Tuesday, September 29

BANAL NA HAPUNAN O SANTA CENA: SA UMAGA?



TANONG: Bakit ang BANAL NA HAPUNAN ng IGLESIA NI CRISTO ay ginagawa sa UMAGA? HAPUNAN iyon hindi ba?”

SAGOT: Malaki ang pagkakaiba ng BANAL NA HAPUNAN sa ORDINARYONG HAPUNAN.

  • Kaya tayo kumakain ng "HAPUNAN" ay upang tayo ay “MABUSOG” upang maibsan ang ating gutom.
  • Iba ang BANAL NA HAPUNAN hindi ito isinasagawa para tayo ay mabusog.

Niliwanag iyan ni Apostol Pablo:

1 Corinto 11:20-22 Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“Kaya’t SA INYONG PAGTITIPON, HINDI BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ANG KINAKAIN NINYO. Sapagka't sa inyong pagkain, ang BAWA'T ISA'Y KUMUKUHA NG KANIKANIYANG SARILING HAPUNAN NA NAGPAPAUNA SA IBA; AT ANG ISA AY GUTOM, AT ANG IBA'Y LASING. ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? SA BAGAY NA ITO AY HINDI KO KAYO PINUPURI.”

Inakala ng mga UNANG CRISTIANO na ang BANAL NA HAPUNAN ay katulad ng ORDINARYONG HAPUNAN na KAINAN at INUMAN kaya ang IBA AY NAGPAPAUNA SA PAGKAIN at ANG IBA NAMAN AY NALASING sa kaiinom ng KATAS NG UBAS. Kaya SINAWAY sila ni APOSTOL PABLO: ”ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN?” Dahil hindi naman ORDINARYONG HAPUNAN iyon. Maling ISIPIN at LAYUNIN na kaya ka dadalo ng BANAL NA HAPUNAN ay KAKAIN ka hanggang gusto mo para ikaw ay MABUSOG.

Kaya  NAGTAGUBILIN si APOSTOL PABLO bago tumanggap ng BANAL NA HAPUNAN:

1 Corinto 11:34  Ang Bagong Magandang Balita Biblia
“KUNG MAY NAGUGUTOM, KUMAIN NA MUNA SIYA SA BAHAY upang hindi humantong sa hatol na kaparusahan ang inyong pagtitipon. Tungkol naman sa ibang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.”

Maliwanag na hindi ORDINARYONG HAPUNAN ang BANAL NA HAPUNAN. Kung nagugutom ka KUMAIN KA MUNA SA BAHAY, dahil hindi ka pupunta sa BANAL NA HAPUNAN para MABUSOG. Kaya MALI na IHAMBING ito sa “HAPUNAN” na ginagawa natin na PANGKARANIWAN.

TANONG: Ano ba ang BANAL NA HAPUNAN? Bakit ba natin ito isinasagawa?

1 Corinto 11:24-25
“At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN. At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: GAWIN NINYO ITO SA TUWING KAYO'Y MAGSISIINOM, SA PAGAALAALA SA AKIN.”

Ang PAGKAIN NG TINAPAY at ang PAG-INOM SA SARO o ng KATAS NG UBAS na bahagi ng BANAL NA HAPUNAN ay ginagawa upang ALALAHANIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO. Hindi para MAGHAPUNAN ng LITERAL na kaya ka KAKAIN at IINOM  ay PARA MABUSOG.

  • Ang BANAL NA HAPUNAN ay PAG-AALAALA  kay CRISTO.
  • Maari nating ISAGAWA kahit sa UMAGA, TANGHALI o maging sa GABI.
  • Ang “BANAL NA HAPUNAN” ay ang PANGALAN na itinawag sa gawaing ito ng PAG-AALAALA KAY CRISTO.

HINDI APPLICABLE ang “ELEMENT OF TIME” sa PANGALAN o KATAWAGAN dito. Katulad ng mga halimbawa sa ibaba na mga KATAWAGAN o SALITA na hindi APLIKABLE ang tinatawag na “ELEMENT OF TIME”:

SIMBANG GABI
isinasagawa sa MADALING ARAW.
 MERIENDA
sa ENGLISH ay AFTERNOON TEA na puwede ring GAWIN SA UMAGA.

 NIGHT GOWN
hindi nangangahulugang sa GABI MO LANG PUWEDENG ISUOT at kapag isinuot mo sa UMAGA, TANGHALI o HAPON ay hindi na siya NIGHT GOWN.

MUTA SA MATA
tinatawag sa ENGLISH na MORNING GLORY hindi nangangahulugan na sa UMAGA ka lang puwedeng magkaroon.

Friday, September 25

ANG KASAL SA IGLESIA NI CRISTO - PART 2



ANG PAYO NG BIBLIA UPANG MAGING MATATAG ANG PAGSASAMA NG MAG-ASAWA

Hindi ang dapat na maging SULUSYON sa PROBLEMA ng MAG-ASAWA ay ang MAGHIWALAY. Kundi ang MAGKASUNDO. Ang pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa ay hindi nangangahulugan na may diperensiya ang itinatag ng Diyos na institusyon ng PAG-AASAWA o KASAL. Hindi ang batas ng Diyos na ipinagbabawal ang paghihiwalay o diborsiyo ng mag-asawa ang may diperensiya. Ang PAGKASIRA ng pagsasama ng mag-asawa ay BUNGA NG KATIGASAN NG ULO ng ISANG LALAKE o ISANG BABAE na MAY-ASAWA na HINDI SINUNOD ang IPINAPAYO ng DIYOS na NAKASULAT SA BIBLIA na dapat na maging KAAYUSAN NG PAGSASAMA NG MAG-ASAWA. Ito ang mga sumusunod:

1. ANG LALAKE ANG DAPAT NA MAGING PANGULO AT ANG BABAE AY DAPAT NA PASKOP:

Efeso 5:21-24 Magandang Balita Biblia
“Pasakop kayo sa isa't isa tanda ng inyong paggalang kay Cristo. MGA BABAE, PASAKOP KAYO SA INYU-INYONG ASAWA tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ANG LALAKI ANG ULO NG KANYANG  ASAWA, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayon din naman, ANG MGA BABAE'Y DAPAT PASAKOP NANG LUBUSAN SA KANI-KANILANG ASAWA.”

2. IBIGIN NAMAN NG LALAKE ANG KANIYANG ASAWA, NA MAHALIN, ALAGAAN     AT HUWAG KAMUHIAN:

Efeso 5:25-29
“MGA LALAKE, IBIGIN NINYO ANG INYO-INYONG ASAWA, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.] Gayon din naman NARARAPAT IBIGIN NG MGA LALAKE ANG KANI-KANIYANG SARILING ASAWA, na gaya ng kanilang sariling mga katawan.  ANG UMIIBIG SA KANIYANG SARILING ASAWA AY UMIIBIG SA KANIYANG SARILI: Sapagka't WALANG SINOMAN NA NAPOOT KAILAN MAN SA KANIYANG SARILING KATAWAN; KUNDI KINAKANDILI AT MINAMAHAL, gaya naman ni Cristo sa iglesia;”

3. IGALANG NAMAN NG BABAE ANG KANIYANG ASAWA:

Efeso 5:33 Magandang Balita Biblia
“Subalit ito'y tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo:  mga  lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong asawa gaya ng inyong sarili; MGA BABAE, IGALANG NINYO ANG INYU-INYONG ASAWA.”

4. ANG LALAKE AY NAMAMAHALANG MABUTI SA KANIYANG SARILING SAMBAHAYAN:

1 Timoteo 3:4
“NAMAMAHALANG MABUTI NG KANIYANG SARILING SANGBAHAYAN, NA SINUSUPIL ANG KANIYANG MGA ANAK NA MAY BUONG KAHUSAYAN;”

5. KINAKANDILII NG LALAKE (IBINIBIGAY ANG MGA PANGANGAILANGAN) ANG KANIYANG SARILING SAMABAHAYAN:

1 Timoteo 5:8
“Datapuwa't KUNG ANG SINOMAN AY HINDI NAGKAKANDILI SA MGA SARILING KANIYA, LALONG LALO NA SA KANIYANG SARILING SANGBAHAYAN, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya.”

6. ANG BABAE AY MAGING MASIPAG SA BAHAY, MAASIKASO SA PAMILYA, MAPAGTITIWALAAN, NAKAPAG-IIMPOK, AT SUMUSUBAYBAY NA MABUTI SA SAMBAHAYAN:

Kawikaan 31:10-29 Magandang Balita Biblia
“MAHIRAP MAKAKITA NG MABUTING ASAWA, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. LUBOS ANG TIWALA NG KANYANG ASAWA, at saganang pakinabang ang makakamit niya. PINAGLILINGKURAN NIYA ANG ASAWA HABANG SILA'Y NABUBUHAY, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan. WALA SIYANG TIGIL SA PAGGAWA, HINDI NA HALOS NAGPAPAHINGA, humahabi ng kanyang lino at saka ng lana. Tulad ng isang barkong tigib ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. BAGO PA SUMIKAT ANG ARAW AY INIHAHANDA NA ANG PAGKAIN NG BUO NIYANG SAMBAHAYAN, pati na ng gawain ng mga katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ANG KANYANG NAIIMPOK AY IPINAGPAPATANIM NG UBAS. Gayunma'y NAIINGATAN ANG KAMAY AT KATAWAN UPANG MATUPAD ANG LAHAT NG TUNGKULIN NIYA ARAW-ARAW. SA KANYA'Y MAHALAGA ANG BAWAT GINAGAWA, HANGGANG HATINGGABI'Y MAKIKITANG NAGTITIYAGA. Siya'y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit. Matulungin siya sa mahirap at sa nangangailangan ay bukas ang palad. Hindi siya nag-aalala dumating man ang tagginaw, pagkat ang sambahayan niya'y may makapal na kasuutan. Gumagawa siya ng makakapal na kubrekama at damit na pinong lino ang dinaramit niya. ANG KANYANG ASAWA'Y KILALA SA LIPUNAN AT NAHAHANAY SA MGA PANGUNAHING MAMAMAYAN. Gumagawa pa rin siya ng iba pang kasuutan at ipinagbibili sa mga mangangalakal. MARANGAL AT KAPITA-PITAGAN ANG KANYANG KAANYUAN at wala siyang pangamba sa bukas na daratal. ANG MGA SALITA NIYA AY PUSPOS NG KAALAMAN AT ANG TURO NIYA AY PAWANG KATAPATAN. SINUSUBAYBAYAN NIYANG MABUTI ANG KANYANG SAMBAHAYAN AT HINDI TUMITIGIL SA PAGGAWA ARAW-ARAW. IGINAGALANG SIYA NG KANYANG MGA ANAK AT PINUPURI NG KANYANG KABIYAK: MARAMING BABAE NA MABUTING ASAWA, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka.”

7. PINAKIKITUNGUHANG MABUTI NG LALAKE ANG KANIYANG ASAWA:

1 Pedro 3:7 Magandang Balita Biblia
“KAYO NAMANG MGA LALAKI, PAKITUNGUHAN NINYONG MABUTI ANG INYU-INYONG ASAWA, sapagkat sila'y mahina, at tulad ninyo'y may karapatan din sa buhay na walang hanggang kaloob sa inyo ng Diyos.  Sa gayon, walang magiging sagabal sa inyong panalangin.”

8. MAGING TAPAT SA ISA’T ISA:

Hebreo 13:4(a) Magandang Balita Biblia
“Dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa, at MAGING TAPAT SA ISA'T ISA ANG MAG-ASAWA…”

9. MAGING MABAIT AT MAAWAIN SA ISA’T ISA, NA MANGAGPATAWARAN AT MAG-UNAWAAN (ALISIN ANG SAMAAN NG LOOB, HUWAG MAMBUBULYAW, MANLALAIT O MANANAKIT NG DAMDAMIN NG ISA’T ISA):

Efeso 4:31-32 Magandang Balita Biblia
“ALISIN NA NINYO ANG LAHAT NG SAMA NG LOOB, GALIT AT POOT; HUWAG NA KAYONG MAMBUBULYAW, MANLALAIT, AT MANANAKIT NG DAMDAMIN ng kapwa. Sa halip, MAGING MABAIT KAYO AT MAAWAIN SA ISA'T ISA, AT MAGPATAWARAN, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.”

ANG NAKASUSUNOD AT NAGTATAPAT SA MGA UTOS NG PAYO NG DIYOS ANG PINAGPAPALA AT MAGKAKAMIT NG PAGLINGAP MULA SA PANGINOON:

Awit 5:12
“Sapagka't IYONG PAGPAPALAIN ANG MATUWID; Oh Panginoon, LILIBIRIN MO SIYA NG PAGLINGAP na gaya ng isang kalasag.”

Samakatuwid, upang maging MATATAG at MAPAYAPA ang pagsasama ng mag-asawa ay nakasalalay sa PAGPAPALA NG DIYOS. Dapat na IGALANG at PAHALAGAHAN ang PAG-AASAWA o KASAL na ITINATAG NG DIYOS at BUONG KATAPATANG SUNDIN ang UTOS NG DIYOS sa mga MAG-ASAWA upang matamo ang PAGPAPALA at BASBAS ng DIYOS.