaniyang nakadebate ni isa ay wala siyang hinamon na PUNO.

Dahil sa hindi sumang-ayon ang IGLESIA NI CRISTO sa nais ni ELISEO SORIANO ay hinamon muli nila ang IGLESIA NI CRISTO na gumawa ng KASULATAN na may lagda ng TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN na kapag natalo ang MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO ay talo n rin ang TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN at ang BUONG IGLESIA  NI CRISTO at ito ay tinanggap naman ng IGLESIA NI CRISTO subalit nagbago na naman ang isip ng samahang ADD dahil ang gusto niyang makadebate ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.

Nakakatawang isipin na kung sino pa ang NAGHAHAMON siya pa ang NAGDEDEMAND kung sino pa ang naghahamon siya pa ang NAMIMILI ng gusto niyang makalaban sa DEBATE. Pero pagdating sa ibang relihiyon ay wala siyang dine-demand at wala siyang pinipili kahit sino sa kanila handa niyang makalaban sa debate. Ngunit pagdating sa IGLESIA NI CRISTO na HINAHAMON nila ay sila pa talaga ang NAGDEDEMAND. Ang PUNO ng IGLESIA NI CRISTO ang gusto niyang makalaban sa debate.

Nais lamang namin na ibahagi na ang tumatayong TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO ay hindi kinikilala ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO bilang PUNO ng IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Sino ang kinikilalang PUNO ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO?

Juan 15:5
"AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa."

Hebreo 3:6
"Datapuwa't SI CRISTO, gaya ng anak AY PUNO SA BAHAY NIYA; NA ANG BAHAY NIYA AY TAYO, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan."

Ang kinikilalang PUNO ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO ay ang PANGINOONG JESUCRISTO.

TANONG: Sino ba ang tinutukoy na "TAYO" sa talata na; "ANG BAHAY NIYA AY TAYO"?

Efeso 5:30 
"Sapagka't TAYO AY MGA SANGKAP NG KANIYANG KATAWAN."

Ang tinutukoy na "TAYO" ay mga sangkap ng KATAWAN o mga MIYEMBRO o mga KAANIB ng KATAWAN.

Sa saling KING JAMES VERSION ay maliwanag ang pagkakasalin ng talatang Efeso 5:30.

Ephesians 5:30 King James Version
"FOR WE ARE MEMBERS OF HIS BODY..."

Sa Filipino:

Efeso 5:30 King James Version
"SAPAGKA'T TAYO AY MGA KAANIB NG KANIYANG KATAWAN..."

TANONG: Ano ba ang tinutukoy na KATAWAN na dito KAANIB o MEMBER ang mga taong kumikilala kay CRISTO bilang kanilang PUNO?

Colosas 1:18
"AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA."

I-SUMMARY natin ang pahayag ng mga talata:

  • Si CRISTO ang PUNO sa Kaniyang BAHAY.
  • Si CRISTO ang ULO ng IGLESIA na Kaniyang KATAWAN.
  • Ang mga SANGA ng PUNO ay ang mga KAANIB o MEMBER sa KATAWAN ni CRISTO ay nasa IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO.

Kaya isang pagkakamali na HAMUNIN ang PUNO ng IGLESIA NI CRISTO sapagkat ang HINAHAMON niya ay ang PANGINOONG JESUCRISTO mismo na Siyang kinikilalang PUNO ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Bakit nga ba hindi maaaring humarap sa DEBATE ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN?

Sa katunayan HINDI TUNGKULIN o GAWAIN ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN sa IGLESIA NI CRISTO ang humarap sa anumang DEBATE. Bakit? Sapagkat HINDI ITO ANG TUNGKULIN NA SA KANIYA AY INIATANG.

Tandaan natin na ang DIYOS ang naglagay ng mga MAY TUNGKULIN sa IGLESIA, ngunit ANG MGA TUNGKULING ITO AY HINDI PARE-PAREHO ANG GAWAIN. Ganito ang mababasa sa:

1 Corinto 12:28-30
At ANG DIOS AY NAGLAGAY NG ILAN SA IGLESIA, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, MGA PAMAMAHALA, at iba't ibang mga wika. Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala? May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag?

Roma 12:4-8
“Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ANG LAHAT NG MGA SANGKAP AY HINDI PAREHO ANG GAWAIN: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa. AT YAMANG MAY MGA KALOOB NA NAGKAKAIBAIBA AYON SA BIYAYA NA IBINIGAY SA ATIN, KUNG HULA, AY MANGANGHULA TAYO AYON SA KASUKATAN NG ATING PANANAMPALATAYA; O KUNG MINISTERIO, AY GAMITIN NATIN ANG ATING SARILI SA ATING MINISTERIO; O ANG NAGTUTURO, AY SA KANIYANG PAGTUTURO. O ANG UMAARAL, AY SA KANIYANG PAGARAL: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.”

Ang DIYOS ang Siyang NAGLALAGAY at NAGKAKALOOB ng mga TUNGKULIN sa IGLESIA. Ang BAWAT TUNGKULIN na inilagay ng Diyos SA IGLESIA ay IBA-IBA NG GAWAIN NA GINAGAMPANAN.

Kaya nga ang banggit sa talata ay "ANG LAHAT NG MGA SANGKAP AY HINDI PAREHO ANG GAWAIN", "AT YAMANG MAY MGA KALOOB NA NAGKAKAIBAIBA AYON SA BIYAYA NA IBINIGAY SA ATIN, KUNG HULA, AY MANGANGHULA TAYO AYON SA KASUKATAN NG ATING PANANAMPALATAYA O KUNG MINISTERIO, AY GAMITIN NATIN ANG ATING SARILI SA ATING MINISTERIO; O ANG NAGTUTURO, AY SA KANIYANG PAGTUTURO; O ANG UMAARAL, AY SA KANIYANG PAGARAL."

Hindi ba sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng KAAYUSAN?

TANONG: Nais ba ng Diyos na magkaroon ng KAAYUSAN sa Iglesia?

1 Corinto 14:40
"DATAPUWA'T GAWIN NINYONG MAY KARAPATAN AT MAY KAAYUSAN ANG LAHAT NG MGA BAGAY."

Sa panuntunang ito ng Diyos ay maiiwasan ang sapawan na nagdudulot ng KAGULUHAN. Sa tungkulin na kanilang ginagampanan ay doon lamang sila NAKATUON o NAKA-FOCUS. Mas nagagawa nila ng maayos ang tungkulin na sa kanila ay ipinagkaloob ng Diyos.

TANONG: Para saan ba kung bakit naglagay ang Diyos ng kaniya-kaniyang tungkulin sa Iglesia?

Efeso 4:11-12  Ang Bagong Magandang Balita Biblia
"At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. GINAWA NIYA ITO UPANG IHANDA SA PAGLILINGKOD ANG LAHAT NG MGA BANAL, PARA SA IKATITIBAY NG KATAWAN NI CRISTO, ANG IGLESYA"

Ginawa ng DIYOS ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal para sa IKATITIBAY ng KATAWAN NI CRISTO o ng IGLESIA NI CRISTO. Para sa ikatitibay ng Iglesia ni Cristo.

HALIMBAWA:
Kung sa atin ngang SAMBAHAYAN, sa ESKWELAHAN o sa PAMAYANAN ay mayroong itinatalaga sa kaniya-kaniyang mga gawain, hindi lahat ay gawain din ng lahat. Sa ganito ay nagkakaroon ng maayos na paggawa nakikita ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa.

ANG TUNGKULIN NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN AY HINDI UPANG MAKIPAGDEBATE O HINDI UPANG MAGING TAGAPAGSANGGALANG NG EBANGHELYO.

TANONG: Ang pagiging isang tagapagsanggalang ng Ebangelyo isa ring tungkulin sa Iglesia?

Filipos 1:16
"ANG ISA'Y GUMAGAWA NITO sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay SA PAGSASANGGALANG NG EVANGELIO;"

Ang pagiging isang TAGAPAGSANGGALANG NG EBANGHELYO ay isa ring tungkulin na ang Diyos ang NAGLALAGAY. Kaya nga NAGTATALAGA ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA NI CRISTO ng mga MINISTRONG magiging TAGAPAGSANGGALANG NG EBANGHELYO. Dahil ANG TUNGKULIN NG TAGAPAMAHALA AY UPANG PAMAHALAAN AT PANGISAWAAN ANG BUONG IGLESIA NI CRISTO.

Tandaan na ang pangunaging dahilan ng paglalagay ng Diyos ng PAMAMAHALA sa Iglesia ay para sa ikatitibay nito. Ganito ang nakasulat sa mga talatang:

Efeso 4:11-12
“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; SA IKASASAKDAL NG MGA BANAL, SA GAWAING PAGLILINGKOD SA IKATITIBAY NG KATAWAN NI CRISTO.”

2 Corinto 10:8
“SAPAGKA'T BAGAMAN AKO AY MAGMAPURI NG MARAMI TUNGKOL SA AMING KAPAMAHALAAN (NA IBINIGAY NG PANGINOON SA IKAPAGTITIBAY SA INYO, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.”

Ang gampanin na iniatang sa TAGAPAMAHALANG PANGAKALAHATAN ay NAPAKALAWAK lalo na at parami na ng parami ang mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO. Ang kaniyang tungkulin ay nakatuon sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Sapagkat sila ang may pananagutan upang MAPANGALAGAAN at MAPANGASIWAAN ang IGLESIA. At upang hindi magambala ng iba ang tungkulin ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAATAN ay nag-aatang ang PAMAMAHALA ng mga MINISTRO na magiging KATUWANG niya.

Hebreo 13:17 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
"PASAKOP KAYO AT SUMUNOD SA MGA NAMAMAHALA SA INYO. SILA'Y MAY PANANAGUTANG MANGALAGA SA INYO, AT MANANAGOT SILA SA DIYOS UKOL DIYAN. KUNG SILA'Y SUSUNDIN NINYO, MAGAGALAK SILA SA PAGTUPAD NG KANILANG TUNGKULIN; KUNG HINDI, SILA'Y MAMIMIGHATI, AT HINDI ITO MAKAKABUTI SA INYO."

Ang mga ITINALAGANG mga MINISTRO NG EVANGELIO na mga TAGAPAGSANGGALANG NG EVANGELIO. Sila ang sinusugo ng PAMAMAHALA sa mga DEBATE. Sila ang may BASBAS at DALA NILA ANG PANGALAN NG IGLESIA NI CRISTO at SILA ANG TITINDIG UPANG IPAGTANGGOL ANG ARAL NG IGLESIA NI CRISTO. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng KAAYUSAN sapagkat nagagawa ng TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN na gampanan ang kaniyang tungkulin na pangasiwaan ang Iglesia at maituon niya ang kaniyang gampanin sa Iglesia ni Cristo.

Kung may maghamon man ng debate sa Iglesia ni Cristo laging nakahanda ang mga itinalaga ng PAMAMAHALA na mga MINISTRO na siyang titindig upang ipagtanggol ang aral na itinataguyod sa IGLESIA NI CRISTO. Sila ang may basbas at ang pagsasanggalang sa Ebanghelyo ang tungkulin na sa kanila ay ipinagkaloob.

Ang IGLESIA NI CRISTO ngayon ay hindi na tulad noon na maliit na samahan at bilang lang sa mga kamay ang mga kaanib. ANG KAPATID NA FELIX MANALO NA NOO'Y SIYA PA LAMANG ANG NANGANGARAL UKOL SA IGLESIA NI CRISTO AT SIYA LAMANG ANG TUMATAYO SA DEBATE SIYA PA LAMANG ANG NAGTATANGGOL SA EVANGELIO. At dahil sa ang mga kaanib ngayon sa IGLESIA NI CRISTO ay mabilis na dumarami ay NAGTATALAGA na ang PAMAMAHALA ng IBAT IBANG TUNGKULIN sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Sila ay may IBA'T-IBANG GAMPANIN at TUNGKULIN. Ang gawain ng isa ay hindi gawain ng isa.

  • At kung ipipilit nila na ang nais nila ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ang haharap sa DEBATE ay wala silang magagawa.
  • Hindi naman sila ang naglagay sa PAMAMAHALA para utusan ang IGLESIA na ang ihaharap sa DEBATE ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.
  • May sariling tungkulin ang TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN na dapat niyang gawin na sa kaniya ay iniatang ng Diyos.
  • Dahil mas uunahin pa ng mga may tungkulin na ganapin ang gawain na sa kanila ay ipinagkaloob ng Diyos.

Alam na alam ni ELISEO SORIANO na hindi siya papatulan sa DEBATE ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN dahil nalalaman niya na hindi ito ang tungkulin ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Nakahanda naman ang mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO para lumaban sa kaniya sa isang maginoong debate.

  • Subalit maraming pagkakataon na puro siya PANGANGATUWIRAN para hindi matuloy ang debate at maraming kondisyon na gustong mangyari.
  • Ang nakakatawa ay yaong HUMAHAMON ang humihingi ng KONDISYON.
  • Pumayag ang mga Ministro sa KONDISYON subalit NANGATWIRAN na naman para hindi matuloy. Kaya sa huli ang KONDISYON niya ay PUNO sa PUNO.
  • Sa lahat ng kaniyang hinamon tanging ang LIDER lamang ng IGLESIA NI CRISTO ang hinamon niya at ayaw niya na ang mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO ang makakalaban niya sa isang DEBATE.
  • Sa lahat ng relihiyong hinamon niya lahat ay kinalaban niya kahit sino ngunit pagdating sa IGLESIA NI CRISTO ayaw niya ng mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO ang makaharap niya kundi ang nais niya ay ang TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO.
  • Alam na alam niya na hindi talaga siya papatulan ng TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN sapagkat hindi naman ito tungkulin ng TAGAPAMAHALA PANGKALAHATAN.

HALIMBAWA:
Sa BANSA nga natin ay may tumatayong PRESIDENTE subalit hindi ang PRESIDENTE ang SUMASABAK SA LABAN sapagkat mayroon siyang itinalagang mga SUNDALO upang ipagtanggol ang bansa na kaniyang pinamumunuan. Dahil ANG TUNGKULIN NG PRESIDENTE AY PANGALAGAAN AT PANGASIWAAN ANG BANSA HINDI PARA SUMABAK SA ISANG LABANAN.

Walang KINAKATAKUTAN o INAATRASAN ang IGLESIA NI CRISTO sa DEBATE ukol sa BANAL NA KASULATAN. May mga nakatalaga na sa gawaing ito upang sila ang siyang haharap sa debate. Sa pagkakataong ito HINDI MAPAPABAYAAN NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ANG TUNGKULIN NA SA KANIYA AY IPINAGKALOOB NG DIYOS.

Tuesday, December 22

BAKIT MAY ABULUYAN PA?



ANG PAG-AABULOY NA ISINASAGAWA SA PAGSAMBA NG IGLESIA NI CRISTO

Sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO ay may isinasagawang PAG-AABULOY ang mga kapatid. Tangi sa AWIT, ARAL at PANALANGIN.  Naiibigan ng lahat halos ang awit, aral, at panalangin sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO.  Nguni’t alin ang hindi naiibigan ng marami na kadalasan ay pinipintasan at inuusig ng iba?  Ito ang tungkol sa PAG-AABULOY na isinasagawa sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO.

Bakit marami ang UMAAYAW at NATITISOD sa PAG-AABULOY na isinasagawa sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO? 

  • Ipinalalagay nila na ito’y hindi utos ng Diyos, kundi utos lamang ng mga MINISTRO sa IGLESIA NI CRISTO. 
  • Mayroon ding nag-aakala na ang sinasabing pag-aabuloy ay SAPILITAN at isang paraan ng PANLILINLANG. 

Ang iba’t-ibang Iglesia ay may mga abuluyang ginagawa, subalit ang pag-aabuloy na ginaganap sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO ang higit sa lahat ay kinukutya at inuusig ng marami. Dahil dito, kailangang maunawaan ng lahat ang katotohanan at kahalagahan ng ginagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO ayon sa pagpapakilala ng Banal na Kasulatan o Biblia.

TANONG: Utos ba ng Diyos ang isinasagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?

Heb. 13:16
“Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ANG PAGABULOY AY HUWAG NINYONG KALIMUTAN: sapagka't SA MGA GAYONG HAIN ANG DIOS AY TOTOONG NALULUGOD.”

Sino ang nagsasalita sa talatang ito? Si Apostol Pablo. Ano ang utos ng Diyos tungkol sa pag-aabuloy? Ang sabi sa talata “ANG PAG-ABULOY AY HUWAG NINYONG KALIMUTAN.” Bakit hindi ito dapat kalimutan? Sapagkat “SA MGA GAYONG HAIN ANG DIOS AY TOTOONG NALULUGOD.”

TANONG: Mula lamang ba sa sarili ni Apostol Pablo ang kanyang sinalita na itinuro?

I Cor. 14:37
“Kung iniisip ninoman na siya’y propeta, o ayon sa espiritu, ay  kilalanin niya ANG MGA BAGAY NA SA INYO’Y ISINUSULAT KO, NA PAWANG UTOS NG PANGINOON.”

Ang mga turo na isinulat ni Apostol Pablo ay hindi mula sa kanyang sarili kundi pawang UTOS ng DIYOS.  Kung gayon, sino ang may utos sa isinasagawang pag-aabuloy sa Iglesia ni Cristo?  Ang DIYOS. Kaya, mabuti ba ang isinasagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  MABUTI.  Bakit mabuti?  Sapagka’t sumusunod ang Iglesia Ni Cristo sa utos ng Diyos at nagagawa ang TOTOONG NAKALULUGOD sa Kaniya. 

TANONG: Ikababanal ba ang pagsunod sa mga utos o mga salita ng Diyos?

Juan 17:17
“PAKABANALIN MO SILA SA KATOTOHANAN: ANG SALITA MO'Y KATOTOHANAN.”

Ikababanal. Bakit? Sapagkat ang mga SALITA o UTOS ng DIYOS ay may kapangyarihang MAKAPAGPABANAL sa tao.

TANONG: Masama ba naman ang umaayaw at natitisod sa pag-aabuloy na ginagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?

1 Juan 3:4
“ANG SINOMANG GUMAGAWA NG KASALANAN AY SUMASALANGSANG DIN NAMAN SA KAUTUSAN: at ANG KASALANAN AY ANG PAGSALANGSANG SA KAUTUSAN.”

MASAMA.  Bakit masama?  Sapagka’t ito’y PAGSALANSANG SA UTOS NG DIYOS.  Kaya isang KASALANAN ang SUMALANSANG sa UTOS ng DIYOS.

TANONG: Gaano ang halagang dapat ipagkaloob sa pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo? 

II Cor. 9:7
“MAGBIGAY ANG BAWA'T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't INIIBIG NG DIOS ANG NAGBIBIGAY NA MASAYA.”

Ang mga ministro ba ng Iglesia ni Cristo ang nagtatakda ng halagang dapat ipagkaloob ng mga kapatid?  Hindi. Sino ang nagtatakda ng halagang dapat iabuloy o ihandog?  ANG MISMONG NAG-AABULOY.  Paano at gaano ang kanyang dapat gawin sa pagtatakda?  Ayon sa PASIYA NG KANYANG PUSO NA HINDI MAGIGING MABIGAT SA KANYANG LOOB AT NAKATUTUGON NAMAN SA PAG-UUKULAN NA KAILANGAN NG IGLESIA.  Bakit ang nag-aabuloy ang dapat magpasiya mula sa kanyang puso ng abuloy na ipagkakaloob?  Sapagka’t INIIBIG NG DIYOS ANG NAGBIBIGAY NA MASAYA.  Samakatuwid ang pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng IGLESIA NI CRISTO ay HINDI SAPILITAN.  Ito’y KUSANG-LOOB ng mga sumasampalataya at ganap na nakakakilala ng kahalagahan ng pag-aabuloy sa IGLESIA NI CRISTO. 

TANONG: Ano ang ipinamamanhik ni Apostol Pablo sa mga kapatid sa Iglesia na dapat nilang gawin upang ang kanilang pag-aabuloy ay maging kusang-loob at hindi maging gaya ng sapilitan?  

2 Corinto 9:5
“INIISIP KO NGANG KAILANGANG IPAMANHIK SA MGA KAPATID, na mangaunang pumariyan sa inyo, at IHANDA AGAD ANG INYONG ABULOY na ipinangako nang una, UPANG ITO'Y MAIHANDA NA GAYA NG ABULOY, AT HINDI GAYA NG SAPILITAN.”

Gaya ng ipinamamanhik ni Apostol Pablo ay INIHAHANDA NG MGA KAPATID ANG KANILANG ABULOY. 

TANONG: Paano inihahanda ng mga unang kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang kanilang abuloy o handog?

1 Corinto 16:2
“TUWING UNANG ARAW NG SANGLINGGO ANG BAWA'T ISA SA INYO AY MAGBUKOD NA MAGSIMPAN, AYON SA KANIYANG IGINIGINHAWA, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.”

IBINUBUKOD na ISINISIMPAN ng mga kapatid ang kanilang abuloy na itinakda nila na PASIYA NG KANILANG PUSO AYON SA KANILANG IGINIGINHAWA TUWING UNANG ARAW NG SANLINGGO.  Kaya hindi sapilitan ang kanilang pag-aabuloy.  HINDI SILA PINIPILIT NI NAPIPILITANG MAG-ABULOY, kundi KUSANG-LOOB na ginagawa nila ang pag-aabuloy na kinikilalang kanilang TUNGKULIN at PANANAGUTAN sa Diyos.  Talagang pinaghahandaan ng mga sumasampalataya ang pag-aabuloy ng IGLESIA NI CRISTO.  Malulugi ba naman ang lubos na tumatalaga sa pag-aabuloy?  Hindi.  Naghihirap ba ang nagkakaloob ng saganang abuloy?  Hindi rin?  Bakit?  Sapagka’t may pangakong biyaya ang Diyos na matatamo ng mga tumatalaga at hindi nagpapabaya sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia Ni Cristo.

TANONG: Ano ang biyayang matatamo na ipinangangako ng Diyos sa mga tumatalaga sa pag-aabuloy na isinasagawa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?

2 Corinto 9:8-10
“AT MAAARING GAWIN NG DIOS NA ANG LAHAT NG BIYAYA AY MAGSISAGANA SA INYO; UPANG KAYO, NA MAYROONG LAGING BUONG KAYA SA LAHAT AY MAGSIPANAGANA SA BAWA'T MABUTING GAWA: Gaya ng nasusulat, SIYANG NAGSABOG, SIYANG NAGBIGAY SA MGA DUKHA; ANG KANIYANG KATUWIRAN AY MANANATILI MAGPAKAILAN MAN. At ANG NAGBIBIGAY NG BINHI SA NAGHAHASIK AT NG TINAPAY NA PINAKAPAGKAIN, AY MAGBIBIGAY AT MAGPAPARAMI NG INYONG BINHI UPANG IHASIK, AT MAGDARAGDAG NG MGA BUNGA NG INYONG KATUWIRAN.”

Ano ang biyayang matatamo na ipinangangako ng Diyos sa mga tumatalaga sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  MAAARING GAWIN NG DIYOS SA KANILA NA SILA’Y PASAGANAIN SA LAHAT NG MGA BIYAYA.  Maaaring pagpalain ng Diyos ang kanilang KABUHAYAN at HANAPBUHAY.  Sila’y sasagana rin sa lahat ng gawang mabuti.  Ang mga nagsasabog ng aral o ang mga nangangaral ng mga salita ng Diyos at ang mga nagbibigay o tumutustos sa gawain sa pamamagitan ng pag-aabuloy ay mananatili ang kanilang kabanalan magpakailanman.  Hindi lamang mananatili ang kanilang kabanalan kundi MAGDARAGDAG ITO NG BUNGA NG KANILANG KABANALAN SA KANILANG PAGLILINGKOD SA DIYOS.

Natutupad ang pangakong ito ng Diyos:

  • Sa mga kapatid na sadyang tumatalaga sa PAGBUBUKOD at PAGSISIMPAN ng kanilang abuloy o handog sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo.
  • PINUPUSPOS SILA NG BIYAYA NG DIYOS SA KANILANG PAMUMUHAY AT PAGHAHANAPBUHAY. 
  • Ang kanilang MASIGLANG PAGLILINGKOD ay sumasagana sa mga BUNGA NG KABANALAN. 
  • HINDI SILA NANGHIHINA sa kanilang PANANAMPALATAYA. 
  • HINDI SILA NATITISOD kundi namamalagi sa PAGTUPAD ng mga salita ng Diyos at PAGTATAPAT sa kanilang TUNGKULIN sa Iglesia. 

Sino naman ang kusang pinagkakaitan ng mga biyaya at pagpapala ng Diyos?  Sino ang mga matitisurin?

  • MGA DI KAKITAAN NG BUNGA NG KABANALAN AT MGA GAWANG MABUTI.
  • MGA NANLULUPAYPAY SA PAGLILINGKOD.
  • HINDI MAKAPANATILI SA PAGTUPAD NG KANILANG TUNGKULIN at kadalasan ay mga NAHIHIWALAY SA PANANAMPALATAYA. 
  • Ang mga kapatid na AYAW MAGTALAGA SA PAG-AABULOY.  Ang mga NATITISOD at HINDI SUMASAMPALATAYA SA KAHALAGAHAN NG PAG-AABULOY NA UTOS NG DIYOS sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo.

TANONG: Bakit binibiyaya at pinagpapala ang mga tumatalagang lubos sa pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo?  Ito ba ang sukatan ng Diyos sa pagkakaloob Niya ng Kanyang mga biyaya? 

2 Corinto 9:6
“DATAPUWA'T SINASABI KO, ANG NAGHAHASIK NG BAHAGYA NA AY MAGAANI NAMANG BAHAGYA NA; AT ANG NAGHAHASIK NA SAGANA AY MAGAANI NAMANG SAGANA.”

Ano ang sukatan ng Diyos sa pagkakaloob Niya ng Kanyang mga biyaya?  ANG NAGHAHASIK NG BAHAGYA NA AY MAG-AANI NAMANG BAHAGYA NA AT ANG NAGHAHASIK NA SAGANA AY MAG-AANI NAMANG SAGANA.  Datapuwa’t masama ba naman na mag-abuloy ng malaki sa layong tumanggap naman ng malaking biyaya sa Diyos?  Hindi masama ang mag-abuloy ng malaki, kundi ANG MASAMA AY ANG MASAKIM NA LAYUNIN NA KAYA LAMANG MAGKAKALOOB NG SAGANA AY SA HANGAD NA BIYAYAIN NAMAN NG SAGANA. 

TANONG: Ano ang tawag sa ganitong uring paghahasik o pagkakaloob ng abuloy o handog?

Galacia 6:7-8
“HUWAG KAYONG PADAYA; ANG DIOS AY HINDI NAPABIBIRO: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya naman aanihin niya. SAPAGKA'T ANG NAGHAHASIK NG SA KANIYANG SARILING LAMAN AY SA LAMAN MAGAANI NG KASIRAAN; DATAPUWA'T ANG NAGHAHASIK NG SA ESPIRITU AY SA ESPIRITU MAGAANI NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.”

ANG PAGKAKALOOB NG SAGANANG ABULOY SA LAYUNING TUMANGGAP NAMAN NG MASAGANANG BIYAYA AY HINDI PAG-ABULOY NA AYON SA ESPIRITU O AYON SA KALOOBAN NG DIYOS.  Ang ganitong uri ng pag-aabuloy ay tinatawag na PAG-AABULOY NA AYON SA LAMAN. 

Anu-ano pa ang pag-aabuloy na ayon sa laman? 

  • Ang pag-aabuloy ng malaki upang mapuri ng iba.
  • Ang nag-aabuloy dahil sa nahihiya kung hindi siya magkaloob.
  • Ang nagbibigay naman alang-alang sa pagbibigay lamang sa kaninuman at iba’t-iba pang katulad nito ay mga pag-aabuloy na ayon sa laman. 

Ang ganitong uri ng pag-aabuloy ay HINDI MAGTATAMO NG BUHAY NA WALANG HANGGAN kundi MAG-AANI NG KASIRAAN SA LAMAN. 

TANONG: Sino ang naghandog ng abuloy na hindi ayon sa kalooban ng Diyos at nag-ani ng kasiraan sa laman o nangapahamak? 

Gawa 4:32-37
“At ANG KARAMIHAN NG MGA NAGSISAMPALATAYA AY NANGAGKAKAISA ANG PUSO AT KALULUWA: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan. At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat. Sapagka't wala sinomang nasasalat sa kanila: palibhasa'y IPINAGBILI NG LAHAT NG MAY MGA LUPA O MGA BAHAY ANG MGA ITO, AT DINALA ANG MGA HALAGA NG MGA BAGAY NA IPINAGBILI, AT ANG MGA ITO'Y INILAGAY SA MGA PAANAN NG MGA APOSTOL: AT IPINAMAMAHAGI SA BAWA'T ISA, AYON SA KINAKAILANGAN NG SINOMAN. At si Jose, na pinamagatang Bernabe ng mga apostol (na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral), isang Levita, tubo sa Chipre, Na may isang bukid, ay ipinagbili ito, at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.”

Gawa 5:1-10
“Datapuwa't isang lalake na tinatawag na ANANIAS, na kasama ng kaniyang asawang si SAFIRA, AY NAGBILI NG ISANG PAGAARI, AT INILINGID ANG ISANG BAHAGI NG HALAGA, NA NALALAMAN DIN ITO NG KANIYANG ASAWA, at dinala ang isang bahagi, at inilagay sa mga paanan ng mga apostol. Datapuwa't SINABI NI PEDRO, ANANIAS, BAKIT PINUSPOS NI SATANAS ANG IYONG PUSO UPANG MAGSINUNGALING SA ESPIRITU SANTO, AT UPANG MAGLINGID NG ISANG BAHAGI NG HALAGA NG LUPA? NANG YAO'Y NANANATILI PA, HINDI BAGA YAO'Y NANATILING IYONG SARILI? AT NANG MAIPAGBILI NA, HINDI BAGA NASA IYO RING KAPANGYARIHAN?  ANO'T INISIP MO PA ANG BAGAY NA ITO SA IYONG PUSO? HINDI KA NAGSINUNGALING SA MGA TAO, KUNDI SA DIOS. AT NANG MARINIG NI ANANIAS ANG MGA SALITANG ITO AY NAHANDUSAY AT NALAGOT ANG HININGA: at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito. At nagsitindig ang mga kabinataan at siya'y binalot, at kanilang dinala siya sa labas at inilibing. At may tatlong oras ang nakaraan, nang ANG KANIYANG ASAWA, NA DI NALALAMAN ANG NANGYARI, AY PUMASOK. AT SINABI SA KANIYA NI PEDRO, SABIHIN MO SA AKIN KUNG IPINAGBILI NINYO NG GAYON ANG LUPA.  AT SINABI NIYA, OO, SA GAYON. DATAPUWA'T SINABI SA KANIYA NI PEDRO, BAKIT KAYO'Y NAGKASUNDO UPANG TUKSUHIN ANG ESPIRITU NG PANGINOON? NARITO, NANGASA PINTUAN ANG MGA PAA NG MGA NAGSIPAGLIBING SA IYONG ASAWA, AT KANILANG DADALHIN KA SA LABAS. AT PAGDAKA'Y NAHANDUSAY SA PAANAN NIYA ANG BABAE, AT NALAGOT ANG HININGA: AT NAGSIPASOK ANG MGA KABINATAAN AT NASUMPUNGAN SIYANG PATAY, AT SIYA'Y KANILANG INILABAS AT INILIBING SIYA SA SIPING NG KANIYANG ASAWA.”

Ang mag-asawang ANANIAS at SAFIRA.  Nang panahon ng mga APOSTOL na maliit pa ANG IGLESIA NI CRISTO NAGKAISANG PUSO ANG MGA SUMASAMPALATAYA NA IPAGBILI ANG LAHAT NG KANILANG MGA TINATANGKILIK NA PAG-AARI MAGING LUPA O BAHAY MAN UPANG TUSTUSAN ANG PANGANGAILANGAN NG IGLESIA SA GAWAING PAGPAPALAGANAP nito sa madaling panahon.  Ang lahat ng halagang kanilang napagbilhan ay dapat ibigay na lahat sa mga Apostol upang pangasiwaan.  Ano ang ginawa ng mag-asawang Anaias at Safira?  Nagbili sila ng kanilang tinatangkilik subalit ISANG BAHAGI LAMANG ANG KANILANG IBINIGAY SA MGA APOSTOL AT KINUHA NILA ANG ISANG BAHAGI PARA SA KANILANG SARILI.  NAG-ABULOY SILA NG AYON SA LAMAN SAPAGKA’T SILA’Y HINDI LUBOS NA NAKIPAGKAISA AT PINAG-ALINLANGANAN ANG KATAPATAN NG MGA APOSTOL.  Ano ang nangyari sa kanila?  Sila’y napahamak at nangamatay noon din. Dahil dito DAPAT ISAGAWA ANG PAG-AABULOY AYON SA KALOOBAN NG DIYOS. 

TANONG: Bakit pananagutang hindi maiiwasan ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ang pag-aabuloy?    

Galacia 6:6
“DATAPUWA'T ANG TINUTURUAN SA ARAL NG DIOS AY MAKIDAMAY DOON SA NAGTUTURO SA LAHAT NG MGA BAGAY NA MABUTI.”

Sapagka’t ang mga tinuruan sa mga aral ng Diyos ay makiramay doon sa nagtuturo sa kanila ng lahat ng mga bagay na mabuti.  Paano nila dadamayan?  SA PAMAMAGITAN NG KANILANG ISINASAGAWANG PAG-AABULOY SA PAGSAMBA.  Bakit ang pagdamay sa nagtuturo ng aral ng Diyos ay sa pamamagitan ng pag-aabuloy sa pagsamba?  SAPAGKA’T IYON AY HINDI PAGDAMAY SA SARILING KAPAKANAN NG NAGTUTURO KUNDI SA PAGTULONG SA KAPAKANAN NG GAWAIN NG DIYOS NA PINAG-UUKULAN NG ABULOY.  Ang Diyos ay totoong nalulugod sa pag-aabuloy hindi sapagka’t kailangan ng Diyos sa Kanyang sarili ang abuloy.  Hindi nangangailangan ng anumang tulong ang Diyos sapagka’t mayroon Siya ng lahat ng mga bagay at ang lahat ng mga bagay ay Kanya.  Ngunit bakit ang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay totoong nakalulugod sa Diyos?  Sapagka’t ITO ANG GINAGAMIT NA KASANGKAPAN UPANG MATUSTUSAN ANG BANAL NA GAWAIN NG DIYOS SA LUPA NA PINAG-UUKULAN NG ABULOY SA IGLESIA NI CRISTO.

TANONG: Anu-ano ba ang banal na gawain ng Diyos sa lupa na pinag-uukulan ng pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia Ni Cristo?
    
2 Corinto 9:12-13
“SAPAGKA'T ANG PANGANGASIWA SA PAGLILINGKOD NA ITO AY HINDI LAMANG TUMATAKIP SA PANGANGAILANGAN NG MGA BANAL, KUNDI NAMAN UMAAPAW SA PAMAMAGITAN NG MARAMING PAGPAPASALAMAT SA DIOS; PALIBHASA'Y SA PAGSUBOK SA INYO SA PAMAMAGITAN NG MINISTERIONG ITO AY NILULUWALHATI NILA ANG DIOS DAHIL SA PAGTALIMA NG INYONG PAGKILALA SA EVANGELIO NI CRISTO, AT DAHIL SA KAGANDAHANG-LOOB NG INYONG AMBAG SA KANILA AT SA LAHAT.”

Ang Iglesia Ni Cristo ay may PANGANGASIWA.  Pinangangasiwaan ang paglilingkod at tinatakpan ang lahat ng pangangailangan ng Iglesia sa pamamagitan ng wastong paggamit ng abuloy ng mga kapatid.  GINUGUGULAN NG PANGANGASIWA ANG WALANG LIKAT NA PAGPAPALAGANAP NG PANGANGARAL NG EBANGHELYO SA LAHAT NG DAKO.  Ano ang nagiging bunga ng walang tigil na pagpapakilala ng Ebanghelyo ni Cristo?  Dumarami ang mga taong nakakakilala ng wastong pagsamba at pagpapasalamat sa Diyos.  Kaya sa kasalukuyan, ANG IGLESIA NI CRISTO AY LUMALAGANAP AT PATULOY SA MABILIS NA PAGLAGO.  Dahil dito, ano ngayon ang pangangailangan ng Iglesia na dapat takpan o tugunan ng pangangasiwa?  ANG PAGPAPAGAWA NG MAGAGANDA AT MALALAKING KAPILYA NA PAGDARAUSAN NG MAAYOS NA PAGSAMBA NG LIBU-LIBONG MGA KAPATID.  Kaya sa kasalukuyan, ANG IGLESIA NI CRISTO AY NAKAPAGPAGAWA NA NG MARAMING MGA MALALAKING KAPILYA NA KONGKRETO DITO SA MAYNILA AT GAYUNDIN SA IBA’T-IBANG LALAWIGAN MAGING SA IBAYONG DAGAT.  HANGGANG NGAYON AY NAGPAPATULOY PA RIN ANG PAGPAPAGAWA NG MGA MODERNONG KAPILYA NA NAGKAKAHALAGA NG MILYON-MILYON AT DAAN-DAANG LIBONG PISO.  NAKABILI NA AT PATULOY PA RING BUMIBILI NG MALALAWAK NA SUKAT NG LUPA NA PINAGTAYUAN AT PAGTATAYUAN PA NG MGA BAGONG KAPILYA.  Saan kumukuha ang Iglesia Ni Cristo ng ganitong napakalaking halaga upang gugulin sa gawain ng Diyos dito sa lupa?  Ang Iglesia Ni Cristo ay hindi naman humihingi ng tulong sa kaninuman, hindi naman nagpapabenepisyo at lalong hindi nagpapaloterya na gaya ng ginagawa ng mga iba sa kanilang pagpapakumpuni at pagpapatayo ng kanilang simbahan.  ITO’Y SARILING GUGOL NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAMAGITAN NG MGA ABULOY NG MGA KAPATID NA INIINGATAN NG PANGANGASIWA SA MATAPAT NA PAGGUGOL.  KAYA NAKIKITA NG MGA KAPATID SA IGLESIA NI CRISTO NA HINDI SILA DINARAYA NI NILILINLANG NG PANGANGASIWA.  NATITIYAK NILANG HINDI SILA PINAGSASAMANTALAHAN SA KANILANG PAG-AABULOY, SAPAGKA’T HAYAG NA NASASAKSIHAN NILA NA ITO’Y MATAPAT NA GINUGUGOL SA PINAG-UUKULAN NA KALUWALHATIAN NG DIYOS.  Kaya ang Diyos ay totoong nalulugod sa isinasagawang pag-aabuloy sa pagsamba ng Iglesia Ni Cristo.  Ngunit bakit kailangan pang magpatayo ng mga bahay-sambahan ang Iglesia Ni Cristo? Ang pagpapatayo ng mga KAPILYA o GUSALING SAMBAHAN ay mahalaga.  Bakit?  Sapagka’t may pangako ang Diyos na matatamo sa pagsamba sa Kanyang bahay. 

TANONG: Ano ang pangako ng Diyos na matatamo ng sumasamba sa bahay ng Panginoon? 

Hagai 2:7 at 9
“At aking uugain ang lahat na bansa; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at AKING PUPUNUIN ANG BAHAY NA ITO NG KALUWALHATIAN, SABI NG PANGINOON NG MGA HUKBO….Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at SA DAKONG ITO AY MAGBIBIGAY AKO NG KAPAYAPAAN, SABI NG PANGINOON NG MGA HUKBO.”

PUPUNUIN NG DIYOS NG KALUWALHATIAN ANG KANYANG BAHAY AT SA DAKONG IYON MAGBIBIGAY SIYA NG KAPAYAPAAN.

TANONG: Utos ba ng Diyos ang pagpapatayo ng gusaling sambahan at ano ang itinatalaga ng Diyos sa ayaw tumalaga sa pag-aabuloy?

Hagai 1:8
“MAGSIAHON KAYO SA BUNDOK, AT MANGAGDALA NG KAHOY, AT MANGAGTAYO KAYO NG BAHAY; AT AKING KALULUGDAN, AT AKO'Y LULUWALHATI, SABI NG PANGINOON.”
    
Utos ba ng Diyos ang pagtatayo ng bahay-sambahan?  UTOS NG DIYOS.  Sinabi ng Diyos noong una sa Bayang Israel na SILA’Y UMAHON SA BUNDOK, KUMUHA NG KAHOY AT IPAGTAYO SIYA NG BAHAY.  Alin ang bahay ng Panginoon?  Ang GUSALING SAMBAHAN o KAPILYA.  Noong panahong iyon ay wala pang tablerya, kaya pinaaahon sila sa bundok upang kumuha ng kahoy.  Sa panahong ito’y hindi na kailangan ang umahon sa bundok upang kumuha ng kahoy sapagka’t may tablerya nang pagkukunan.  May mga hardware na rin na pagkukunan ng mga bakal at iba pang kailangan sa pagpapatayo ng kongkretong kapilya gaya ng itinatayo ng Iglesia Ni Cristo.  Ngunit paano makukuha roon ang lahat ng ito?  Kailangan ang malaking halagang pambayad kaya hindi maiiwasan ang pag-aabuloy ng mga kapatid upang makapagpatayo ng kapilya. 

TANONG: Ano ang isinusumbat ng Diyos sa ayaw tumalaga sa pagtatayo ng bahay-sambahan?  

Hagai 1:2-4
“Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, HINDI PA DUMARATING ANG PANAHON, ANG PANAHON NG PAGTATAYO NG BAHAY SA PANGINOON. Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi, PANAHON BAGA SA INYO NA TUMAHAN SA INYONG MGA NAKIKISAMIHANG BAHAY, SAMANTALANG ANG BAHAY NA ITO AY NAMAMALAGING WASAK?”

Idinadahilan ng mga ayaw tumulong sa pagpapatayo ng bahay-sambahan na HINDI PA PANAHON NG PAGPAPATAYO NG BAHAY NG DIYOS.  Ano naman ang isinusumbat ng Diyos sa kanila?  SA INYO AY PANAHONG TUMAHAN SA INYONG MGA NAKIKISAMIHANG BAHAY SUBALI’T ANG AKING BAHAY AY PINABABAYAANG WASAK. 

TANONG: May sumpa ba na babala ang Diyos sa mga ayaw umabuloy sa pagpapatayo ng bahay-sambahan?

Hagai 1:5-6 at 10-11
“Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad. KAYO'Y NANGAGHASIK NG MARAMI, AT NAGSISIANI NG KAUNTI; KAYO'Y NAGSISIKAIN, NGUNI'T HINDI KAYO NAGKAROON NG KAHUSTUHAN; KAYO'Y NAGSISIINOM, NGUNI'T HINDI KAYO NANGAPAPATIRANG-UHAW; KAYO'Y NANGANANAMIT, NGUNI'T WALANG MAINIT; AT YAONG KUMIKITA NG MGA PINAGARAWAN AY KUMIKITA NG MGA PINAGARAWAN UPANG ILAGAY SA SUPOT NA MAY MGA BUTAS…Kaya't dahil sa inyo, pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga. At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa LAHAT NG PINAGPAGALAN NG MGA KAMAY.”

Ang maraming mga sumpang ito ang ibinababala ng Diyos na darating sa buhay at pamumuhay ng mga ayaw mag-abuloy sa pagpapagawa ng GUSALING SAMBAHAN. 

TANONG: Ano naman ang pangako ng Diyos sa tumatalaga sa pag-aabuloy?

Hagai 1:13-14
“Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, AKO'Y SUMASAINYO, SABI NG PANGINOON. At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at SILA'Y NAGSIPAROON, AT NAGSIGAWA SA BAHAY NG PANGINOON NG MGA HUKBO, NA KANILANG DIOS.”

Hagai 2:4
“Gayon ma'y magpakalakas ka ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at kayo'y magsigawa: sapagka't AKO'Y SUMASA INYO SABI NG PANGINOON NG MGA HUKBO.”

ANG DIYOS AY SASAKANILA. HINDI SILA PABABAYAAN NG DIYOS.  PINASASAGANA NG DIYOS SA BIYAYA ANG MGA TUMATALAGA SA PAG-AABULOY SA PAGSAMBA NG IGLESIA NI CRISTO. Sapagkat sa mga ganitong hain ANG DIYOS AY TOTOONG NALULUGOD.