Friday, October 16

"IGLESIA NI CRISTO" O "IGLESIA NG DIYOS"



ARGUMENTO:
  • Bakit “IGLESIA NI CRISTO” at hindi "IGLESIA NG DIYOS"?
  • Bakit naman IGLESIA NI CRISTO ang pangalan ng Iglesia ninyo samantalang mas marami namang nakasulat sa Biblia na "IGLESIA NG DIYOS"?

Narito ang kanilang pinagbabatayan:

1 Corinto 1:2
“Sa IGLESIA NG DIOS na nasa Corinto, sa makatuwid bagay sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:”

1 Corinto 10:32 Magandang Balita Biblia
“Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman-ng mga Judio, ng mga Griego, o ng mga kaanib sa IGLESYA NG DIYOS.”

1 Corinto 11:22
“Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang IGLESIA NG DIOS, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman?  Ano ang aking sasabihin sa inyo?  Kayo baga'y aking pupurihin?  Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.”

2 Corinto 1:1
“Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa IGLESIA NG DIOS na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.”

Galacia 1:13
“Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang IGLESIA NG DIOS:”

1 Tesalonica 2:14
“Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga IGLESIA NG DIOS na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;”

2 Tesalonica 1:4
“Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga IGLESIA NG DIOS dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;”

1 Timoteo 3:5
“(Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa IGLESIA NG DIOS?”

1 Timoteo 3:15
“Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang IGLESIA NG DIOS na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.”

MAAARING ITANONG NG ILAN:
Marami palang VERSES na nakasulat ang katagang "IGLESIA NG DIYOS" ibig sabihin iyon ang tunay na PANGALAN NG IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO (Mateo 16:18)?

TANONG: Alamin natin, ano ang tunay na dahilan, bakit tinawag ni Apostol Pablo na "IGLESIA NG DIYOS" ang IGLESIA NI CRISTO?

Efeso 2:12 Magandang Balita Biblia
“Alalahanin ninyo NA NOONG PANAHONG IYON, HIWALAY KAYO KAY CRISTO, HINDI KABILANG SA BAYANG ISRAEL, AT DI-SAKLAW NG MGA TIPANG NASASALIG SA MGA PANGAKO NG DIYOS.  Noo'y nabubuhay KAYONG WALANG PAG-ASA AT WALANG DIYOS.”

Si Apostol Pablo ang madalas gumamit ng  katagang IGLESIA NG DIYOS sa mga GENTIL na naging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO dahil ang mga GENTIL ay hindi kabilang sa BAYAN NG DIYOS - ANG ISRAEL. Wala silang TIPAN SA MGA PANGAKO, WALANG PAG-ASA at WALANG DIYOS.

TANONG: Ano ang dakilang karapatang tinamo ng mga Gentil ng sila ay mapaanib sa Iglesia Ni Cristo?

Roma 9:24-25
“Maging sa atin na kaniya namang TINAWAG, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman MULA SA MGA GENTIL? Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, TATAWAGIN KONG AKING BAYAN NA HINDI KO DATING BAYAN; At iniibig, na hindi dating iniibig. WALA SILANG DIYOS DAHIL HINDI SILA BAYAN NG DIYOS.”

Wala silang Diyos dahil hindi sila BAYAN NG DIYOS. Nang sila ay matawag sa loob ng Iglesia KINIKILALA na sila ng DIYOS na KANIYANG BAYAN.

TANONG: Bakit sinabing ang mga Gentil ay walang Diyos?

1 Tesalonica 4:5
“Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng MGA GENTIL NA HINDI NANGAKAKAKILALA SA DIOS.”

Hindi kilala ng mga Gentil ang TUNAY na  DIYOS.

Ito ang dahilan kung bakit madalas gamitin ni Apostol Pablo ang IGLESIA NG DIYOS upang tumukoy sa IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS at ang mga natawag na mga GENTIL sila ngayon ay sa DIYOS na.

Dahil ang IGLESIA NI CRISTO ay KATAWAN NI CRISTO ito ang PROPER NAME at OPISYAL na PANGALAN ng IGLESIANG itinatag ni Cristo sa:

Mateo 16:18 Magandang Balita Biblia
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ang AKING IGLESYA, at hindi makapananaig sa kanya kaliit ang kapangyarihan ng kamatayan.”

Kung tinatawag man ito na IGLESIA NG DIYOS ng Biblia ay upang ipakilala na ang IGLESIA NI CRISTO ay PAG-AARI rin ng DIYOS. Ipinapakita ng KATAWAGAN o DESIGNATION na ang IGLESIA NA KATAWAN NI CRISTO ay sa DIYOS din.

Dahil niliwanag ni CRISTO mismo na ang LAHAT ng KANIYA ay sa DIYOS rin.

Juan 17:9-10
“Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi YAONG MGA SA AKIN AY IBINIGAY MO; SAPAGKA'T SILA'Y IYO: AT ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY IYO, AT ANG MGA IYO AY AKIN: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.”

Ganito inilarawan ni Cristo ang PAGMAMAY-ARI ng Diyos sa IGLESIA sa Juan 15:5 at 1:

Juan 15:5 “AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.”

Juan 15:1 “AKO ANG TUNAY NA PUNO NG UBAS, at ANG AKING AMA ANG MAGSASAKA.”

Ipinaliwanag ni CRISTO na ang mga KAANIB sa IGLESIA Niya ay Kaniyang MGA SANGA at Siya ang PUNO NG UBAS at ang DIYOS ang MAGSASAKA.

Ang PANGALANG itatawag doon sa SANGA ay hindi PANGALAN nang MAGSASAKA kundi iyong PANGALAN nang mismong PUNO kung saan ito NAKAKABIT o NAKAUGNAY.

Kaya ang “PROPER NAME” o  MARAPAT na PANGALAN ay SANGA NG UBAS o SANGA NI CRISTO.

Wala ng DIRECT LINE ngayon sa DIYOS.

Dahil hindi tayo makaka-direkta sa Diyos, maliban na DUMAAN MUNA TAYO KAY CRISTO.

Juan 14:6
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: SINOMAN AY DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.”

Kaya nga ang sabi ni Cristo mismo.

Juan 15:4-5
“Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. GAYA NG SANGA NA DI MAKAPAGBUNGA SA KANIYANG SARILI MALIBAN NA NAKAKABIT SA PUNO; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin. AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA: ANG NANANATILI SA AKIN, AT AKO'Y SA KANIYA, AY SIYANG NAGBUBUNGA NG MARAMI: SAPAGKA'T KUNG KAYO'Y HIWALAY SA AKIN AY WALA KAYONG MAGAGAWA.”

Kaya nga para tayo ay matawag na IGLESIA NG DIYOS ay hindi maiiwasan na tayo ay KUMABIT o UMUGNAY muna sa PUNONG si CRISTO bilang SANGA Niya.

Sa madaling salita, kailangan munang maging kaanib ng IGLESIA NI CRISTO bago ka maging IGLESIA NG DIYOS.

At sinasangayunan iyan maging ng isang kilalang BIBLE SCHOLAR na si MATTHEW HENRY.

Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, page 1030
“THERE IS NO ENTERING INTO GOD’S CHURCH BUT BY COMING INTO CHRIST’S CHURCH; nor are any looked upon as members of the kingdom of God among men but those that are willing to submit to the grace and government of the Redeemer.”

Sa Filipino:

“WALANG MAKAKAPASOK SA IGLESIA NG DIYOS MALIBANG PUMASOK SA IGLESIA NI CRISTO; maging ang sinomang mga itinuturing na mga kaanib ng kaharian ng Diyos sa gitna ng mga tao, malibang silay pumayag na magpasakop sa biyaya at pamamahala ng Manunubos.”

Kaya nga ang OPISYAL NA PANGALAN ng Iglesia ay “IGLESIA NI CRISTO” at hindi “IGLESIA NG DIYOS KAY CRISTO JESUS” dahil hindi kailanman mangyayari na makadirekta tayo sa Diyos maliban muna tayong DUMAAN, UMUGNAY, SUMANGKAP o UMANIB sa KATAWAN ni CRISTO na siya niyang IGLESIA.

Mateo 16:18
“AKING IGLESIA”
Colosas 1:18
“KATAWAN NI CRISTO”
Roma 16:16
“IGLESIA NI CRISTO”

Ang ibang mga relihiyon makabasa lang ng IGLESIA na may kasunod iyon agad ang ikakapit sa kanilang Iglesia. Tulad ng IGLESIA NG DIYOS NA BUHAY, HALIGI AT SUHAY NG KATOTOHANAN o kaya naman IGLESIA NG DIYOS NA BUHAY at marami pang iba masabi lang na nakasulat sa Biblia ang pangalan ng relihiyon nila.


Wednesday, October 14

ISANG PAGTALAKAY SA NILALAMAN NG IKALAWANG BAHAGI NG Juan 10:9



Juan 10:9
“Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa  akin, ay siya'y  maliligtas, AT  PAPASOK AT LALABAS, AT MAKASUSUMPONG NG PASTULAN.”

Ang isa sa mga talata ng Biblia na nagpapatotoo na MAHALAGA at KAILANGAN ang pagpasok sa IGLESIA upang matamo ng tao ang pagliligtas ng Panginoong JesuCristo ay ang nasusulat sa Juan 10:9.  Sa unang bahagi ng talata—kung saan sinabi ng Panginoon na, “AKO ANG PINTUAN; ANG SINOMANG TAONG PUMASOK SA AKIN, AY SIYA’Y MALILIGTAS …”—ay isinasaad ang pangako ni Cristo na ang maliligtas ay yaong mga nagsipasok sa Kaniya, samakatuwid baga’y ang mga napaloob sa KAWAN na walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO (Juan 10:7; 10:9, Revised English Bible; Gawa 20:28, Lamsa Translation).

Juan 10:7
“Muli ngang SINABI SA KANILA NI JESUS, KATOTOHANAN, KATOTOHANANG SINASABI KO SA INYO, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.”

John 10:9 Revised English Bible
“I AM THE DOOR; ANYONE WHO COMES INTO THE FOLD THROUGH ME WILL BE SAFE.” 

Sa Pilipino:
Juan 10:9 Revised English Bible
 “AKO ANG PINTUAN; SINUMANG PUMASOK SA LOOB NG KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Acts 20:28 George M. Lamsa Translation
“Take heed therefore to yourselves and to all the FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”

Sa Pilipino:

Gawa 20:28 George M. Lamsa Translation
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Gayunman, hindi malinaw sa iba ang kahulugan ng karugtong na bahagi ng talatang Juan 10:9 — “…AT PAPASOK AT LALABAS, AT MAKASUSUMPONG NG PASTULAN.” 

MAYROONG IBA NA ANG PAKAHULUGAN AY MAY HALONG PAMIMILOSOPO: 
Kaya raw sinabing “PAPASOK AT LALABAS AT MAKASUSUMPONG NG PASTULAN” ay dahil nasa loob ng kulungan ang mga nagsipasok kay Cristo at kinakailangang ilabas upang mapastulan kagaya raw ng ginagawa sa mga literal na kawan ng tupa. 

SINASABI NAMAN NG IBANG MGA MANUNULIGSA SA IGLESIA NI CRISTO: 
Kung ang pagpasok daw na tinutukoy sa bahaging iyon ng talata ay ang pagpasok sa Iglesia ni Cristo, kung gayon ang paglabas daw na tinutukoy ay ang paglabas din ng Iglesia ni Cristo para makasumpong ng pastulan.  Ang KONKLUSYON nila:  Ang mga pumasok sa Iglesia ni Cristo ay dapat daw lumabas para maligtas.

Ano ang kamalian ng ganitong pakahulugan?  Lilitaw na sinasalungat ng Panginoong Jesucristo ang mismong ipinahayag Niya.  Sa isang banda ay sinasabi Niyang ang pumasok sa Kaniya ay maliligtas; at sa kabilang dako naman ay pinalilitaw na sinasabi Niyang ang kailangan ay pumasok at pagkatapos ay lumabas?  Napaka-imposible! 

TANONG: Si Cristo ba ay magsasalita ng daya o ng kasinungalingan?

1 Pedro 2:22
“Na SIYA'Y HINDI NAGKASALA, O KINASUMPUNGAN MAN NG DAYA ANG KANIYANG BIBIG:”

TANONG: Itinuro ba ni Cristo na dapat lumabas sa Iglesia upang maligtas? 

Juan 15:5-6
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't KUNG KAYO'Y HIWALAY SA AKIN AY WALA KAYONG MAGAGAWA. KUNG SINOMAN AY HINDI MANATILI SA AKIN, AY SIYA'Y  MATATAPONG KATULAD NG SANGA, AT MATUTUYO; AT MGA TITIPUNIN AT MGA IHAHAGIS SA APOY, AT MANGASUSUNOG.”

Wala Siyang itinuro na dapat lumabas sa Iglesia upang maligtas.  Bagkus sinabi pa nga Niya na ang mahiwalay sa Kaniya ay gaya ng sanga na nahiwalay sa puno—matutuyo, titipunin at ihahagis sa apoy.

TANONG: Alin ang apoy na tinutukoy ng ating Panginoong JesuCristo?

Apocalipsis 21:8
“Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY AT ASUPRE; NA SIYANG IKALAWANG KAMATAYAN.”

Ang apoy na tinutukoy ay ang DAGAT-DAGATANG APOY o KAPARUSAHANG WALANG HANGGAN.

ALAMIN NATIN: Ano ang kahulugan ng sinabing iyon ng Panginoong Jesucristo sa Juan 10:9?  Ayon sa Panginoong JesuCristo ang mga taong nagsipasok sa Kaniya na pinangakuan Niyang maliligtas ay mayroong PAPASUKAN at PAGLABAS nila roon ay makasusumpong sila ng PASTULAN.

TANONG: Saan ba nakatakdang pumasok hindi lamang ang mga umanib sa Iglesia ni Cristo kundi maging ang lahat ng tao?

Isaias 38:10 Ang Biblia, 1905 edition
“Aking sinabi:  Sa kasibulan ng aking mga kaarawan ay PAPASOK AKO SA PINTUAN NG LIBINGAN:  Ako’y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.”

Lahat ng tao ay nakatakdang pumasok sa libingan o mamatay.

TANONG: Bakit ang tao ay nakatakdang mamatay?

Roma 5:12
Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ANG KAMATAYAN AY NARANASAN NG LAHAT NG MGA TAO, SAPAGKA'T ANG LAHAT AY NANGAGKASALA:-“

Roma 6:23
“Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Ang tao ay nakatakdang mamatay bilang kabayaran ng kasalanan.

TANONG: Walang tututol sa katotohanang ang tao ay namamatay, kung paanong tiyak ang pagdating ng kamatayan ng isang tao, ano pa ang tiyak na daranasin ng tao?

Hebreo 9:27
“At KUNG PAANONG ITINAKDA SA MGA TAO ANG MAMATAY NA MINSAN, AT PAGKATAPOS NITO AY ANG PAGHUHUKOM;”

At kung paanong itinakda ng Diyos sa mga tao ang kamatayan, “PAGKATAPOS NITO AY ANG PAGHUHUKOM”. Gayunman, ang kahigitan ng mga NAGSIPASOK KAY CRISTO o UMANIB SA KANIYANG IGLESIA ay tiyak na LALABAS SILA SA LIBINGAN at MAKASUSUMPONG NG PASTULAN.

TANONG: Ano ang tiniyak ng Panginoong JesuCristo sa Kaniyang Iglesia na hindi makapananaig?

Mateo 16:18 Magandang Balita Biblia
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at HINDI MAKAPANANAIG SA KANYA KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN.”

Tiniyak ni Cristo na ang Kaniyang Iglesia ay hindi pananaigan ng kapangyarihan ng kamatayan.  Gayunman, ang kahigitan ng mga NAGSIPASOK KAY CRISTO o UMANIB SA KANIYANG IGLESIA ay tiyak na LALABAS SILA SA LIBINGAN at MAKASUSUMPONG NG PASTULAN.

Ito ang kahulugan ng sinabi ng Panginoong Jesucristo sa Juan 10:9,  sapagkat ang mga nagsipasok sa Kaniya o ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ang pinangakuan Niya ng kaligtasan, “PAPASOK” man sila sa libingan ay “LALABAS” din sila roon o muling mabubuhay. 

TANONG: Kailan magaganap ang paglabas sa libingan ng mga namatay kay Cristo o Iglesia Ni Cristo?

1 Tesalonica 4:16
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ANG NANGAMATAY KAY CRISTO AY UNANG MANGABUBUHAY NA MAGULI;”

Magaganap ito sa Kaniyang ikalawang pagparito o sa Araw ng Paghuhukom.

TANONG: Bakit naman sinabi na ang mga nasa KAWAN o IGLESIA NI CRISTO na papasok at lalabas sa libingan ay “MAKASUSUMPONG NG PASTULAN”?

DALAWA ANG URI NG PAGKABUHAY NA MULI:
  • ang una ay para sa BUHAY NA WALANG HANGGAN.
  • ang isa pa ay sa PAGHATOL o WALANG HANGGANG KAPARUSAN.  

Juan 5:28-29
“Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras na ANG LAHAT NG NANGASA LIBINGAN AY MAKARIRINIG NG KANIYANG TINIG, AT MAGSISILABAS; ANG MGA NAGSIGAWA NG MABUTI, AY SA PAGKABUHAY NA MAGULI SA BUHAY; AT ANG MGA NAGSIGAWA NG MASAMA, AY SA PAGKABUHAY NA MAGULI SA PAGHATOL.”

TANONG: Sino ang mapalad na makakalakip na makasama sa UNANG PAGKABUHAY NA MULI?

1 Tesalonica 4:16-17
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ANG NANGAMATAY KAY CRISTO AY UNANG MANGABUBUHAY NA MAGULI; KUNG MAGKAGAYON, TAYONG NANGABUBUHAY, NA NANGATITIRA, AY AAGAWING KASAMA NILA SA MGA ALAPAAP, UPANG SALUBUNGIN ANG PANGINOON SA HANGIN: AT SA GANITO'Y SASA PANGINOON TAYO MAGPAKAILAN MAN.”

Ang mga kay Cristo ay kasama sa unang pagkabuhay na muli at ang mga aabutang buhay na Iglesia Ni Cristo ang sabi sa talata, “AAGAWING KASAMA NILA SA MGA ALAPAAP, UPANG SALUBUNGIN ANG PANGINOON SA HANGIN: AT SA GANITO'Y SASA PANGINOON TAYO MAGPAKAILAN MAN.”

TANONG: Saan dadalhin ni Cristo ang mga kasama sa unang pagkabuhay at inabutang buhay na Iglesia Ni Cristo?

Apocalipsis 21:1-4
“AT NAKITA KO ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG LUPA: SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; AT ANG DAGAT AY WALA NA. AT NAKITA KO ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, NA NANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. AT NARINIG KO ANG ISANG MALAKAS NA TINIG NA MULA SA LUKLUKAN, NA NAGSASABI, NARITO, ANG TABERNAKULO NG DIOS AY NASA MGA TAO AT SIYA'Y MANANAHAN SA KANILA, AT SILA'Y MAGIGING MGA BAYAN NIYA, AT ANG DIOS DIN AY SASA KANILA, AT MAGIGING DIOS NILA: AT PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”

Sila ay dadalhin Niya upang manirahan sa Bayang Banal, sa bagong langit at lupa.

TANONG: Ano ang uri ng magiging pamumuhay sa Bayang Banal?

Apocalipsis 7:16-17
“SILA'Y HINDI NA MAGUGUTOM PA, NI MAUUHAW PA MAN; NI HINDI NA SILA TATAMAAN NG ARAW, O NG ANOMANG INIT: SAPAGKA'T ANG CORDERO NA NASA GITNA NG LUKLUKAN AY SIYANG MAGIGING PASTOR NILA, AT SILA'Y PAPATNUGUTAN SA MGA BUKAL NG TUBIG NG BUHAY: AT PAPAHIRIN NG DIOS ANG BAWA'T LUHA NG KANILANG MGA MATA.”

Kaya sa muling pagkabuhay ay hindi na sila magugutom o mauuhaw o mamamatay man sapagkat si Cristo, na magiging pastor nila ay papatnugutan o papastulan sila sa mga bukal ng tubig ng buhay.  Ito ang pastulang masusumpungan nila sa Bayang Banal na ipinangako ng Diyos sa Kaniyang mga hinirang.

Samakatuwid, malinaw na sa Juan 10:9 ay nakasaad ang pangakong kaligtasan ni Cristo sa mga nagsipasok sa Kaniya o umanib sa Kaniyang Iglesia.

 TANONG: Ano ang nakatakda nilang pagdaraanan upang  makamit ito?

  • Papasok sila at lalabas sa LIBINGAN.
  • Mamamatay ngunit MULING MABUBUHAY,
  • Maninirahan sa BAYANG BANAL na pinapatnugutan ng TUBIG NG BUHAY at
  • MAKAKASUMPONG NG PASTULAN ang “SARIWANG PASTULAN” (Awit 23:2) na kanilang pinakaaasam.

Awit 23:2
“KANIYANG PINAHIHIGA AKO SA SARIWANG PASTULAN: PINAPATNUBAYAN NIYA AKO SA SIPING NG MGA TUBIG NA PAHINGAHAN.”